Wala Na

12 1 0
                                    

Wala na.
Wala ng tayo. Bakit nga ba?
Bumitaw ka kasi. Binitawan mo ako basta.
Akala ko ako'y iyong ipaglalaban. Akala ko, pipigilan mo ako sa aking paglisan.
Akala ko lang pala.
Gusto ko lang namang malaman
Kung kaya mo bang patunayan
Ang totoo mong nararamdaman
Kaso hindi. Hindi kasi bumitaw ka agad. Hindi kasi di ka nakipaglaban. Hindi kasi ako'y iyong sinukuan.
Oo, pareho tayong napapagod. Pagod na pagod.
Pero akala ko ba, mapapagod lang
At hindi susuko?
Anong nangyari sa iyong pangako?
Pangakong, ngayo'y tinangay na ng hangin
At ako ngayo'y tuluyang nahulog sa bangin
Sa bangin na naging dahilan
Ng aking pagkawasak. Wasak na wasak. Durog na durog.
Durog na dahil sa problema.
Mas lalong nadurog dahil umalis ka.
Umalis ng walang paalam.
Umalis na hindi man lang inisip ang aking nararamdaman.
Napagod ka. Kaya't ika'y bumitaw.
Napagod ako. Kaya't hindi na ako kumapit.
Ano pa ba ang magagawa?
Walang iba. Ang tanggapin ng buong kalooban.
Ang tanggapin ng walang hinanakit.
Ang tanggapin na makaka*move on rin.
Ang tanggapin na meron nalang ikaw at ako. At wala na ang "tayo".

RandomWhere stories live. Discover now