Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    



"AY ANAK NAMAN NG LOCKER ROOM!" Biglang napasigaw si Noneen sa nagsalita. Napatingin siya sa gilid niya. Nakita niya si Ralph nasa likod ng bench na kinuupan niya ang nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya.



Eto na nga bang sinasabi natin eh.



Napalunok sya tsaka ngumiti.



"Ahehe, a-ayos naman!" Sagot ni Noneen. Kinabahan siya, nakita niya kasing seryoso ang mukha ni Ralph at tumabi pa ito sa kanya. Halos natawag na ata ni Noneen lahat ng santo. Paano naman kasi, hindi siya sana'y magsinungaling.



Paano to!



"Saang bansa ka naman nagshopping?" Tanong ni Ralph habang nakadekwatro at nakatingin sa kanya ng seryoso. Napalunok si Noneen. Shit, kalma Noneen kalma. Isip nito.



"Ah..a-ano sa..sa.." Isip Noneen bili! 



"Saan?" Kalmadong tanong ni Ralph. 



"Sa Japan! Oo Japan! K-kasi, may limited edition na album ang B1A4 dun. Eh gusto kong bilin. Alam mo naman bias ko si Gongchan. Kaya ayun, haha.." Pagsisinungaling ni Noneen. Nakita niyang tumango si Ralph tsaka ngumiti. Kinabahan siya, sana maniwala ka please.



"Bakit? Wala bang online shop? Di ba mas mura pag ganun?" Ayan na nga bang sinasabi natin eh. 



"A-ano kasi...gusto kong magsight seeing kaya ganun! Hehe. Alam mo naman.." Nakita niyang tumawa si Ralph lumabas ang dimples nito, para tuloy kinuryente si Noneen sa pwesto niya. Shet ang gwapo mo talaga! Isip nito.



Pero nagulat siya nung biglang naging seryoso ang mukha nito.



"Iniiwasan mo ba ako?" Parang nabato si Noneen sa pwesto niya. Halata ba talaga siya?



"HA? A-ako? Iniiwasan ka? Haha! Niloloko mo ba ako? Parang nagshopping lang ako. Ikaw talaga! Haha." Sabay tulak sa balikat ni Ralph. Tumawa siya para kahit papaano naman ay gumaan ang aura sa paligid niya. Napaka-seryoso kasi ng tingin ni Ralph eh.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon