Akala ko hindi na dadating sa akin yun masarap na pakiramdam, yung bumibilis yun tibok ng puso ko tuwing nakikita o nakakasalubong kita, yung natatanga ako pag andyan kana sa harap ko, at yung pakiramdam na pag nasa harap na kita ikaw at ako lang dahil pakiramdam ko walang ibang tao sa mundo naten. Ang sarap sa feeling ng bawat araw ko kasi lagi kita nakikita, lagi ko nakikita yun ngiti mo at yung mga tingin mo sakin na nahuhuli ko. Nakakakilig, nakakamangha, at nakakainlove. Inlove? Oo, dahil unang beses palang natin magkita yun din yun una kong beses nalaman ang salitang love. Yun bang hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil alam kong andyan ka lang, yung nagniningning yun mga mata ko sa tuwing nagkakatinginan tayo. Gustong gusto kita, sobrang gusto kita kausapin lalo na nung nagkaroon ng pagkakataon na tayong dalawa lang nung oras na yun. Gusto ko tanungin kung anong pangalan mo, ilan taon kana, mga simpleng tanong pero hindi ko naitanong dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kaharap kita, mga simpleng tanong na ang hirap bigkasin dahil para na rin akong nakuntento sa pagtitinginan nating dalawa. Ramdam ko, ramdam na ramdam ko na gusto mo din akong kausapin nung araw na yun. Yung kahit sa mga mata natin na nagkakatinginan alam kong parang nagkakausap na rin tayo, siguro ganun nga kapag tinamaan ka nang salitang love. Kahit simpleng pagtatagpo lang, simpleng salita, panandaliang pagkikita nagiging sapat na para iparamdam mo sakanya na gusto mo siya. Nang tinanong ako ng mama ko kung gusto kita gusto kong sabihin na oo sobrang gusto kita pero hindi ko nasabi sa mama ko kasi bago ko pa masagot yun tanong nya may mga salita siyang nasabi na nakapaglalim pa nang nararamdaman ko sayo. Tinititigan kita habang nakikipagusap ka sa ibang tao, na realize ko na kahit anong maging resulta nitong pagtatagpo ng kapalaran natin hinding hindi ako magsisisi, malulungkot, at manghihinayang kasi ang pagtagpuin tayo isang malaking bagay na para sakin dahil sayo ko naranasan ang unang pagtibok ng puso ko para sa isang lalaki. Ang lapit, ang lapit lapit na natin sa isa't isa. Siguro ito na ulit yun pagkakataon na mag usap tayo, siguro binigay na satin itong pagkakataon para masabi natin yun nararamdaman natin sa isa't isa. Ganito pala yun feeling na ang lapit na natin pero parang ang layo pa rin, gusto kita at gusto mo din ako pero bakit ganito? Pero alam mo ba habang ang lapit natin sa isa't isa, papalapit na rin ng oras para tapusin tong binigay na pagkakataon sa atin. Ang saya ko, ang saya-saya ko kasi nakahiga tayong dalawa, magkatitigan, habang sumasabay ang tugtog na "Torete". Alam mo ba kung bakit ko pinatugtog yun kantang torete nung gabing yun? Kasi yung laman ng kantang yun ang gusto kong sabihin sayo. Kasi sandali na lang gusto ko mahawakan man lang yun mga kamay mo bago ako umalis. Salamat, sobrang salamat kasi nung gabing yun mas pinaramdam mo sakin na hindi kailangan ng salita, halik o kung ano pa man. Dahil habang magkatitigan tayo pinaramdam mo sakin kung gaano mo ako kagusto gamit ang mga mata mo. Tototo nga, totoo nga na kapag may nararamdaman kayo para sa isa't isa nagkakaintindihan na kayo gamit ang mga mata nyo. Habang nakatingin tayo sa isa't isa naipikit ko ng dahan dahan ang mga mata ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi at pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ngiti dahil sobrang saya ko nung gabing yun at luha dahil alam ko na pag-pinikit ko na ang mga mata ko yun na ang huli nating pagtitinginan sa isa't isa dahil pag dinilat ko muli ang mga mata ko iiwan na kita ng walang anumang salita. Sorry dahil hindi man lang ako nagpakilala sayo, hindi ko man lang naamin sayo na gusto kita, hindi man lang tumagal ng ilan pang araw. Alam mo ba yun lang yun araw na humiling ako sa diyos ng napaka imposibleng kahilingan. Yun sana tumigil yun oras para bigyan pa tayo ng mahabang oras. Siguro nga totoo ang kasabihan na first love never die. 9 years ago nung nangyari 'to pero hanggang ngayon tandang tanda ko pa ang bawat pangyayari, tandang tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig sa mga simpleng tingin mo sakin. Sayang no? Itinadhana tayong magtagpo pero hindi tayo itinadhana para magkatuluyan. Sana naaalala mo pa rin ako kasi ako hinding hindi kita makakalimutan, yun mga singkit mong mga mata, mukha mo, matangos mong ilong.
Tadhana? Ang swerte mo pag napili ka ni tadhana na makatuluyan yun itatagpo nya sayo. Pero kung hindi man swerte ka pa rin kasi naranasan mong umibig kahit panandalian lang.
YOU ARE READING
Tadhana (Completed)
Short StoryTadhana- isang salita na ang daming ibig sabihin. Isang salita na sya lang mismo ang nakakaalam sa mangyayari. At higit sa lahat isang salita na kasama naten sa araw-araw dahil siya lang ang tanging nakakaalam kung sino ang makakatagpo naten sa bawa...
