Naalala ko tuloy bigla si Renz. Parehas kasi sila ng vocal range. 'Yung ang gwapo ng dating. They also have the same aura on stage. May pagkagaspang lang talaga si Renz.

Ganitong ganito. Ganitong ganito ang nangyari noon. Kumanta si Renz sa isang event sa school dati na nakalimutan ko na. Noong time na 'yun, inlababo pa ako sa kanya kaya naman feel na feel ko na ako ang kinakantahan nya.

Syempre, tamang daydreaming lang ako noon. Kasi alam ko naman na hindi ako ang kinakantahan nya noon kundi ang babaeng nakapwesto sa harap ko.

I felt so hopeless that time. Tingin ko sa sarili ko nun, ang baba. Walang pag-asa. At sa pagkalagapak ko, iniyakan ko pa siya. Kasi diba, sino ba naman ako? Walang katapusang kabigan. Napaka-cliché. At sumahin man natin ang lahat ay babae pa rin ang makakabihag sa puso niya.

Doon ko naisipan na sumuko na. Alam ko kasi na wala nang mangyayari. Na walang kahahantungan ang kabaliwan ko. Kaya naman pinilit kong burahin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero may plot twist ang kwentong 'yan. Sa akin daw talaga siya nakatingin noong kumakanta siya. Hindi dun sa babae. Hindi daw niya 'yun kilala. Kinuwento niya sa akin 'yun dati, nakalimutan ko lang kung kelan. O diba, ang galing? Nag-iiyak pa man din ako.

"Mahal na mahal kita,
Higit pa sa iniisip mo.."

Napatingin ako sa stage. I caught Paul staring at me.

My heart skipped a beat. Sana this time, totoo na ang interpretation ko. Kasi umaasa na talaga ako. At ayoko nang mangyari ang nangyari dati.

I took a photo of him at umalis na ako doon. Tapos na rin naman siyang magperform.

Narinig ko na rin na sinabi nung emcee na umpisa na ng first part ng party. Then, dinner.

Hinanap ko na ang presidente namin at binigay ko na ang DSLR. I told him na tapos na ako sa duty ko. Sila na lang magpicture ng during and after event.

At dahil alam kong wala akong mapapala sa hall kaka-party dance at wala rin namang magbabalak sa akin na magsayaw doon, maggagala na lang muna ako dito sa labas.

Hay nakoo. Alone na naman ako. Usually sa mga ganitong pagkakataon, si Renz ang nakakasama ko. At dahil wala siya ay mag-isa lang ako ngayon. You know, hindi kasi ako palakaibigan. Pili lang talaga ang mga nagiging kaibigan ko. 'Yung iba pa may kanya-kanyang tropahan. Ako kasi 'yung tipong freelance student. Ina-approach ko kahit sino but I'm not into tropahan tropahan. A friendship like Renz, ok na ako.

Ang ganda ng paglalakad ko dito nang biglang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng puno. At dahil medyo madilim ay natakot ako. Nakakita kasi ako ng usok. Feeling ko naninigarilyo 'yung lalaki. Hindi kaya kapre 'yan?

Kahit natatakot na ako ay naglakas loob pa rin akong lumapit then I saw...Paul?

Teka, naninigarilyo si Paul?

Kung sabagay. Mukha lang siyang wholesome pero may habits rin siya. Hindi naman ako na-turn off. Actually turn on pa nga eh. Haha, ewan ko ba.

Nilapitan ko si Paul at bigla naman niyang itinapon ang sigarilyo niya. I smiled at him.

"Ok lang. Di naman kita jowa para pigilan sa gusto mo." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nginitian niya ako. Biglang may nag-flash na image sa isip ko.

Isang ngiti. Familiar ang ngiti niya. Bakit kaya? Nakita ko na ba 'yon? Kung oo, kanino? Baka naman sa kanya rin.

"Thank you for the understanding, Ken." Sabi niya.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now