Chapter 2

29.7K 414 13
                                    


Summer

I spent most of my summer days sa pagshoshopping, pagtanggap ng iilang booking for runaways, pagbabar at paggagala. Minsan ay sumasama ako sa kuya ko kapag may mga pupuntahan siyang business meetings sa ibang lugar. Last summer ay may fling ako so I spent most of my days with the guy. Balak ko sanang magstay at home ngayong summer but then Kacy has another plan for us.

"Please, Hyrie! Sama ka na! I'll be sad if you refuse. We have a newly opened beach resort there in Cebu. Exciting 'yon! Let's have a vacay and get our skins tanned!" eksaheradang lintanya ni Kacy habang kausap ako sa phone.

"Bakit kasi dapat kasama ako? Hindi mo kaya magbakasyon mag-isa?" mataray kong tanong dito. Medyo iritado ako dahil kagigising ko lang at siya ang unang taong maingay na nakausap ko.

I remembered the time na hindi ko pa siya kaibigan, those days were peaceful until she came into my life. Her loud mouth is like a megaphone in this morning.

"Alam mo hindi mo maeenjoy ang summer kung same routine ka na naman! Cebu lang tayo pupunta hindi naman ibang bansa!"

Saglit akong napaisip. Well, may point naman 'tong bestfriend ko. Ilang beses pa niya akong kinulit. She even mentioned the water activities na pwede naming gawin doon. In the end, pumayag na ako but I have to get kuya Reid's permission first so he can tell Mom and Dad para makasama nga ako kay Kacy.

Kinagabihan nang nakauwi na si kuya ay doon na ako nagpaalam.

"Cebu? Sino kasama mo?" nanunuri ang mga mata ng nakakatanda kong kapatid habang naglalaptop ito sa sala. He's sitting on the large sofa, busy with some of his paper works na dinadala niya lagi dito sa bahay.

Napatingin sa akin ang twin sister kong si Kimberly. She adjusted her eyeglasses at bumaling ulit sa binabasang libro.

"Kuya, I'll be with Kacy. May bagong beach resort sila don. I just want to enjoy the summer in a far province para maiba naman." paliwanag ko.

"Ilang weeks kayo doon? Sinong magbabantay sa inyo? May mga lalaki?"

Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay. My older brother stopped whatever his doing with his laptop and gave all his attention to me.

"Kuya, can you please stop throwing questions like I am just fifteen?" I said with sarcasm. He always forget that we're grown ups here.

Napailing lang ito, "Paano kung ayaw ko?"

"Basta gusto ko sa Cebu and it's final!" I said with conviction.

"Edi magpaalam ka mag-isa kay Dad." he said and the shrugged.

"Kuya!" singhal ko sa kanya. "Wala naman kaming gagawing masama doon. It's just pure vacation and I am not a kid anymore!"

"No," supladong sabi ni kuya, "Mamaya madisgrasya ka pa doon."

"Kuya naman, e! Bakasyon lang naman tapos iba na iniisip mo." reklamo ko. Ang hirap niya talagang i-convince. I am no longer a child my goodness!

"Kuya Reid, payagan mo na si Hyrie. Sayang naman ang summer kung hindi niya maeenjoy." si Kimberly na kanina pa kami pinapanood.

"Oo nga!" Segunda ko sa pahayag ng kakambal ko.

Umiling iling si kuya at binalingan si Kimberly bago tumingin ulit sa akin. He suddenly became very amused with us, huh?

"Pinagtulungan pa ako ng kambal..." tumayo ito at nilapitan ako. Umakbay ito sa akin, "Sige na nga. I'll inform dad about it. But, no boys or flings, alright?"

HYRIE: THE UNTOLD LOVE AFFAIRWhere stories live. Discover now