Chapter 13: The 4th Shadow (Ang Ika-apat na Anino)

Start from the beginning
                                    

"Pwede pa rin. Kung may station sila sa isa sa pinakamataas na lugar dito sa bansa pwede pa rin. Kung mayroon din silang station sa Seattle na sa tingin ko ay meron na nga, makakagamit pa rin sila ng komunikasyon," sagot ni Layla.

Napailing na lamang si Helena habang hawak ang kanyang ulo. Nagkatinginan na lamang sina Maria at Albert, at bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"Ang pinakamataas na lugar na nandito sa Luzon ay ang Baguio," sagot ni Albert.

"T-Tama. Ang TV station sa Baguio, Propesor. Kaya mo bang pasukin ang network na 'yon?" tanong ni Helena.

"P-Pasensiya na pero hindi ko magagawa iyon. Hindi pwedeng maantala ang system nila dahil balita at ang militar ang may hawak ng istasyong iyon."

"Huli na ang lahat," wika naman ni Layla.

"Confirmed. Nakuha na nila ang station sa Baguio. Huli na tayo, nagshutdown na ang server nila. Natigil na rin ang operasyon kanina lang. Mas mahihirapan tayong mapasok ang system kung nakashutdown ito at nakakonekta sa Seattle," dagdag pa ni Layla.

"PAMBIHIRA!" Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Albert.

"'Wag mong sabihing plano din nila ito?" tanong ni Helena.

"Oo, Helena. Plano nila ito noon pa bago pa sila makarating dito sa bansa. Marahil ay napag-aralan nilang mabuti ang bawat siyudad at bawat lugar dito sa Pilipinas kaya't nakagawa sila ng mas magandang plano," sagot naman ni Layla.

"Helena, hindi ba tayo kikilos? Hindi na siya tumupad sa usapan! Kailangan na nating lumaban!" bulyaw naman ni Albert.

"Ako na ang bahala sa Baguio. Kayo na ang bahala sa Circle," wika naman ni Edward na sa pagkakataong iyon ay nakasuot na ng isang itim na jacket at isinusuot naman ang kanyang itim na gloves.

"Mga prototype lang ang kailangan ko para pasukin ang TV station na sinasabi niyo. Dalawang oras lang din ang kailangan ko," dagdag pa niya habang nakangiti.

"Sigurado ka na hindi mo kailangan ng backup?" tanong naman ni Helena.

"Hindi ko na kailangan. Makakasagabal lang sila sa akin," tugon ng binata at saka umalis sa likuran ni Layla.

"Ako ang bahalang makipag-communicate kay Edward. Kayo na ang bahala sa iba pa. Layla out," wika ni Layla at nawala na ang kanyang imahe sa hologram screen.

Muli na lamang napailing si Helena. Tila pinoproblema ang mga nangyayari.

"Lahat ng mga sundalo at militar humanda na! Paligiran ang Circle. Sa lahat ng ayoko ay 'yong hindi tumutupad sa usapan!" galit na sambit ng dalaga.

"Yes, Ma'am!" bulyaw ng mga heneral. Agad nag-log out ang lahat ng heneral at commander sa hologram screen na iyon.

"Albert, ikaw na ang bahala dito," wika ng dalaga. Tumango na lamang si Albert at lumapit sa 3D image blueprint.

"Maria, ihanda mo na ang New Order. Sasama ako," utos naman Helena. Agad silang lumabas ng pintuang bakal ng techno hub. Agad din itong nagsara nang sila'y makalabas na.

*****

"This is a mistake, this is a mistake!" bulyaw ni President Nixon, ang presidente ng U.S. Tuliro siya habang paikut-ikot sa kanyang mesa. Gabi na doon at madilim na sa lugar na kanyang iniikutan.

"You made a great decision, my friend. Soon, the United States of America will be the United States of the World. Aren't you happy for that?" wika ng isang boses.

"Robert...oh Robert. I thought we talked about this. This was our plan four years ago."

"Four years ago was the time of the memory gene, Matthews! Everything has changed! We are now at peace! Why are you doing this?" bulyaw muli ng presidente. Muli siyang humarap sa hologram screen at doon ay makikita ang mukha ni Dr. Matthews Konning.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallWhere stories live. Discover now