Chapter 13

448 6 7
                                    

Yves:

Hindi talaga ako matulog pag gabi.

Laging parang sasabog ang puso ko.

Parang ang bilis ko naman yatang mahalin si Myrtle, dati crush ko lang siya. Yun bang kahit makita ko lang siya kumpleto na ang araw ko? Kahit na pagod at stress na stress ako sa pag-aaral nawawala lahat nang yun pagnagkikita ko siya.

Nagyon classmate ko na siya pero bakit masakit?

Masakit na nakikita ko siyang may kasamang iba.

Manhid na nga yata ako eh. Alam ko na masasaktan ako pagnakikita ko sila ni Kit na magkasama pero bakit sumasabay pa din ako sa kanila sa pagkain?

Sabi ko didistansya ako sa kanya, lalayo muna. Pero bakit ganun, hindi ko kaya na hindi siya makita.

T___T

My Stupidity is killing me. . . .

Kumakain kami ngayon sa foodcourt, as usual sweet silang dalawa.

Wala naman akong magagawa.

 kung san mo makikita ang ngiti ng taong mahal mo dun ka, kahit kumikirot, kahit mahapdi, kahit nakakamatay, kahit MASAKIT. . . .makita mo lang ang ngiti niya ayos na, ayos na ang lahat. 

Lumapit sa akin si Tyra.

"fafable Yves, may problema ka?" sabi niya sa akin habang inaayos ang upuan.

"wala naman bakit" ngumiti ako ng pilit.

"we? tignan mo nga yang mata mo, nababasa ko na malungkot ka, na may gusto kang bagay na hindi mo makuha." paliwanag niya sa akin. Matino naman pala siyang magsalita eh.

"hmm, meron nga." medyo mahina hininaan ko ang boses ko.

"ano yun? share ka naman, baka matulungan kita." 

I-share ko ba sa kanya? Nakakahiya eh,

"wag na, nakakahiya eh."

tinaas niya yung isa niyang kilay. "naku naman wag ka na mahiya, wala namang masama kung mag-oopen ka sa akin at lalong walang mawawala."

tama nga siya, wala nga namang mawawala pag sinabi ko sakanya.

Tumungo ako,

"kasi matagal na akong may feelings kay Myrtle, tapos ngayon parang mas lalong lumala yung feelings ko for her. Pag-aaminin ko sa kanya na gusto ko siya, kinakabahan ako kaya hindi ako makabwelo. Lagi akong pinanghihinaan ng loob. Lalo na ngayon na nangliligaw na sa kanya si Kit" medyo binabaan ko ang boses ko.

Blink Of An Eye.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang