❤❤❤Bonus 17: ME & MY BABY❤❤❤

612 27 9
                                    

❤❤❤Bonus 17: ME & MY BABY❤❤❤

🌻🌻🌻~Megan Gwyneth Reyes~🌻🌻🌻

Nagising akong walang katabi, tinignan ko kung anong oras na ba.

5:30 AM
Bakit wala pa si Gerald? Dapat nakauwi na siya ah.

I had the urge to go down stairs. At di ako nagkakamali naka uwi na nga siya, bukas ang mga ilaw e. Pero bat parang may naririnig akong mga boses?

Bumaba na ako at hindi ko nagustuhan ang nakita ko sa aming sala.

"Hi Bibingka gising ka na pala, andito si Shaira Miyumi. Remember her?"
Nakangiting sabi ni Gerald.

"Hi Megan, long time no see! Di ko talaga inaasahan na ayo magkakatuluyan—"

"Anong ginagawa mo dito?"
Malamig kong sabi, tinitigan ko lang siya.
Ayoko siya, naiinis ako sa di malamang dahilan.

"Hon Business yung—"
Sinubukang sumabat ng magaling kong asawa.

"5:30 ng madaling araw? Business? Early bird ka pala? Pagkakatanda ko nung highschool late ka palagi e."
Namutla naman siya sa sinabi ko.

"Megan, Shaira is just here to have some chit chat with you... Why are you acting rude? Nakakapanibago ka Megs."
At pinagtanggol pa ng magaling kong asawa ang nagkakacrush sakanya.
Naramdaman ko ang pag init ng aking mata, agad akong tumalikod at umakyat sa kwarto.

Chit chat? Simula nung dumating yan chit chat na sila ng chit chat. Hanggang ngayon ba?! Hindi niya man lang ako inalala kung san ako nag punta tss!

Nagpalit na ko ng damit, sinubukan kong tawagan si Matthew pero out of reach si Gago.

Lumalandi to for sure.

Dinial ko nalang ang numero ni Carson.

Pick up the phone! Agh!
Nakakailang ring narin pero,wala paring sagot.

Inis akong humiga sa kama at saglit na napatitig sa kisame. Hinawakan ko ang tummy ko.

"Baby, ang landi ni Daddy mo noh? Ang sarap tadyakan sa birdy!"
Inis kong sambit, tumayo nalang ako at lumabas na ng kwarto.

Nakatayo na silang dalawa nang makababa ako.

"Hahatid ko muna si Shaira sakanila Baby..."
Sabi ni Gerald, hindi ako umumik.

Namove yung check up ko di niya ba alam? Madalas mas updated siya kaysa sakin e. Noon yun pero simula nung may bago siyang secretary parang hangin nalang ako.

Ang galing di pa ko pumapayag gumora na siya agad.

"Bye Megan..."
Bulong ni Shaira, I swear I saw a smirk! She smirked at me!

Kumulo agad ang dugo ko at hinila ang buhok niya.

"A-Aray!"

"Ang kapal ng mukha mo! Magpapakita ka samin tas gaganyan ganyanin mo ko?!"

"Shit Megan?! Bitawan mo!"
Napatulala ako nang tanggalin ni Gerald ang kamay ko sa buhok ni Shaira.

"Ano bang nangyayari sayo ah?!"

"Pinagtataasan mo ko ng boses Gerald?"
Nakatungo ako, malapit nang bumagsak ang mga luha ko.
I heard him sighed.

Narinig ko ang yabag palayo at pag sara ng pinto.
Napaupo ako sa sahig atsaka umiyak.

***

Nanatili lang akong nakaupo at nakatulala nang biglang tumunog ang telepono ko. It was Carson calling.

Sinagot ko ito.

"Megs? Sorry di ko nasagot tawag mo kanina. What's up?"
Humikbi ako.

"Wait. Are you crying?"
Hindi ako sumagot.

"Pupuntahan kita diyan, nasa bahay ka ba?"
Hindi parin ako sumagot at umiyak lang ng umiyak.

"Aysh stay there!"
Binaba niya na ang telepono, humiga nalang ako sa sahig. Di ko kayang tumayo pagod ako.

***

"Megan?"
May yumuyugyog sakin nanatiling pikit ang aking mga mata.

"Megan?! Shit!!"
Lalo akong yinugyog.

"Ano ba?!"
Iritable kong tanong. Palagi na kong naiirita.

"Phew! Bat ka kasi nasa sahig? Asan asawa mo?"
Dumilat ako, at sobrang nainis na naman ako!

"Leche! Samahan mo nalang ako sa check up ko!"
He just chuckled and said 'okay'.

Palagi nalang si Carson ang nasa tabi ko kada nahihirapan ako. And for the past years I only caused him pain. I rejected him.

Nang makarating na kami sa OB ko pinaalis ko na siya. I can manage naman na e.
Its just me and my baby.

Wala na siyang nagawa kundi ang umalis, at ako? Dumiretsyo na ko sa loob.

"Mrs. Reyes welcome back!"
Bati sakin ng OB ko, I slightly smiled.

"Hmm? Asan po si Mr. Reyes?"
Tanong niya sakin, umiling nalang ako at sinabing bilisan na namin ang check up.

***

PAKASALAN MO KO MR. ANTIPATIKOUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum