Chapter 1: Si Boyet

1.9K 101 17
                                    

                Umaagos pababa ng drainage ang maduming tubig kanal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umaagos pababa ng drainage ang maduming tubig kanal. May mga wrapper ng candy at chitchirya, kulumpot na plastic mineral bottle na nakabara sa grills. Isang upos ng sigarilyo ang tinangay ng tubig pababa sa kadiring imburnal.

Sa loob ng drainage, isang limang pisong coin ang naipit sa bumarang mga basura. Kumikislap ito sa tama ng sinag ng araw. At mula sa anggulo ng barya, makikitang nakayuko sa drainage ang isang bata.

Si Boyet. Nakatutok ang mga mata ng labing-isang taong gulang na bata sa 5-peso coin. Galing lamang siya sa school. Suot niya'y uniform—polo na naninilaw, shorts at lumang balat na sapatos. Kaninang umaga nang papunta siya ng eskwela ay nakaapak siya ng bubble gum, at dahil male-late na siya'y wala siyang oras na alisin iyon kaya't noong nasa loob na siya ng classroom ay hindi siya mapakali sa malagkit na pakiramdam ng sapatos sa sahig. Nasita pa siya ng titser gawa nito. Sa kanya namang balikat ay plastic bag na may string na kanyang "school bag."

Sa paligid, umaalingasaw ang amoy ng tambak ng basura sa bangketang tambayan ng mga kariton. Kalaban nito ang usok ng tricycle. Kalaban ang amoy ng tae ng mga aso na natuyo na sa araw.

Lumuhod si Boyet para abutin ang limang pisong barya. Ang payat niyang braso ay kasya sa grills, at kanya itong naabot. Tumayo siya at pinunas ang basang barya sa gilid ng kanyang shorts. Saglit niyang pinagmasdan ang 5-peso coin. Nang matuyo ay mukhang bago pa ito, aniya. Napangiti siya at naglakad paalis.

#

Isang maliit na bakery na may nagiisang estanteng puno ng mga tinapay. May langaw na na-trap sa loob na kanina pang umaga naroon. Tamad lang ang babaeng tindera na bugawin ito, o wala lang siyang pakialam pagka't abala siya sa pagtext sa kanyang cellphone.

Sinalin ng tindera ang bote ng Royal Tru-Orange sa plastic, sinuotan ng straw at inabot sa binatilyong naka-basketball na sando, pagkatapos ay dumungaw ito pababa ng estante.

"Hoy, bata. Kanina ka pa d'yan. Bibili ka ba?"

Namimili ng tinapay si Boyet. Ang limang pisong coin ay nakaipit nang madiin sa kanyang mga daliri. Maraming klase ng tinapay ang paninda: Ensaymada, Putok, Pan de Regla, Pan de Coco, Kababayan, Pinagong, Sputnik, Monay at Pandesal.

"Ano bang masarap dito?" tanong niya.

"Magkano ba pera mo?" usisa ng masungit na tindera.

"Limang piso."

"Lilimang piso kalahating oras ka na nandyan wala ka pang napipili?"

Nagkamot ng ulo si Boyet.

"Ito na nga lang," turo niya sa estante.

Ang PeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon