Lupaing mayaman at sagana sa likas na yaman
Ipinagmamalaki dahil sa taglay na kagandahan
Mga isla't mga tanawin ay malaparaiso
Isama na natin mga ngiti ng bawat PilipinoNgunit sa bawat ngiti
Ay may tinatagong paghikbi
Bakit bigla kayong nag iba?
Meron na bang iba?Ibang nakakapagpabigay ng kailangan nyo?
Ibang nakakapagpasaya?
Iba na siyang naging rason para ako'y inyong kalimutan
Kaya naman ako'y tinatratong parang basura na lamangIginigisa sa sariling mantika
Ipinagtatabuyan sa sariling bakuran
Bakit kayo nagpapasakop muli?
Nagpapasakop kayo ng di nyo namamalayanPinaglaban at pinalaya na mula sa maling tao
Ng mga taong buhay ay isinakripisyo
Maipagkaloob ang kalayaan
Na matagal nyo nang idinadaingO baka naman hihintayin nyo muna
Na mawala sa puso't isipan
Ang nasyonalismo
Sa bawat PilipinoHihintayin nyo muna
Na kayo'y lamunin ng dayuhang kultura
Hihintayin nyo muna
Na makalimutan nyo kung sino talaga kayoSana hindi pa huli ang lahat
Sana ako naman ang piliin nyo
Pilipinas muna bago iba
Piliin ang Pilipinas#wattpatimpalakngMakataPH
![](https://img.wattpad.com/cover/120890980-288-k30792.jpg)
CITEȘTI
Random
AlteleThoughts suddenly poppin' in my head. RANDOM | poems | essay | one-shots | short stories