Solong Anak si Jet. Ulila ng lubos. Mula ng mamatay ang mga
magulang ay pinili niyang umuwi na lang sa bukid at doon mamuhay
nang nag iisa.
"Hindi ka ba nalulungkot dito, Jet?" tanong ng pinsan niyang si
Fred nang minsang dayuhin siya nito ng inom sa kanyang kubo.
Bumuntong hininga si Jet. "Talagang malungkot ang nag-iisa, Fred."
"Mag-asawa ka na kasi. Nasa edad ka na naman."
"Magtitiis nalang akong mag-isa." pailing niyang tugon.
Buhat ng pataksilan si Jet ng kanyang first love ay nawalan na
siya ng gana sa pag-ibig. Naging woman hater siya at naipangako sa
sariling hindi na muling iibig pa. Ayaw na niyang maranasan ang muli
pang magtiwala at masaktan.
"Sakit ng ulo lang ang mga babae," aniya pa nya sa pinsan "Pag-iigihin ko
nalang ang aking taniman."
Wala sa hinagap ni Jet na masisira ang pangako niyang iyon.
Isang araw ay pumunta siya sa gubat. Nangangahoy sya sa
kasukalan ng marinig na may tinatahulan ang aso niya. Tinunton niya
ang kinaroroonan ng alaga.
"Tiger! Tsuuuuuu!" Tawag nya sa aso.
Nagulat si Jet ng makita ang tinatahulan ng aso. Isa iyong
napakagandang babae. Kung paano ito napunta sa gubat ay isang
malaking tanong. Ang nakapagtataka pa ay hubo't hubad ito nang
matagpuan niyang nakahandusay sa damuhan.
Pinulsuhan niya ang babae. "Buhay pa 'to. Nawalan lang ng malay."
Napansin niyang may putok ito sa likod ng ulo at mababaw na
taga sa likod. Tinalo ng hangarin niyang matulungan ang babae ang
pagtataka kung paano at saan nito nakuha ang mga sugat na iyon. Pinangko niya ito.
"Kailangang magamot agad siya. Maraming dugo na ang nawala
sa kanya," sabi niya. "At ang taas din ng lagnat..."
![](https://img.wattpad.com/cover/1189551-288-k461957.jpg)
VOUS LISEZ
Philippines Ghost Stories O____O
HorreurWarning: Wag babasahin mag-isa baka hindi ka makatulog sa gabi. pero syempre! JOKE lang yun. ^___^ Hope you'll like this one! Votes and Comment would be appreciated. Xoxo!