Chapter 7: His Thoughts.

5.5K 99 18
                                    

*Chapter 7: His Thoughts.*

Lexie's POV

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay. Alas-dose na ng hating gabi. Lahat ng tao sa bahay tulog na, pati sila Megan. Natapos kaming magpractice kaninang 10. Dahan-dahan kong binuksan at sinara ang pintuan. Di kasi ako makatulog kaya gusto ko munang magpahangin at magpalamig doon sa dagat na medyo malapit dito.

"Oh Ma'am Lexie!"

"AYKABAYO!" napatalon naman ako sa gulat, "manong naman! Pasabi ka naman na nandyan ka. Nakakagulat ka naman masyado!" sabi ko. Natawa naman si Manong Guard.

"Saan po kayo pupunta? Hating gabi na bakit pa kayo nasa labas?"

"Hindi po kasi ako makatulog, magpapahangin lang po sana ako." sabi ko sa kanya.

"Ah ganun po ba? Gusto nyo po bang samahan ko kayo?"

"Ah hindi na po, dyan lang naman po ako sa may dagat. Abangan nyo na lang po ako dito." 

"Sigurado po ba kayo?" tumango ako at sinabing ok lang. Pumayag naman sya. Kinuha ko yung mountain bike sa may garahe at lumabas na ng gate.

Nagbike ako papunta doon sa may dagat. Ang lamig ng hangin buti na lang at nakajacket ako. Yung mga ilaw sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa daan. Di naman ako takot na may mangyari sa akin since exclusive subdivision ito at halos mayayaman ang nakatira dito. Panatag ako na walang mangyayaring masama sa akin. Wala naman sigurong magtatangkang pagsamantalahan ako diba? Haha!

Ilang minuto din akong nagbike hanggang sa nakarating na ako sa dagat. Maliwanag naman dito since may mga ilaw na nakakabit sa mga puno. Isinandal ko sa isang puno yung bike at lumapit sa gilid ng dagat. Kalmado lang ang dagat at malamig ang simoy ng hangin. Ang daming stars sa langit at new moon ngayon. Pumikit ako at dinama ang hangin, umupo sa buhangin at tinitigan ang dagat. Sinusubukan kong wag mag-isip ng kahit na ano pero hindi ko magawa. Kahit pilitin kong panatilihing blangko ang utak ko, patuloy pa rin sa pag-alala ang isip ko.

Nararamdaman kong naninikip nanaman ang dibdib ko dahil sa mga naaalala ko. Pumikit ako at napabuntong-hininga na lang.

**

Now Playing: Never Meant To Break Your Heart-Ramzi

Kevin's POV

There she was, sitting in the sand, looking at the sky. And here I am inside my car, watching her from a far and I don't even know why I am here in the first place. Galing ako sa club nila Yvo. We drink but I'm not drunk.

I keep on staring at her then suddenly I saw tears slowly streaming down her cheeks.

"Am I really hurting you this much? If  I can only wipe those tears in your eyes."

I heave a deep sigh and bang my head into the steering wheel at closed my eyes. I really don't know what I'm feeling! I'm so confused. I hate seeing her cry, lonely and...

I hate seeing her with another guy.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon