At kahit may tampuhan kami ni Paul hindi mawawala ang pang gagaya namin sa lovebirds.

"Hi love."  Sabay namin sabi at nag kiss kami kaliwa't kanan sa cheeks na parang bakla kaming dalawa ay ako lang pala ang parang bakla kasi bakla talaga si Paul! HAHAHA!

Ako naman ng pasalampak akong umupo sa tabi ni Paula itunulak nya ko pero dahil sa mapilit ako nakipag laban ako sa kanya nakita ko naman naiiling na naka tingin samin yung dalawa.

"Ano ba! Wag ka nga tumabi sakin ayaw ko mahawaan ng germs mo!"  Pagsusungit sakin ni Paula at ng maka upo na ako ay yumapos ako sa kanya at nginitian sya ng matamis. Sila Sab naman natatawa na lang samin.

"Bati na tayo. Ikaw naman wag na maarte! Kahit nasigaw ako maganda ang boses ko."  At nagpacute ako sa kanya na inismiran lang nya. Hindi epektib!

Tumawa silang tatlo sa sinabi ko kaya sinamaan ko sila ng tingin at umalis na ko sa pagkakayakap ko kay Paula.

"Okay na? Tapos na kayong pagtawanan ako?"  Sarcastic na sabi ko at sunudsunod naman ang tango nilang tatlo kaya napahiga na lang ako sa sofa at nilagay ko ang paa ko hita ni Paula pero pinalo nya ko sa paa ko.

"Nakapalda ka umayos ka nga."

"Bakit? Naiinlove ka na sa legs ko?"  Malanding sabi ko sa kanya.

"Hindi. Kadiri ka talaga. Eeew! Gross!"  Umarte pa sya na parang masusuka.

Bigla naman kinuha ni Paula yung hawak kong Toblerone at binuksan na nya at syempre hindi papahuli si Sab.

"Bati na tayo."  Sabi ni Paula.

"Mommy Sab! Pengiii!"  Batang sabi ko kay Sab.

Dahil nga sa ako ang bunso kahit isang taon lang ang pagitan namin ni Sab, kapag trip ko tinatawag ko syang mommy kahit nung highschool pa lang kami. 

Si Sabrina dalawang silang magkapatid, yung kuya nya at mga magulang nila na sa New York kasi nandun yung  pinaka company nila kaya mag isa lang si Sab sa mansyon nila pero kahit na mag isa lang sya hindi sya nagrereklamo kasi ang lagi nyang sinasabi samin bakit pa daw sya malulungkot kung nandito naman kami bilang pamilya nya, which is true dahil turingan namin sa isa't-isa ay pamilya na. Oo mansyon dahil sa laki nun hindi mo matatawag na bahay. 

 Inabutan naman ako ni Sab at nakipag agawan na naman sya kay Paula.

"Okay ka naman kahapon?"  Biglang tanong sakin ni Ivan kasabay ng pagpatay nya sa TV pati sila Sab natigil sa ginagawa nila malamang hinihintay ang sagot ko.

Alam ko kung anong tinutukoy ni Ivan, yun yung sa kahapon nasa Griean Palace kami sa race track, alam kong nag aalala sila para sakin, umayos ako ng upo at bumuntong hininga kasabay nun ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko sa kanila.

"Oo. Okay lang ako."  Sabi ko at sumandal sa sofa at pumikit.

Inaalala ko kasi yung Ckola na nag sabi sakin na iingatan daw ako napadilat ako ng mata ng may kumikiliti parang feather sa ilong ko.

"Paula naman eh!"  Kasi nakita ko syang may hawak na feather at sigurado ako na sya ang nangingiliti sa ilong ko.

"Paula naman eh!"  Gaya ni Sab at nagtawanan silang lahat.

♥♥♥☀♥♥♥☀

Nasa loob na kami ngayon ng classroom kasi magsisimula na ang klase. Si Sab at Ivan nasa harapan namin ni Paula naka upo, pang dalawahan lang kasi tsaka sampu lang kami ngayon na nandtio kaya sobrang spacious ng classroom. Yung samin hindi pader kung hindi glass wall at sa labas nun ay isang maganda makalumang building. At upuan namin high stool at sa harap namin may nga canvas na naka lagay sa easel at sa tabi nun may gamit kung anu ano para sa pag paint.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon