[19] Realized

Depuis le début
                                    

Nandito na ako ngayon sa may unahan malapit sa stage for documentation. You know, duty ko ang magpiktyur-piktyur ngayon. Nandito na rin ang lahat ng estudyante sa loob ng hall for the opening ceremony.

And yeah, actually nag-uumpisa na. Nakapag Lupang Hinirang na, mga chenes message and so so.

Napatingin ako sa event plan na hawak ko. Sabi dito, bago umpisahan ang first part ng party ay may magi-intermission na nursing student. Nai-intriga ako sa nursing student na 'to dahil heart throb daw ito. Sus. Totoo ba?

"Good evening everyone! Welcome to SML's Golden Party!" Sabi nung emcee at naghiyawan naman ang mga balugang estudyante.

"This party is the final part of our university's 50th anniversary celebration. Kaya naman, enjoy lang tayo mga kuys! And to lift our moods up as we step forward to this event, let's wrap up through the last numberee's serenade. Let's give him a round of applause!"

Inihanda ko na ang aking DSLR. Ok, Ken. Keri mo 'yan. Matatapos rin yang trabaho mo.

Naglakad na ang lalaking nursing na magpeperform sa stage. Sabi nila heartthrob daw 'tong isang 'to. Wait. Ang weird naman ng buhok nya para maging heartthrob! He even wear glasses. He also seems familiar. Parang Paul ang pormahan nya. So tell me, pano naging heartthrob 'yan?

Napatingin sa gawi ko 'yung lalaki. He smiled. Ok, get's ko na. Kaya pala familiar kasi siya talaga si Paul. At anong ginagawa niya diyan?

"Alam ko, wala akong time machine o kahit anong special ability para ibalik ang nakaraan. Pero ngayon, masasabi ko na sa sarili ko na I already moved on. Kaya hindi ko na kailangang bumalik pa dahil simula ngayon, magf-focus na ako sa kasalukuyan. I have to open my heart for a new chapter. For someone. Guys, I have a question. May mga mahal ba kayo sa buhay?" Sabi niya. Naghiyawan muli ang mga estudyate

Malamang meron! Ano bang ginagawa niya? Magde-declamation ba siya?

"I know, meron. Sorry for the vague question. So, I'm dedicating this song for someone na hindi ko alam, unti-unti ko na palang minamahal. I don't know. Am I stupid? Am I dumb? I fell, at hindi ko alam ngayon kung nasaang kondisyon na ako. But one thing is for sure...somehow, I have learned to love again." He said, then smiled.

At saka tumugtog ang intro ng instrumental ng kanyang kakantahin.

I suddenly heard a continuous beat. At hindi ako manhid para hindi ko malamang sa akin nanggagaling ang tunog na 'yon.

"Kung may taong dapat na,
Mahalin ay walang iba
Kundi ikaw.
Wala ng ibang makakapigil
Pa sa akin"

Kanta niya. Sumabay ang ibang estudyante sa pagkanta.

Paul, why are you doing this to me? Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Grabe. Ang lakas ng tama ko sa kanya. Kababawan ba 'to? Tingin ko hindi. Haaay.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Paul. He may be the weirdest person for anybody out there, for me -- he's the most unique and charming. May mga tao man na ngayon lang nalaman ang existence niya, para sa akin ay nagniningning siya.

"Binuhay mong muli ang takbo,
At tibok ng puso
Sa 'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba,
Napuno ng saya"

He has a nice voice. Sobrang soft, warm at ang gwapo ng dating. May ganito pala siyang side. 'Yung ang confident niyang tingnan sa harap ng maraming tao kahit na ang aloof aloof niyang tao.

His Deepest Secret ☑️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant