UF 33 - Conflict

7K 155 47
                                    

Coco's POV


3 weeks na simula noong unang itry naming maging normal ang relationship namin. Yung parang walang kasalan na magaganap... Namove din ng dalawang buwan ang kasal namin dahil sa gusto ni Julia na... mag-date? Yes, parang ganun na nga.. Parang sisimulan namin na bumuo ng relationship na mauuwi sa kasalan after two months.

Natuto na din si Julia na ngitian ako.. Parang nagbago na ang lahat sa amin, at alam ko, konti na lang mamahalin nya na ako ulit. Konti na lang, maaalala na niya ako.

"Coco!" narinig ko yung boses ni Julia. Nandito ako ngayon sa mall, magkikita kasi kami. Katatapos lang din ng mga meeting ko.

Paglingon ko, nakita ko siya. Nakangiti siya sa akin.. that smile... Lumapit ako sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. "Hi Julie," nakita ko namang namumula siya. haha, ang cute niya talaga.

Simula nung araw na yun, naging ganito na kami, sweet kami, actually ako naman talaga yung gumagawa ng paraan para maging sweet kami, pero hindi katulad ng dati na nagagalit siya, ngayon hinahayaan nya na lang ako. Ngumiti ako sa kanya, tapos inakbayan ko siya... "Tara na, movie?" tumango na lang si Julie kaya dumiretso na kami sa movie world.

Nakapila kami para pumasok sa cinema nung may nakita akong taong pamilyar.. Mukhang si Diego ata yun. Nakatalikod sa kanya si Jules kaya hindi siya nito nakita. Nung makita kong nakatingin sa amin si Diegom inakbayan ko si Julie.

Ewan ko ba, pero ayokong pakawalan si Julie, Mahal na mahal ko talaga siya. Simula pa dati, nalayo man kami sa isa't isa, hindi pa din nag babago yung nararamdaman ko, siya pa din ang gusto ko na maglalakad papunta sa altar habang hinihintay ko siya.

Nginitian lang ako ni Jules tapos pumasok na kami sa loob.

Pagkatapos naming mag movie, kumain na din kami ng dinner at bumili ng ilang gamit, mga ilang oras din at nagyaya na si Julia na umuwi.

-

Nandito na kami sa harap ng bahay nila, yung mga pinamili naman namin nasa loob na... Pauwi na ako at hinatid niya lang ako dito sa labas.

"Julie," sabi ko, tapos hinawakan ko yung kamay niya tapos niyakap ko siya.. Nagulat siya pero hindi naman siya pumalag.. "Masaya ako kasi binigyan mo ko ng chance... Masaya ako..." sabi ko, pinagtama ko ng tingin ang mga mata namin, hinaplos ko ang mukha niya. "Sana maalala mo na ako..."

"What are you talking about Coco?" 

Umiling lang ako at ngumiti.. "I love you so much.." sabi ko tapos hinalikan ko siya.. What sge did surprised me.. She responded to my kiss. We were kissing like it will kill us if we end it..

Nagulat kami parehas nung may marinig kaming nahulog na bagay at napatingin sa tao sa harap naming dalawa...

"Diego.." sabi ni Julie.

Until Forever [SLY Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon