UF 9- Khalil's.

24.7K 342 35
                                    


Pagtyagaan niyo muna to, kaya ako nag-update ngayon kasi baka tamarin ako mag-update. Alam niyo naman, si Amanda, ang tamad tamad :))) Bwahaha, bumenta yung ang dakilang bigo. :P Katuwa kayo guys! Haha. Labbyu all!

Khalil's POV:




Ako si Khalil Joseph Ramos, musician, I love my music as much as I love her. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko siya mahal.. Mamahalin mo din kaya ako?

Flashback.

1st day of school.. Dito na sa wakas, nakarating din sa school. Hay, 4th year na ako.. Wala na akong kasama sa bahay dahil lahat sila nasa New York na.

Papunta na sana ako sa tambayan namin nila Quen at Sam, sila ang barkada ko pero minsan naaalangan na din ako sa kanila.

Lagi na lang kasing may kaaway, pati nga si Dj na totoong best friend ko, umiiwas na sa akin. Sa amin.

Dati kasi, napagtripan siya ni Quen about doon sa babaeng nerd.. Kawawa nga yun naloko kasi siya ni Dj. Kaya after a few weeks pagkatapos nila magbreak, umalis siya ng school namin.. At walang nakaka-alam kung saan siya pumunta.

Si Dj naman, nagsimula na makipagdate doon kay Bea Jimenez, she's cool and fashionable, di siya katulad nung nerd, pero I can't stand her attitude, masiyado siyang mapapel, ewan. Basta ayoko sa kanya. Ang arte. Kala mo lahat magugustuhan siya. Tss.

Kaya ko lang naman pinakisamahan yun dahil kila Quen at Sam, gusto nila si Bea... Ewan sa mga yun.

Hindi rin naman nagtagal yung relationship ni Bea at Dj, madali lang din yun natapos.. Pagtapos nun, sobrang naging mahilig mag-aral si Dj.

Pagdating namin ng second year, laking gulat ko nung mapili siya sa mga competitions, at MATH pa talaga! Yung kinamumuhian niya lang naman na subject yun dati! Hay.

Tss, nagbago na nga siya, hindi na siya masiyadong sumasama sa grupo pero ako naman ang hindi maka-alis sa grupong ito.

Haaay, bigla ko na lang naisipan na wag na pumunta sa tambayan namin, wala naman akong mapapala doon.

Umupo ako sa may bench medyo malapit na malayo sa board of honors. Basta, dito yun. May bench, at kita nag board of honors.

1st nanaman pala si Daniel noong 3rd year kami.. Natalo niya pa si Julia na laging pumapangalawa dati doon sa nerd.

Until Forever [SLY Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon