Ang Misteryo ng Bahay Bakasyunan

1.7K 8 1
                                    

Taon 1980 summer vocation kami at grupo ng mga teachers ay mag babakasyon sa llocos Norte. Halos napuno ang sasakyan ng Farinas Bus, masaya ang biyahe kahit itoy umabot ng halos 10 oras ng kapanahunan na yaon, may kulitan, may mga baklitas at mga 'tivolo' rin mga teachers na hind nag laladlad ng mga saya dahil sa kanilang propesyon bilang mga guro na nag sisimbolo ng  morale values(kuno). Imagine sila ang mga guro sa isang kilala at pinakamahal na eskwelahan sa pook ng San Juan nooong araw. Kung wala kang datung at di kilala ang pamilya mo..no way kang makaka-in sa school na yun..ewan ko na lang kung ang standard e pareho pa rin ng dati..Anyway balik tayo sa bakasyon takutan namin. halos palubog na ang araw ng huminto ang Bus sa Batac, Ilocos Norte kung saan ay may nag hihitay sa amin na isang mini bus upang dalhin sa malawak na lupain at bahay bakasyunan ng isa sa mga guro na kapamilya ng mga Marcos.

Binagtas namin ang halos isang kilometrong daan na sakop din ng kanilang pag aari dooon ay may mga bahay na nakayo para sa mga kanilang mga tauhan na nag tra-trabaho sa tabakuhan. Sa pusod ng malawak ng lupain na ito ay matatagpuan ang malaking bahay kung saan nakatira ang ina , kaanak at ilang kasambahay ng may-ari. Katapatan nito ay may 200-300 meters ang layo ng isang burol at sa may ibaba ang kinatatayuan ng bahay bakasyunan. Malawak at maraming iba't ibang klaseng puno at mga halaman ngunit mas nakakalamang ang mga puno ng manggang nag lalakihan. Ang lahat ay nag bigay galang sa may ari ng bahay o tawag namin ay 'mam'. Si 'mam ang Dirertora ng Phili. Tobacco of the Phil. at Chairwoman ng Phil.Movie Review. Narinig namin ang mahinang pagbulong niya ng Ilocano na hindi namin na-intindihan..ng aking tanungin kung ano yung binulong ng ina ng aming kasama ang sabi niya ay" nagpapasang tabi lang sa mga hindi nakikita" Kaming lahat ay tumuloy sa isang bahay sa paanan ng burol ang bahay bakasyunan na itoy ay may anim na silid tulugan, dalawang kama at may sariling comfort room bawat isa.Ang isang ay kuwarto ay malapit sa may kusina at bandang likod pa.

Pagkatapos ng aming masaganang hapunan ang grupo ay nag kayayaan mag inuman sa mahabang balkonahe. Dito ay nakasama namin ang ibang katiwalang nakatira roon. At ito ang kanilang kwento...

Kung si "mam' ( ang ina ng may ari ng lupain) at ang kanyang staff ay wala doon ang malaking bahay at ang bahay bakayunan  ay nakakabingi sa katahimikan sa hatinggabi at halos sila kung maari ay nasa kani-kanila ng mga bahay upang umiwas mapadaan sa pagitan ng dalawang bakanteng bahay na ito. Ayon sa kanila sa pag sapit ng dilim ay nakakarinig sila ng mga tikatik ng makinilya at mga tunog ng tila baga may nagbubuklat ng bawat pahina ng isang libro o gamit sa bagbabasa. Ito ay kanilang naririnig mula sa bahay bakasyunan na nasa may paanan ng burol. At sa tuwing kabilugan ng buwan din ay tila nabanaag sila na may nakaupo sa balkonahe. At minsan naman sa kabilang malaking bahay ay may sumisitsit sa bawat dumaraan sa alangin oras ng gabi at ito ay naggagaling sa malaking puno ng manggang halos katabi ng tahanan ni 'mam'.

Philippines Ghost Stories O____OWhere stories live. Discover now