"Eh ayo-" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Hindi pwedeng ayaw mo. dadagdagan ko na ang alowance mo pag pumasok ka ngayon."

"Okay. Sige. Papasok na ko. dagdagan mo allowance ko ha! Sige na labas ka na, maliligo na ko." sabi ko sa kanya habang tinutulak siya palabas ng kwarto ko.

YES! May pera na naman ako! hahahaha!

Simula nung nagpakasal kami, sa kanya na ako umaasa financially. Hindi na kasi ako binibigyan ng pera ng parents ko.

Wala pa man din akong ipon kaya wala talaga akong sariling pera. Siya na din ang nagbibigay ng allowance ko for school and other needs.

Pero hindi ako humihingi sa kanya! NEVER akong humingi ng pera! Kusa siyang nagbibigay sa kin. Siguro sinabihan siya ng parents ko na sa kanya na ako aasa.

Hindi naman sa kulang yung binibigay niya kaso gusto ko talaga marami akong hawak na pera lagi para in case may mga emergency na kailangan. 

After almost one hour, ready na akong umalis.

Naligo at nagbihis lang naman ako. Maganda naman ako kahit anong gawin kaya hindi ako masyadong matagal sa pag-aayos. Hindi kasi ako naglalagay ng make-up kaya hindi ako matagal.

Pagbaba ko sa kusina, nakita ko si Drei na umiinom ng kape. Nakabihis na rin siya.

"Syd, kain ka na. Nagtoast ako ng bread at nagprito ng hotdog and egg. Tsaka nagtimpla na ko ng milk mo."

"Thanks."

First time ko kakain ng breakfast bago pumasok. Usually kasi tinatamad na kong magluto kaya hindi na ko kumakain. Sa lunch na ko kumakain.

After namin kumain, nilinis ni Drei yung pinagkainan namin. 

Nakakatawa siyang tingnan. A guy in his business suit wearing an apron and washing the dishes. 

After nun, umalis na kami ng bahay.

Nag-uusap lang kami ni Drei sa daan. Parang we make up for the one year na sinayang namin.

Hanggang sa makarating kami sa school.

"Susunduin kita later. May pupuntahan tayo." sabi niya bago ako bumaba ng sasakyan

You are My Home (PUBLISHED under LIB)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें