Chapter 4

23.4K 383 21
                                    


Favor

Bored na naman ako sa ancestral house nila Yue. Hindi pa din ako nakakabalik sa resort because he wanted me to stay here. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapadala sa kanya. Ako naman 'tong si tanga na hinahayaan kong manipulahin ako ni Yue.

I think because he knows what's best for me. Iyon nga lang, papatayin naman ako ng boredom dito.

"I think Darren Chen is more handsome," si Princess na pinupuna ang Chinese actor sa series na pinapanood nila ng kapatid niya.

"No, Dylan Wang is the most handsome!" giit ni Mariphie.

"No way, he's too young! Gwapo lang siya kaya nakuha niya ang role ni Ah Si!"

Nakaupo sila sa isang malaking sofa habang ako ay nasa kabila naman. I yawned. These girls are so noisy. Teengaers like them are really fond of watching foreign series. Malakas ang pagkakabuntong hininga ko dahil sobrang bored na ako. I want to explore every places here in Cebu but the great Seff Yuan Li did not allow me. Sa ibang araw na lang daw.

"Hindi naman totoo 'yang pinapanood niyo. Walang ganyan sa totoong buhay." komento ko.

"Why, ate? Ayaw mo ba ng love stories na palabas? We can switch to a different channel if you want," ani Princess.

"Hindi sa ayaw," tumihikhim ako at nangalumbaba, "It's just too cheesy. It shows that love is perfect with rainbows and butterflies but in reality it has many flaws. It can break hearts and makes a person weak. It's fatal."

That's what I believe, love is for weaklings. It can be used to hurt and break you into pieces. It will only make you cry, if this has felt to a wrong person. That's difficult, lalo na kung naibigay mo na ang lahat.

Ang iba pa nga, nang dahil sa pag-ibig ay nagpapakatanga. They sacrifice everything just for the sake of those people whom they love, that even if the consequences are beyond the worst, they still do it para lang sa mahal nila.

Love is for stupid people.

Pakirandam ko ay tinusok ang dibdib ko. I smiled in pain when I remembered how stupid I was before.

"Saan mo naman nabasa 'yan?" a baritone voice from the staircase intervened. Nag-angat kami ng tingin kay Yue na nakasandal sa railings ng hagdan.

Nag-eavesdrop na naman 'tong dating fat nerd na 'to.

"That's what I've learned from my mistakes before," I answered him with the truth.

Bumaba ito ng hagdan at umupo sa tabi ko. Makahulugan ang titig at ngiti niya na para bang alam na niya kung bakit ko nasabi ang mga 'yon.

Of course he knew! He's the bestfriend!

"She sounded so bitter..." Mariphie whispered to Princess pero rinig na rinig ko 'yon!

Bitter her face. Napasimangot ako at inirapan ito. Bumaling si Yue sa mga batang kapatid at nginitian ang mga ito.

"Don't mind her. She's still recovering from her tragic love story." he said.

Laglag ang panga ko sa narinig. Uminit talaga ang dugo ko sa sinabi ni Yue kaya sinabunutan ko ng bahagya ang buhok niya.

"Aray! Hayl, what the fuck!" daing niya at mabilis naman naalis ang kamay ko sa buhok niya.

"Dapat lang 'yan sa'yo! Nakamove on na ako, h'wag kang mag-alala!" pagdedepensa ko sa pride ko na niyurak niya.

"I have photoshoots later!" madilim ang pagkakatitig niya sa akin. His eyes are dangerous pero hindi ko pinansin 'yun. Siya ang nauna!

HYRIE: THE UNTOLD LOVE AFFAIRWhere stories live. Discover now