>>>Chapter Seven<<<

138 8 0
                                    

                            Sophia

"Okay ka lang ba,sophia? Mukha ka nang zombie!" Sambit ni Ara. Siya kasi yung naka-assign ngayong gabi dito sa office.

"Ara...diba babalik pa si Mama?" Tanong ko.At...tumulo ulit ang mga luha ko.

Napangiti naman si Ara. "Of course! Babalik ang Mama mo! Tiwala lang!" Sabay hawak sa kamay ko.

"Oh,eto na oh! Tapos na! One Hundred pieces all." Sabi niya sabay bigay ng mga papel. "Thank you!" Mahinang sambit ko. "Walang ano man! Pero...gusto mo bang tulungan kita mag tanong-tanong at magsabit ng mga pictures ng Mama mo?" Tanong niya. "Ah...hindi na! Kaya ko naman eh!"

"Sure ka ba? Time ko naman eh."

"Oo kaya ko!"

"Pero hindi mo ako mapipigilan."

Agad niya naman kinuha ang mga papel sa kamay ko at umalis palabas.

We started to talk to some strangers and random people sa mga kalye-kalye. But...expectedly wala kaming nakuhang info.tungkol kay Mama.

I feel guilty nung iniwan ko roon siya magisang duguan. Sana pala hindi na ako umalis sa tabi niya.

"Sophia!" Tawag sakin ni Ara. Sumunod naman ako sa kanya.

"Ano yun? May alam ba sila kung nasaan si Mama?" Tanong ko.

"Sorry,wala pa rin eh. Tinawag kita para kumain muna tayo! Ilang oras na tayong ganto..." sabi ni Ara. Oo nga! Isang oras na kaming patanong-tanong. Gabi naman kasi. Wala pa akong kain. Mukhang hindi muna ako papasok bukas.

Tumambay kami ni Ara sa isang karinderia. Umorder siya ng dalawang aroz caldo at dalawang tubig.

"Wag ka mawalan ng tiwala Sophia! Makikita mo pa si Tita Trina." And she smiled na abot tenga. And I smiled back the same.

Pagkatapos namin kumain nahiya ako ng si Ara pa ang bumayad ng kinainan ko. Pilit ko naman'g ako ang babayad pero ayaw niya eh. Siya raw ang nangyaya at siya rin ang bumayad. Pero okay naman yun. Nakatipid rin ako. Wala kasi ako ngayong pera.

After one hour ulit na pagtatanong sa mga tao wala parin kami na kapang inpormasyon tungkol kay mama. Napag-desisyonan ko rin na umuwi na kami since alas nwebe (9) naman. Nagkahiwalay na kami ni Ara kasi nasa kabilang dereksyon siya dadaan.

Eto nanaman ako...mag-isa.

Naglalakad na ako ngayon papuntang bahay. Malapit na ako sa bahay ng may maaninag akong mga lalaking nakatingin sa bahay. Nakakakilabot silang lahat. Nakakatakot dahil sa suot nila at aura. Tatlong lalaki. At ako lang isang babae. Pano'to?

Nagtago ako sa likod ng pusti. Mukhang may pinag-uusapan sila. Kaylangan ko'ng makinig.

"Pare,mukhang walang tao riyan sa loob," sabi ng isang matangkad na lalaki na nasa kanan.

"Pare,baka naman tulog ang magandang prinsesa dyan. Kaya nakapatay lahat ng ilaw." Sabi naman ng isang lalaki na may sumbrero.

"Pare! Hinay ka lang sa pagsasalita mo'ng prinsesa! Hah!" Sabi naman ng isang lalaki sa kanan.

"TAMA NA NGA! NARIRINDI NA AKO! UMAYOS KAYO! KUNDI TATAPUSIN KO NA TALAGA ANG MGA BUHAY NIYO!" Pananakot naman ng isang lalaking na may kulay pula ang buhok. Puro itim ang suot! At nakakatakot ang mukha. Na parang nabangga mo lang siya ng mahina parang katapusan na ng buhay mo.

"Yes,boss to na! Tatahimik na nga!"
Sabi ng my sumbrerong lalaki.

Boss? Boss nila yung nasa gitna?

Lumapit pa ako maigi para maaninag ang mga mukha nila. Baka nga sila ang kumuha kay Mama.

I look closer pero bigla kung nabangga ang mga bote ng softdrinks sa gilid ko. Kaya gumawa ito ng ingay. Napalingon naman sila sa pusti. Kinabahan ako. Baka makita nila ako. Baka saktan nila ako. I'm scared.

Buti na lang eh? May pusa sa gilid ko.

"Meow!" Sabi nung pusa.

"P*ta! Pusa lang naman pala! Akala ko kung ano!" Sabi nung may sumbrerung lalaki. Nakahinga naman ako ng maayos dahil safe ako! Pasalamat talaga ako sa pusa na'to!

Maya-maya't ay umalis na silang tatlo. Ng nakalayo-layo na sila sa bahay eh? Lumabas na ako sa pinatataguan ko. Hinawakan ko yung dibdib ko! Sorang close na yun ah! Muntik na ako'ng mabuking!

Naglakad na ako papunta sa bahay. May naramdaman ako na may sumusunod sakin. Kinabahan naman ako! Baka bumalik sila! Baka...alam nilang nagtago ako roon sa likod ng pusti! Nako! Patay na ako!

Lumingon ako ng hinay-hinay. Ng pagkalingon ko eh? Pusa ang nakita ko sa harapan ko! Ano ba yan! Akala ko kung ano na! Natakot ako dun ah! Bwisit!

"Pusa! Ba't mo ako sinusundan?! Hah! May gusto ka ba sakin?!" Tanong ko sa Pusa! Now I look like an Idiot na kinakausap ang hindi nakakaintindi na pusa.

"Meow!" Yun lang ang nasabi niya! Nako! Sinasayang ko lang ang oras ko rito! Pagod na ako! Gusto ko ng matulog! May bed is calling me now!

Naglakad na ako. Hindi ko na lang pinansin ang pusa. Iniwan ko na lang siya dun!

Pumasok na ako sa bahay. As expected...ang tahimik ng paligid. Tanging ingay ng mga sasakyan at mga ingay ng mga hayop ang maririnig mo.

Tumuloy na lang ako sa aking kwarto. Humiga ako sa kama. Out of blue eh? Nakatunga lang ako sa taas ng kisame. Sa buong buhay ko eh? Ngayon ko lang to naranasan.

Sana pagising ko na lang eh? Masamang panaginip lang'to.

A/N:
Sorreh sa matagal na update! So eto na nga! Em'back! I just wanna say Thank you sa nagbabasa ng story na to!!! And sana...wag naman kayong silent reader.Yun lang naman.HAHAHA! Mahal kayo ni otor!!!

Fallen For You! [ON-GOING]Where stories live. Discover now