Chapter 11: Foundation Week.

3.9K 67 4
                                    

*Chapter 11: Foundation Week.*

Unang araw ng Foundation Week ngayon. Sabay-sabay kaming pumasok nila Megan. Pagkapasok pa lang namin sa loob ng campus ay madami ng tao agad. Bukas ang school sa mga outsiders pero kailangan may ticket sila para makapasok. Madaming stands ng iba't ibang pagkain at maingay na sa loob ng school dahil na din sa sound system na itinayo sa may quadrangle.

Sila CharLei at Mandy ang nakaduty sa booth namin para magbantay sa mga papasok kaya hindi namin sila kasama sa paglilibot ngayong umaga. Si Kim, Megan at ako ay bukas pa ang duty sa booth. Mamayang hapon naman ay papalit si Zaira at ang isa naming kaklase kala CharLei at Mandy kaya hapon pa namin makakasama sila Mandy.

Sa paglilibot, paglalaro, at pagkain sa iba't ibang booths at food stand ay nakalimutan ko lahat ng problema ko. Para bang, naramdaman kong bumalik akong muli sa kung sino ako noon. Ang sarap sa pakiramdam, para bang bago ulit sa akin ang ganitong feeling. Nakakatawa at nakakangiti ulit ako ng hindi peke. Kahit ngayong araw lang, naging masaya ako. Kahit ngayong linggo lang.

Naglalakad kaming apat sa may corridor at kumakain ng ice cream no'ng biglang may lumapit sa aking lalaki. Namukhaan ko naman siya. Isa din siya sa mga kaklase namin, "Hi, Lexie." napatigil kami, "o, hello. Kamusta ang booth?" medyo ilang kong bati sa kanya. Nginitian niya ako, "okay naman. Malakas-lakas naman ang kita. Iba talaga ang nagagawa kapag sikat ang isa sa mga kaklase mo, 'no?" uminit ang pisngi ko at natawa na lang.

"Kanina ka pa nga pala hinahanap ni Therrence. Nandoon siya sa classroom. Puntahan mo na. Sige." nagpaalam din kami at umalis na siya. Pumunta naman kami agad sa classroom. Pagkadating namin doon ay naubos na namin ang ice cream at saktong lumabas si Therrence ng classroom. Wala sila Mandy. Siguro ay nasa loob booth. Nakapag-zombie costume siya. Natawa naman kami sa itsura niya. Sumimangot naman siya.

"Stop laughing! This is so embarassing." nahihiya niyang sabi at pinasadahan niya ang buhok niya ng kanyang palad. I chuckled, "you look so cute." namula naman siya bigla na nagpatawa pa lalo sa amin.

No'ng humupa na ang tawa namin ay tinanong ko siya agad, "bakit mo nga pala ako hinahanap?" tinignan niya ako at ngumiti siya sabay may kinuha sa bulsa niya, "hinanap kita para ibigay ito." inilahad niya sa akin ang palad niya na ngayon ay may box na medyo mahaba. Color blue iyon at isinisigaw ang mamahaling brand ng bagay na iyon. 'Tiffany & Co.' ang nakalagay sa box. Nanlaki ang mata ko at tinignan siya na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi.

"Therrence." hindi din nakapagsalita ang barkada ko. Binuksan ni Therrence ang box at nakita ko agad ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Isa iyong necklace na ang pendant ay susi na may desenyo na hugis puso. May mga maliliit na perlas ang nakapalibot sa hugis puso. Ang ganda, wala akong masabi.

Kinuha niya iyon at pumunta siya sa likod ko at isinuot ang kwintas. Napahawak ako sa pendant. Ini-ayos niya ang buhok ko at bumalik sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa binigay niya, "bakit mo ako binigyan nito?"

"Well, since hindi ako makakasama sa Camiguin para sa birthday mo dahil pupunta akong Switzerland, advance birthday gift ko na 'yan." oo nga pala. Nasabi ko sa kanya iyong plano nga namin ni Kuya pero sabi nga niya na hindi siya makakapunta kasi may aasikasuhin sila ng pamilya niya sa Switzerland. Napatango ako at napatingin sa pendant. Kinuha naman niya ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "bakit ito ang pinili mong pendant?"

Ngumiti siya at tinitigan ako ng maiigi, "except sa alam kong paborito mo ang key necklace ay may meaning pa iyan para sa akin kaya 'yan ang pinili ko." kumunot naman ang noo ko.

"Meaning? Ano naman?"

"That means you will always have the key to my heart. Whatever circumstances may come, I will still love you. Always. No one will ever replace you in my life and in my heart." malambing at puno ng sinseridad niyang sabi sa akin. Nag-init ang pisngi ko at narinig ko ang pigil na tili nila Megan sa likod ko. Tinitigan ko siya. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil alam kong totoo ang mga sinabi niya sa akin. At nasasaktan naman ako dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Damn this!

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon