Chapter 2

53 3 2
                                    

Chapter 2

BUNGA

Nang magising si Aria ay bumungad sa kaniya ang kulay gintong kisame. Tahimik siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kuwarto,  namangha siya sa lahat ng kagamitan na nasa loob ng kuwartong iyon, lahat kasi nang nakikita niya'y purong gawa sa ginto. Naisip na lang ni Aria na baka mayaman ang may-ari ng kuwarto. Ngunit, nagtataka talaga siya kung paanong napunta siya sa lugar na iyon.

Kumirot ang sintido niya nang pilitin niyang alalahanin ang mga bagay, wala talaga siyang matandaan kung bakit naroroon siya sa kuwartong iyon. Napatayo siya nang narinig niyang bumukas ang gintong pinto. Bumungad sa kaniya ang guwapong lalaki, matangkad at maganda ang pangangatawan. Parang nahipnotismo si Aria sa lalaki. Nang-aakit din kasi ang mga mata nito na kulay asul.

"Si-sino ka?" mahinang bulong ni Aria. Napangisi naman ang lalaki sa tinuran ng dalaga.

"Ako si King Deamon, ang iyong asawa," sabi nito. Kumunot ang noo ni Aria. Naguguluhan siya. Lumapit sa kaniyang harapan ang lalaki at hinaplos nito ang kaniyang mukha. Napatulala na  siya sa taglay nitong kakisigan.

"A-Asawa? Ako may asawa na? Kailan pa?" Wala sa sariling naitanong niya.

"Matagal na. Matagal na tayong nagsasama at mayroon na tayong anak," sambit nito. Hinaplos-haplos pa nito ang ulo ni Aria. Takang-taka naman si Aria sa sinabi nitong may anak na sila. Baka naman binibiro lang siya ng lalaki.

Pakiramdam ni Aria ay ligtas siya sa lalaking kaharap niya. Ngunit hindi maalis sa isip niya ang mga katanungang naglalabasan sa isip niya. Paano at saan niya nakilala ang lalaki? Saan nanggaling ito? Mukha kasing dayuhan ang lalaki dahil sa mga mata nitong kulay asul.

"Ayos ka lang ba, Mahal?" tanong ng lalaki.

"Maayos naman ako, hindi ko lang masyadong naiintindihan ang mga sinasabi mo," sagot niya habang iniiwas ang kaniyang tingin sa lalaki. Saka naman hinawakan ng lalaki ang baba ng dalaga at iniangat ito. Gusto niyang sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ng babae.
Isang halik naman sa labi ang pinadapo ng lalaki sa dalaga. Pareho silang napapikit sa halik na iyon. Parang nakalutang sa ere si Aria. Ibang klase ang halik na iyon para sa kaniya. Pamilyar. Hindi niya malaman kung naranasan na ba niya iyon. Pero ang alam lang niya ay kakaiba talaga ang halik na pinagsasaluhan nila ng lalaki ngayon. Halos mapugto na ang kanilang hininga, mabuti na lang ay kusa ng bumitiw si Aria.

---

Tama nga si King, may anak nga sila at ang ipinangalan nila ay Mac. Nakilala niya si King Deamon sa kabilang bayan ng kanilang lugar. Kung saan namamasukan siyang katulong. Ang lalaki ay may-ari ng isang malaking tindahan sa bayan kung saan sila namimili ng kaniyang among babae.

Konti lang ang naalala niya pero nitong nakaraang mga araw ay naalala na rin niya ang kaniyang mga magulang. Sabik na sabik na siyang makita ang inang at itang niya. Ikinuwento na rin ni King ang lahat-lahat. Nagtanan lang daw sila dahil hindi sang-ayon ang mga magulang niyang magpakasal sila. Iba kasi ang estado sa buhay ni King dahil nakaririwasa ito. Bukod kasi sa malaking tindahan ay mayroon ring lupain ang lalaki.

Nasisiyahan naman siya sa pagtrato ni King kaya hindi na siya nagtatanong pa. Naniniwala kasi siyang nagsasabi ng totoo ang lalaki. Kaya hindi na muna niya iisipin pa ang ibang alaala niya.

