"Pwede ba kita maging bestfriend?" she asked all of a sudden..

Ewan ko bakit parang biglang sumakit yung puso ko sa sinabi niya. Bakit bestfriend pa? Chelsea, di ba pwedeng boyfriend? Tss. Oo inaamin ko. Gusto ko siya.

"Sure. Pero bakit ako?" tanong ko

"Magaan loob ko sayo." sabi niya at ngumiti. Pakshet. Natulala ako. Ang ganda niya pag nakangiti

"Ivan"

Sana palagi nalang siyang nakangiti

"Ivan"

Sana ako ang dahilan ng pag ngiti niya.

"IVAN!"

"Ay mahal kita." bulalas ko bigla dahil sa gulat. Napatakip ako ng bibig. Ano yun? Bakit yun lumabas ng bibig ko? Shit

"Talaga? Mahal mo ko?" tanong ni Chelsea na nang aasar.

"Di ah. Nagulat ako eh." sabi ko.

"Sus. Ayiieeee. Mahal niya ako" sabi ni Chelsea

Napatingin naman ako sakanya. Hanep. May tinatagong pagka childish din pala to?

"Bakit?" tanong niya

"Wala. Di ko akalain na may childish na side ka." sabi ko

"Tss." sabi niya at tumalikod sakin. Hanep. Nagtatampo?

"Hala. Sorry na." sabi ko

Hindi naman niya ako pinansin at nanatiling tahimik.. Hanep.

"Bibili kita ng icecream!" sabi ko naman

And with that, she finally faced me with a smile on her face. 

"Talaga?" sabi niya

Tumango ako

Nabigla ako kasi

Niyakap niya ako 

"Ay Sorry. Hehehe. Yay! Ibibili ako ni VanVan ng ice cream" sabi niya

"VanVan?" tanong ko

"Ivan. VanVan. Yun na tawag ko sayo." sabi niya at ngumiti.

Shit. Namula ako bigla. Yung smile niya eh. Nakakatunaw. Leche. Para akong bakla neto.

"Hmm. May sakit ka?" tanong niya sabay lapit sa mukha ko at chineck ang temperature ko.

"W-wala" sabi ko. Daheck. Ang lapit kasi ng mukha niya eh.

"Okay! Tara na! Bili mo na ako!" sabi niya at hinila ako palabas.

Sana palagi nalang siyang ganito.

Pero, pag palagi siyang ganito.

Baka matuluyan ako.

Baka matuluyan akong mahalin siya.

"Tara na~" sabi niya

Tumango nalang ako.

AJ's POV

Andito kami ngayon sa iisang room. Narinig namin yung usapan ni Ivan at CJ. Hanep. HAHAHAHAHA. Pero papasalamatan ko si Ivan dahil nagka expression si Chelsea cause of him.

"Pffft. Di parin ako maka get-over. Si Ivan? Namula?" natatawang tanong ni JM

"Same here brad." sabi ni JR at tumawa

"Pero, tingin niyo gusto rin siya ni Chelsea?" tanong ni Ken

"Nope" deretsang sagot ni MJ

"Ganun lang talaga si CJ" sabi ni LJ

"Tiyaka, never pa siyang nainlove. Matatagalan bago niya magustuhan ang isang tao. May something siguro kay Ivan kaya naging magaan loob ni CJ sakanya" sabi ko

"Ano kaya ginagawa nila ngayon?" sabay na tanong nung mga lalaki.

Nag kibit balikat na lamang kami.

Kung magustuhan kaman niya Ivan.

Sana hindi siya matulad sa Ate niya.

Sana hindi mo siya lolokohin.

Sana

maibalik mo ang dating siya.

JM's POV

Napansin kong medyo problemado tong si AJ kaya naman nilapitan ko siya.

"Hoy." tawag ko dito.

"H'wag mo kong i hoy. May pangalan ako!" sabi naman niya. Tss.

"AJ." tawag ko.

"Hmm?" sabi niya

"May problema ka?" tanong ko

Umiling lang siya. Sus. Wala daw.

"Kamusta training niyo?" tanong niya

"Mahirap. Pero kailangan." sagot ko

Tumango lamang siya at nag usap lang kami.

Third Person's POV

Si Ivan at Chelsea ngayon ay malapit na sila sa ice cream parlor. Pinagtitinginan sila ng lahat. Lalo na si Chelsea sapagkat dati ay poker siya ngayon may expression na

"VanVan, tinitingnan ka nila oh. Di ka pa naiilang?" tanong ni Chelsea kay Ivan

"Hindi naman ako ang tinitingnan nila eh. Ikaw kaya." sabi naman ni Ivan

"Ha? Bakit ako?" sabi ni Chelsea

"Ang cute mo kasi." sagot ni Ivan

"Talaga? Cute ako? Sus. Baka inuuto mo lang ako eh." sabi ni Chelsea

"Totoo nga." sabi ni Ivan

Tumango na lamang ito.

"JoyJoy tawag ko sayo." sabi ni Ivan

"Ha? Bakit? Paano?" tanong ni Chelsea

"Kasi Chelsea Joyce. Joy. Joyjoy." sagot ni Ivan

Tumango lamang si Chelsea sakanya at pumasok sila sa Ice cream parlor. Kumain na sila doon hanggang sa napagdesisyunan na nilang umuwi.

'Sana hindi matapos ang araw na ito. Ang saya ko dahil kasama ko siya. Sana masaya rin siya kagaya ko. Sana. Sana makita ko ang dating siya. Sana makilala ko pa siya. Gusto kita Chelsea.' ang nasa isip ni Ivan

'Ano tong nararamdaman ko? Bakit parang may kung anong paru paru sa tiyan ko. Siya lamang ang nakapag paganito sakin. Anong meron ka? At nagawa mong ibalik onti onti ang dating ako?' sa isip ni Chelsea.

'Magpakasaya lang kayo dahil malapit ko na kayong patayin.' ang nasa isip naman ng isang taong nakakakita sakanila.

------------------------

The Gangster's SecretWhere stories live. Discover now