Chapter One

57 1 18
                                    

Phate's POV:

Naglakad kami sa mall. Andaming damit, alahas, gadget at kung ano-ano pa. Marami ring tao ang dumagsa rito dahil Linggo ngayon. Nakasuot ako ng berdeng t-shirt, kulay asul na pantalon, kulay pilak na relo, asul na sumbrelo at itim na sapatos. Ako ngapala si Angell Phate De Jesus.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo ikot ng ikot ehh", sabi ko.

Pagod na ako rito. Ang kayumanggi kong mga mata ay walang kahit isang kinang ng interes sa aming dinadaanan.

"Kanina ko pa sinabi sa'yo Phate, sa bookstore 'd ba?", sabi ng katabi ko.

Kulay kayumangging balat, payat na mukha, itim at medyo kulot na buhok, mga labing kulay rosas, at mga matang kulay itim. Nakasuot siya ng kulay yellow na off-shoulder, black shorts, black sneakers at may dala dalang maroon na string bag. Ito ang bestfriend kong si Zyrene Marquez.

"Zyrene, kain na tayo. Kanina pa tayo hindi nakain, hapon na! Kaninang 10 tayo pumunta rito, 4 na oh!", sabi ko, pagrason sa kanya.

"Teka lang! Andito na tayo oh!", sabi niya.

Pagtingin ko sa aming harapan, nasa bookstore na kami. Pumasok kami saloob at nakita ko ang dose-dosenang mga libro na nakalagay sa bookshelf. Ang ibang libro'y nasa lamesa nakapatong. Mayroong kulay berde, asul, rosa, pula, at kayumanggi. Sa pabalat may makikita kang iba't ibang larawan.

"Tara na!", sabi niya na may ngiting nakakabit sa kaniyang mukha. Naramdaman ko ang kaniyang kamay, hinigit niya ako at umiko't ikot kami sa loob ng bookstore.

Habang siya'y naghahanap ng libro, bitbit ko naman ang ibang libro na nais niyang bilhin. Dahil sa katahimikang pumapalibot sa aming dalawa naisip kong magsalita, "Zyrene, bakit ang hilig mong magbasa ng english na libro? Bakit hindi tagalog hinahanap mo?"

Tumingin siya sa akin at nanahimik ng ilang segundo bago nagsalita, "Kasi.. gusto ko pang lumawak ang aking vocabulary sa ingles, tsaka mas maganda kasi ito. Hindi ko naman tinataboy ang mga tagalog na libro pero mas gusto ko lang talaga yung mga english".

"Ahh", sabi ko habang tumatango.

Tiningnan ko ang mga librong bitbit ko, "Walo na pala 'to? Kaya pala ang bigat ehh.... teka-- bibilihin niya lahat 'to?,", pagiisip ko, at ang mata ko'y lumaki.

"Bibilhin mo lahat ito???", Tanong ko, halata ang gulat sa tono ng boses ko.

"Tinatanong pa ba yan, Phate? Syempre, oo naman!", sabi niya, na parang wala lang ito.

Dahil sa tagal ng kaniyang paghahanap ay napagisip-isip kong tingnan pa ang buong paligid. Maliwanag ang buong lugar, at may onting tao na nandito, may mga nagbabasa, may naghahanap, may bumibili. Sa counter naman anduon yung cashier, may isang babaeng mukhang nasa 30 taong gulang na. Mayroon siyang kulay tsokolateng kulot na buhok na nakapusod, may mga piraso ng kaniyang buhok na hindi naisama sa pagkakapusod. Nakasuot siya ng kulay asul na polo, maong pants, kulay itim na belt at itim na sapatos. Mukha siyang maputla, mga matang kulay itim, eye bags na sobrang laki, mapayat na katawan, bilog na mukha, at mga labing namumutla.

"Pagod na siguro siya, at buong araw siguro siya nagtrabaho", napaisip ako.

"Okay tapos na! Tara, bayaran na natin ang mga 'to", biglang sabi ni Zyrene. Kinuha niya ang walong libro sa aking pagkakahawak at dinala ito sa counter. Inilapag niya ang mga libro at nagsalita, "Uy, lika na!".

Naglakad ako sa counter at inilapag ang dalawang librong hawak hawak ko. Kinuha ni Zyrene ang bag niya at inilapag ito sa counter, hinanap niya ang kaniyang pitaka.

"300 yan lahat", sabi nung cashier.

Kinuha ni Zyrene ang 300 sa kaniyang pitaka at ibinigay ito sa cashier. Kinuha ng cashier ang pera sunod ay ibinalot niya ang mga libro at isinilid sa isang paper bag.

Through Her Innocent EyesOn viuen les histories. Descobreix ara