PROLOGUE

179 9 28
                                        

THE UNDISCOVER WORLD.

After many months and years charot babalik ko na siya heheh sorry for the wait medyo wait wait lang sa iba cause im gonna edit edit ha,enjoy💓

Edited❤️

prolouge:

"Athena, magdahan-dahan ka naman oh!" pilit na sabi ni Lewis sa kaniyang kasintahan.

"Shh! i know what i'm doing." sabi ni Athena kay Lewis  pero bakas parin ang galit kay Lewis.

Sabay nilang tinatahak ang madilim na parte ng kagubatan na pinaliligiran ng nagtata-asang puno. Rinig na rinig nila ang mga huni ng ibon na akala mo'y mayroong isang halimaw. Tumakbo silang dalawa kung saan nanggaling ang mga huning iyon.

Silang dalawa ay sanay na sa mga ganitong lugar mapa mabato man, at sa mga liblib na lugar, at higit sa lahat sa mga hindi pa nadidiskubreng lugar.

"Athena! please lang wag kang tumakbo baka madapa ka!" sigaw ni Lewis pero napatigil si Athena dahil may nakita siyang malaking hawla at sa loob non ay mayroong natutulog na halimaw.

"Shh.. Huwag kang maingay baka magising mo siya naiintindihan mo Lewis?" pabulong na sabi ni Athena kay Lewis.

"Opo, Athena." sagot ni Lewis habang nakasaludo sa kaniyang noo.

Tumango naman si Athena bilang sagot kay Lewis at sinenyasan uli ni Athena na ihanda na ang kaniyang isapada.

"Huwag kang magpadalos-dalos Lewis naiintindihan mo?" pabulong na sabi ni Athena, Tumango naman si Lewis bilang sagot kay Athena.

Dahan dahan silang lumapit sa halimaw ngunit habang lumalapit sila nakatapak ng maikling sanga si Lewis kaya sumimangot ang mukha ni Athena.

"I told you na magdahan-daha—" hindi naituloy ni Athena ang kaniyang sasabihin dahil dahang dahang tumayo ang halimaw ngunit nakapikit parin ang kaniyang mata at nang binuklat ng halimaw ang kaniyang mata sumigaw siya ng napakalakas.

Tila ba'y nagkaroon ng lindol sa kagubatan at dahil sa sigaw ng halimaw na iyon biglang nabiyak ang parte ng lupa na ito nam'ay tinatapakan nilang dalawa.

Silang dalawa ay napasigaw sa gulat dahil nagkahiwalay sila. Pagkabiyak ng lupa winasak ng halimaw ang kaniyang hawla, pagkatakas nito sa hawla sumigaw ito ng malakas nang siya'y nakalabas na.

Balak na sanang tumira ni Lewis ngunit pinigilan siya ni Athena, kaya nama'y bakas sa itsura ni Lewis ang pagtatakha.

"Ako muna ang titira! Kapag nakatira na ako ikaw naman naiintindihan mo?" sigaw ni Athena habang inihahanda ang kaniyang bow at arrow.

Hindi ko pa pala nababangit isa silang mandirigma pumapatay sila ng undiscoveredcreature na kung saan nakakalat o sa mga liblib na lugar.

Tumango si Lewis bilang sagot sa kaniyang mahal, Tinignan niya muna si athena upang masenyasan siyang tirahin ito.

"Ready?" sabi ni Athena kay Lewis. Napatawa na lang si Lewis, ganiyan talaga ang kaniyang kasintahan na si Athena kapag seryoso, seryoso.

Nagulat si Athena na may inihagis na malaking puno papunta kay Lewis sinenyasan niya si Lewis na mayroong puno sa kaniyang likod mabilis namang umiwas si Lewis sa punong iyon.

Ang halimaw na ito ay mas kilalang drowderon isang halimaw kung saan ang kahinaan ay mata at ang kaniyang panglaban ay ang kaliwang braso,ang kaliwang braso niya ay mala dragon, matulis ang kuko kaya kapag natamaan ka pwede kang mamatay dahil ito'y may nakalalason na claws.

Ang drowderon ay isang halimaw na isa lamang ang kamay, Malakas den ang mga ito. pero mata lang ang kahinaan nila.

Hinigpitan ni Athena ang pagkakahawak sa kaniyang pana at seryosong tumitingin sa kaniya.

'tapusin'

Iyon ang laging sinasabi sa isip ni Athena upang matira ang kaniyang ina-asinta.

Ilang saglit pa'y umalingaw-ngaw ang sigaw drowderon dahil sa pagpana sa kaniyang dalawang mata.

Matapos ma-asinta ang dalawang mata ng halimaw tumalsik sa lupa ang berdeng kulay na dugo ng halimaw dahil sa kadahilanang nabulag siya ngunit hindi iyon hadlang dahil malakas parin ang kaniyang pandinig.

Pumwesto ng maayos si Lewis upang maputol ang kaliwang kamay ng Halimaw. Nagpakawala muna iton ng malalim na buntong hininga at tumalon ng malakas.

Matapos mahiwa ni Lewis ang kaniyang kaliwang braso ay sumugaw ng mapakalakas at sabay non ay pagbagsak nito sa lupa. Labis na tuwa ang dalawa dahil nagtagumpay nanaman sila sa kanilang mission.

Matapos bumagsak ng Drowderon mayroon silang naaninag na malakin pinto at sa gilid non ay umiilaw.

"Anong laman ng pintong iyan?" Tanong ni Lewis sa kaniyang kasintahan. Umiling si Athena bilang sagot kay Lewis.

"Let's find out?" Sabi ni Athena pero sinusuri parin ni Lewis ang pintong umiilaw.

Sumimangot si Athena dahil hindi nito pinansin kaya pinalo niya sa ulo so Lewis para magising.

Nagulat si Lewis ng batukan ito ng kaniyang kasintahan. Kahit kailan talaga sadista ang kaniyang kasintahan.

"Bakit?! Mambatok to wagas! O bigyan mo niyan ako ng kiss." sabi ni Lewis habang nakapout na parang handa ng humalik.

"Really? Halika na." Sabi ni Athena at kinuha niya ang braso ni Lewis para mahila pero hindi nya ito nahila dahil siya'y nagpabigat.

"It's dangerous. Wag na tayong tumuloy." sabi ni Lewis habang blanko ang itsura niya na nakatingin sa pinto.

"What? babe! sanay naman tayo sa mga delikadong lugar diba? malay mo nariyan ang kuta ng mga halimaw." sabi ni Athena kaya napaisip si Lewis.

"Sige na nga tara na." sabi niya habang naglalakad ng mabagal. lumiwanag naman ang mata ni Athena sa narinig niya.

"Yay! kaya love kita eh!" sabi ni Athena kay Lewis kaya naman namula si Lewis.

Pagkapasok nila sa pinto, bumungad sa kanila ang naglalabanan kaya lumingon sila likod ngunit sila'y nabahala sapagkat nawala na ang pinto.

Umalingaw-ngaw ang sigaw sa lugar na iyon bakas sa mukha ni Athena ang takot si Lewis naman ay seryosong tumitingin sa paligid.

Makakayanan kaya nila ang ganitong mundo?

Makakatakas pa ba sila?

Makakaligtas ba sila?

Alamin...






A/N: FINALLY DONE! VOTE /COMMENT/ADD THIS TO YOU'RE LIBRARY PARA MASAYA!!!

THE UNDISCOVERED WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon