❤❤❤BONUS 6: OPLAN MASABI KO SAYO❤❤❤

3.3K 124 46
                                    

💍💍💍BONUS 6: OPLAN MASABI KO SAYO💍💍💍

😜😜😜~Samuel Perez~😜😜😜

"Mrs. Reyes! Mr. Reyes! Andito na kami!"

Sigaw ni Aliyah ... Andito lang kami sa tapat ng bahay pero wala paring sumasagot...

Kanina pa kami andito eh...

"Ay matawagan na nga!"-Christina

Kinuha na ni Christina ang phone niya at nag dial na ng number

"Ano?!...

Okay sige... Bilisan niyo nalang! Naglalandian pa kasi hahahaha"

At binaba na niya ang telepono...

"Papunta na sila dito andun daw sila sa bar kanina"

"Ay mukhang success yung plano ni pareng Gerald"-Timothy

Napailing nalang ako...

Ilang sandali andito nadin sila...

"Yieeee mukhang may nangyari maganda ah?"-Therese

"Ahh wala hahaha pasok na kayo"

Sabi ni Megan at pinatuloy na kami...

Malaki yung vacation house na toh...

Kaya pwede kaming mag stay dito...

"Samuel... Usong tulungan si Sammy oh..."

Sabi sakin ni Carson at tinuro niya si Samiera...

Huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan...

"Sam... Ako na diyan..."

Sabi ko sakanya,...

Tumingala siya at nginitian ako

"Kaya ko na toh,.."

Sabi niya

"Sows nahihirapan ka na nga eh tapos kaya mo?"

And i smirked

"Psh yabang mo. Oh ayan sayo na..."

At binato niya sakin yung mga bagahe niya ...

Amazona talaga tong babaeng toh nako...

Nang matapos na namin mapasok ang mga bagahe sa bahay nagkwentuhan lang kami... Inusisa nila ang tungkol sa naging honey moon nung dalawa.

Nakatitig lang ako kay Sam tumatawa siya kaya napapangiti ako... Ewan ko kung bat ako nagkakaganito mukhang tinamaan na nga ako pero kasi naduduwag ako.

Sumapit ang gabi, oo gabi na pano nag movie marathon nalang din kami nakakatamad pa kasing lumabas kaya ayun nakatambay lang kami sa bahay.

At ngayon nag seset up kami ng bonfire para mamaya...

"Ano Samuel kelan mo balak dumiskarte?"

Tanong sakin ni Drake pero hindi ko siya sinagot inayos ko lang ang mga upuan.

"Kanina ka pa walang imik diyan alam mo bang pupunta si Sammy sa states at balak na niyang mag stay dun?"

Napatigil ako sa sinabi mi Brayden tinignan ko silang lahat...

"Pare kung paiiralin mo yang katorpehan mo walang mangyayari."

Tinapik naman ni Gerald ang balikat ko, napasabunot ako sa buhok ko at napaupo nalang

"Agh! Gusto ko siyang kausapin gusto kong sabihin sakanya lahat kaso nawawala yung sasabihin ko! Kapag kaharap ko na siya puro pangangasar nalang yung nangyayari! Tapos pupunta pa siya ng states? Pano na ko... Ayoko siyang mawala!"

PAKASALAN MO KO MR. ANTIPATIKOWhere stories live. Discover now