Prologue

969 10 0
                                    

Ako nga pala si Nash Aguas.Ang lalaking naiipit,naguguluhan,nababagabag kung ano ba talaga ang gagawin ko upang maging matatag at matapang upang maipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko na si Sharlene San Pedro.Paano ko siya ipaglalaban kung ang lahat ng nakapaligid sa amin ay pilit kaming pinaghihiwalay at pinagbabawalan na makasama at ipadama sa isa't-isa kung gaano namin gustong ipagsigawan ang pagmamahalang namamagitan sa aming dalawa.Ang masaklap nga lang kahit gustuhin man naming gawin ito hindi maaari dahil parehas naming pinahahalagahan at iginagalang ang industriyang tumulong upang mapunta kami sa kinaroroonan namin ngayon.Haissst ano bang pipiliin ko ang trabahong iningatan ko ng maraming taon o ang babaeng pinakamamahal ko at sanhi ng pagkakaroon ng kulay ng buhay ko.Bakit ba kasi naging ganito ang sitwasyon?Bakit pa kasi pinaghiwalay niyo pa kami?Bakit kasi hindi niyo na lang hinayaang manatili ang loveteam naming dalawa?Nag-eksperimento pa kayo eh hindi naman kami science project.Hindi ba nila naisip na kami talaga ang bagay.Hindi ba nila naisip na malaki ang mawawala at madami ang magbabago lalo na sa sitwasyon namin ni Bro.

Pero kahit ano pa ang mangyari mananatili ako sa tabi niya kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon naming dalawa.Kahit ngayon magsikreto muna kami at kahit kami lang dalawa ang nakakaalam.Kahit na mahirap magpanggap na hindi ko siya mahal gagawin ko para maprotektahan lang siya.Pero hanggang kailan ako magiging sunud-sunuran?Hanggang kailan ako magiging duwag?Hanggang kailan ako matatakot?Ayoko na siyang mahirapan.Ayoko ng maghirap kami parehas.Sana talaga dumating na ang panahong maging matapang ako.Pasensiya na talaga Shar,Pasensiya na kung lagi na lang kitang binibigo.Pasensiya na lagi na lang kitang nasasaktan.Hahahha ang OA ko ba pasensiya na Mahal ko lang talaga siya at ang sakit sakit na gustong-gusto ko siyang yakapin,hawakan,halikan at sabihing ang salitang mahal ko siya habang tumitingin sa kanyang magagandang mata;hindi ko magawa dahil ang tanga tanga ko ang duwag duwag ko.Bakit ba kasi hindi mo siya magawang ipaglaban Nash?Bakit ba kasi hindi mo magawang suwayin sila tapos iiyak-iyak ka kapag nakikita mong may kasama siyang iba.Ang tanga tanga mo kasi sinasaktan mo siya,pinapaiyak mo siya, imbes na painapangiti at pinapakilig mo lang siya.Kailan ba ako magiging matapang para sa aming dalawa?

When You Look Me In The Eyesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن