Ang Puting Bungalow..

4.8K 27 51
                                    

NAIIWANG mag-isa sa nirentahan nilang bahay si Karen.

Pareho kasing may trabaho ang kanyang Kuya Ramon at Ate Emmie

at karaniwan ay gabi na kung umuwi ang mga ito. Sa isang pabrika sa

Paranaque nagtatrabaho ang Kuya nya. Sa isang garment factory naman

sa Pasig nagtatrabaho ang kanyang ate.

Sa Loob ng dalawang buwang pagkakatambay, walang ginawa

si Karen kundi ang manood ng DVD tapes o makinig ng mga awitin sa kanyang

MP5 para patayin ang oras. Kahit mahilig sa pagkanta ay bagot na bagot na siya.

Isa pa ay nahihiya na rin siya sa mga kapatid. Mga vocational courses lang

ang natapos ng mga ito samantalang siya ay iginapang pa ng mga magulang

at mga kapatid para makapag aral ng four year course. Actually, isang taon pa

bago siya makatapos pero siyempre ay umaasa siya na kahit paano ay makakakita

ng trabaho.

Ang totoo ay maganda naman ang academic records ni Karen. Hindi rin

naman siya mahuhuli kung pleasing personality ang titignan. Pero ang

ipinagtataka nya ay kung bakit laging "Ipapatawag nalang kita" ang sinasabi ng

mga inaaplayan niyang kumpanya? Alam naman niya na ang kahulugan noon

ay mas malaki ang tsansa na hindi siya ipatatawag. At nadi-depress na talaga siya.

Nababawasan lang ang pagkabagot ni Karen tuwing sasapit ang leisure time.

Ang pinaka-leisure niya ay iyong pagkatapos na mananghalian ay doon na siya magpapahinga

sa maliit na terrace na nakaharap sa maliit ding terrace ng katabi nilang puting

Bungalow. Mula roon ay nakikita niya kung ano ang nangyayari sa kabilang bahay dahil

cyclone wire lang ang ang bakod na nakapagitan sa kanilang mga bakuran.

May inaabangan siya tuwing tanghali - ang pagtugtog at pag awit ng kanilang

kapit bahay na lalake. Malamig ang boses ng lalaki at napakahusay pang tumugtog ng piano.

Sa tantya nya, nasa late twenties ang edad ng idolo niyang singer/musician. Ni minsan

ay hindi nya binanggit sa mga kapatid ang tungkol sa lalake. Baka pauwiin

siya bigla ng mga ito sa takot na umibig na naman siyang muli. Isa sa mga dahilan

kaya siya pinapunta agad ng parents niya sa Maynila ay upang umiwas sa kanyang Nobyo.

Napamulat si Karen nang marinig na bumukas ang pintuan sa kabilang bahay.

Napabalikwas na siya ng makitang lumabas ang isang matandang lalake.

Philippines Ghost Stories O____OWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu