Naunang naglakad si Sam kasunod ako at sa huli si Lysander, pang isahan lang kasi ang daanan patungo sa nasasabing hotel.
Habang patungo kami sa hotel para bang may nagmamasid samin, pero sa tuwing lilingon ako sa gilid wala naman, halos puro puno lang ang nakikita, klaseng nakikita mo sa horror movies.

Napalingon ako sa may bandang kaliwa ko. Lumaki naman ang mata sa nakita ko, isa itong batang babae na may hawak na teddy bear sasabihan ko sana siya kung bakit siya nandito, pero sa nakita ko may sugat ang bata sa may ulo at may makikita ka pang dugo sa ulo at damit, at ang puti ng bata na halos di na makita ang mata neto. Agad naman akong kinilabutan, napalingon ako sa dalawa.

"Did you see that?" Sabay turo sa bata. Nandoon parin ang bata na walang ka emosyon emosyon ang mukha.

"Where?" Sabay lingon nila sa tinuro ko.
"Wala naman ha? Cleo are you okay? Baka pagod kana?" Sabay dampi ni Sam ng kanyang palad sa leeg ko.

"No, I can see it, very clearly, di niyo nakikita?" Sabad ko naman. Nakatingin parin ako sa batang babae.

"There's nothing in the place where you point at." Lysander na sinabi niya as a matter of fact.

Di sila naniniwala saakin?

"Anong nakikita mo Cleo? Tell me." Hinawakan pa ni Sam ang kamay ko. Alam kong malamig na ang kamay ko. I don't believe it in the first place.

"Wala, baka namalikmata lang ako, sorry, let's go." Sabi ko sa kanila na parang wala lang.
Muli akong tumingin sa batang babae, nagpailing iling na lamang eto at may tinuturo, hindi ko maintindihan. Mas kinabahan ako ng mawala eto.
Mas naging malamig ang hangin habang papalapit kami sa hotel. Dama mo ang kilabot sa lugar, pero ipinagwalang bahala ko nalang.

"Bakit may hotel dito sa gitna ng isolated place nato? Bakit inabanduna ito?" Nilingon ko si Sam. Syempre siya ang may alam dito sa lugar nato.

"They said this is the biggest hotel and the most popular hotel noong kapanahunan niya. I don't know anything about this hotel kasi nga nasa isolate nato nang isla. At pinagbabawal ang mga taong pumunta dito."

"Kung ganon, bakit pumunta dito si Jane? Diba yung ka callmate niya ang tumawag bago siya nawala?" Tumango naman ang dalawa. Tahimik lang si Lysander para bang nagmamasid sa paligid namin.

"We don't know the whole story, let's not jump to conclusion." At naunang umalis sa amin. Problema noon.

Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng hotel kung gaano ka luma ang sa labas kaibahan naman ang sa loob, napa wow nalang ako sa ganda. Maganda naman ang loob taliwalas sa labas, nasa tamang kalalagyan pa ang mga gamit neto may chandelier pa sa ceiling.
Biglang may tumawag sa akin. Is it possible? Kinuha ko ang cellphone ko at napahinto. Agad ko namang sinagot.

"Hello?" Sinabi ko sa caller, at dahil likas na tanga ako. Hindi ko tiningnan.

"My god, Cleo! Where the h*ll are you! The three of you?! Nandito na kami sa bahay kayo ba?" Its Step.

"Andito kami naghahanap padin, may balita na ba kayo?" pabalik kong tanung.

"Wala eh, kahit isa sa kanila walang nakakilala kay Jane, kayo nasaan kayo? Umuwi na kayo samantalang may araw pa." alalang sabi ni Step.

"Oo uuwi agad kami pagnalibot namin ang lugar, sige na bye." Di ko na hinintay ang sagot niya alam kung hahaba lang ang sasabihin niya. Knowing her, hindi yun masasatisfy sa maliit lang ma salita. Pinasok ko ang cellphone sa loob ng bag ko.

Napalinga linga ako .

Patay!



I lost them?!

Napamura nalang ako sa isipan ko.

Kaya ko to!

Isa akong naglalakad lakad sa pasilyo ng hotel. Kinuha ko ang flashlight ko. "Guuuuuyyysss?!! Were are you?!" Nag echo ang boses ko sa loob, pero walang sumagot.

Kaya pumunta ako sa kaliwang pasilyo, bitbit ang sarili at flashlight. Habang palayo ako sa main floor ng hotel. Palamig ng palamig ang paligid, ang bigat ng pakiramdam ko. Maya maya para bang may bumubulong sa tainga ko, napalingon ako sa likod ko wala naman, pagharap ko ay lumaki ang mata ko.

Yung batang babae kanina! Nanginig agad ako sa takot di ako makapagsalita, nawalan na din ako ng kulay.
Kung sa malayo ang nakita ko sa kanya ay walang mata at may dugo sa damit at ulo. Ngayon na nasa malapitan ko siya, nakikita ko kung gaano na disfigure ang mukha neto. Makikita mo din ang parang pasa sa mata neto at mga ugat, may iilan din itong saksak sa katawan.
Pero nakatingin lang ito sa akin.

Paano nila eto nagawa sa batang to?! Mga hudas sila!

Biglang nalang naging masama ang titig ng bata sa akin, at nanlisik ang mga mata neto. At tumili napatakip nalang ako sa tainga ko. At nagsimulang tumakbo, bahala na?! I can't stand here anymore! 

Natalisod ako sa isang bagay, nadapa ako nagsimulang umagos ang luha ko, kahit nakadapa ako gumagapang parin ako paalis sa lugar nato. Lumingon ako sa natalisoran ko, isang sako. Mabilis kong tinadyakan yon palayo sa akin, mas lalong lumaki at nanginginig ang labi ko. Mula sa sako nakita ko ang isang katawan nakahandusay ang kalahating katawan ay nasa loob ng sako ang kalahating ibabaw ay lumabas. 

Ang katawan ni Jane?!

Tumili ako at tumakbo papuntang main hall.

---------------------------------------------
hello again!
Maraming salamat sa walang sawang sumusoporta sa stories ko. Salamat po sa inyo, nasa rank #799 pa po ito kahapon ngayon po nasa #140 na po ang story na to. thank you po talaga!

Hindi ko po inexpect  na makakarank eto sa paranormal. Yehey!!🙌🙌🙋🙋
Mas pag iigihan ko po ang pagsulat sa story nato. 😘😘
--------
Natagpuan na nila ang katawan ni Jane.
Sino ang batang babaeng yun?

stay tune folks! 😘😘

The Island's SecretWhere stories live. Discover now