Pag-ibig at Pamamaalam
Ni Kim Errick Manalo at Fate Panlilio
Absurdo ang pagibig.
Walang pinanghahawakan,
Tumatatak sa isip,
kahit hndi larawan.
Minsan naiisip kong
Ang pagibig ay isang kasinungalingan.
Uulit-ulitin mong bigkasin
Hanggang sa maging siya mong katotohanan.
Katotohanang patutunayan ng bibig,
Tibok at pintig
Nagbubungguang reaksyong nakasilid
Sa buo na dibdib
Tiyakin ma't planuhi'y sobrang widwid
Mga daga sa dibdib at mga paruparo sa sikmura,
Papagurin ka sa paghabol
Ang nais lamang ay lumaya.
Pero di lahat ng pag ibig ay tama.
Hindi lahat ng umiibig nagmamahal.
Larawan lang ng kasinungalingang hindi pa kayang bitawan.
Maiiwang nakabitin sa blankong pader,
Wala kang magagawa kundi titigan lang ng titigan.
Kaya kung iibig
Dapat ay matutong magpaalam
Ito'y isang tungkuling
May iresponsibilidad pa ring nakaatang.
Maraming may mabuting hangarin
Ngunit sa pagtagal ay nagiging harang.
Di natatapos sa Oo
Parang walang katapusang halalan.
YOU ARE READING
Kolab
PoetryKolaborasyong bunga ng mga nagsusumidhing damdamin, makukulit na isipan at malilikot na imahinasyon. Collaboration of broken hearts, curious minds and wild imaginations. A partnership of kindred souls that use letters as their weapon.