Masaya si King sa nakikita niya ngayon. Nasa kuwarto sila ng kanilang anak. Hawak ni Aria sa mga bisig niya si Mac. Inihele-hele nito ang isang buwan gulang na anak nila. Hindi lubos maisip ni King na iibig siya kay Aria. Kaya laking pasasalamat niya nang gumana ang pagmamanipula niya sa isip nito. Ilang detalye lang ang iniwan niya sa isipan nito, kaya lang naman niya nagawa iyon ay dahil sa sobrang pagka-gusto niya sa dalaga. Lahat ay kaya niyang gawin, makuha lamang ang babaeng minamahal.

Napansin ni Aria si King na titig na titig sa kaniya. Nginitian niya ito at saka nagsalita, "Ang guwapo ng anak natin, mana sa 'yo." Ngumiti lang si King sa kaniya. Hindi nito ipinahalata na nasanggi niya ang damdamin niya.

"Sa 'yo nagmana ang anak natin," sabi ni King, hindi niya gugustuhing maging kamukha ang kaniyang anak. Kung nasa tamang pag-iisip lang si Aria ay tiyak na lalayuan siya ng dalaga dahil sa nakakatakot nitong anyo. Hiram lang kasi ang mukha ni King Deamon. Siya ay nagbabalat-kayo lamang.

"Kahit ano pang sabihin mo, kamukha mo pa rin ang anak natin," sabi naman ni Aria na tuwang-tuwa sa malusog at napakaguwapong anak niya. "Nabinyagan na ba si Mac?" tanong pa niya. Saka nilaro-laro ng dalaga ang mumunting daliri ng anak.

"Oo naman, limang araw pa lang si Mac no'ng iniluwal mo ay minadali mo na akong asikasuhin ang pagpapabinyag." Umiwas nang tingin si King sa dalaga.

"Wala kasi akong maalala, pasensiya ka na," malungkot na turan ni Aria. Saka inilagay na sa maliit na kulay gintong kuna ang nahihimbing na anak. Nakatunghay lang silang dalawa sa natutulog nilang sanggol.

"Wala kang kasalanan kung bakit may mga burado kang alaala. Kung wala ka man matandaan sa ngayon ay huwag ka muna sanang mag-isip. Malakas ang pagkakabagok ng ulo mo, kaya apektado ang alaala mo. Kasalanan iyon ni Adriano! Kung hindi ka niya pinagtangkaang gahasain ay wala ka sa sana sa sitwasyong iyan." Nanggagalaiting sabi nito. Kalahati sa sinabi niya ay totoo, ang kalahati ay hindi totoo. Mabait pa siya sa lagay na 'yan. Pero nagsinungaling pa rin naman ito.

"Hindi ba si Adriano, iyong anak ni Mayor?" nagtatakang tanong ni Aria.

"Oo, kaya lumayo ka lagi sa kaniya," bilin ni King.

"Naipakulong mo ba siya sa ginawa niya sa akin?"

"Hindi, pero may isang bagay akong nagawa sa kanya at habang-buhay iyong tatatak sa kaniya." Napangisi si King sa sinabi nito. Hindi na siya pinansin ni Aria, pumalahaw na kasi sa iyak ang anak nilang si Mac. Mukhang gamay na gamay naman ni Aria ang pagiging ina niya. Kaya naman binuhat niya ang anak at umupo sa gintong ugoy-ugoy. Binuksan niya ang blusa at walang pakialam na iniluwal niya ang malusog na kanang dibdib at itinapat ang tayong-tayong tuktok sa bibig ng umiiyak at uhaw na uhaw na sanggol.

Nakamasid lang ang lalaki sa magandang tanawing nakikita niya. Pakiramdam niya'y nauuhaw rin siya. Inggit na inggit sa busog na busog niyang anak. Lalo pa siyang nakaramdam ng init nang ilihis ni Aria ang buhok sa kaliwang balikat nito. Napapamura siya dahil sa makinis at mahabang leeg ng dalaga. Gusto niyang dilaan iyon nang paulit-ulit.

"May problema ba?" Si Aria na patuloy pa rin sa pagpapasuso sa kaniyang sanggol.

"Wala naman," saad niya na napapalunok. Napatingin na naman siya sa mayayamang dibdib ni Aria.

Tumayo na si Aria nang mapatulog na nito ulit ang anak. Sabik na sabik naman ang demonyong nagkatawang-tao. Pero napigil naman niya ang pagnanasang lumulukob sa kaniyang katawan. 

Ang Pag-Ibig ni Mac DeamonKde žijí příběhy. Začni objevovat