Oh jade.. Buti naman napadpad ka dito? Surprise ah.. Ngiting sabi ni wila
Ahm.. Si althea ba busy? Tanong ni jade
May kausap pa eh.. Kung gusto mo doon ka muna sa office ni batchi.. Malapit na din matapos yun eh..sabi ni wila
Ok lang dito na lang ako maghihintay sa couch..
Sigurado ka ba? Tanong ni wila
Yah ok lang dito na lang ako.. Pagsisiguro ni jade
Teka lang jade ha dadalhin ko muna ang mga 'to sa baba.. Kailangan na eh.. Sabi ni wila
Sige wila ok lang ako..
Umupo si jade sa may couch at hinintay na lang matapos si althea sa meeting niya..
Nag serve naman ng merienda ang secretary ni althea kay jade
Maam merienda po muna kayo.. Sabi ni beth
Nako beth ok lang naman ako.. Sige salamat..
Welcome maam..
Nakakarinig ng tawanan si jade galing sa office ni althea..
Sino ba yang client na yan at nakikipagtawanan talaga si althea
Napapakunot na noo ni jade
Pero binalik niya na lang ang atensyon sa phone niya dahil may email siyang binabasa
Maya maya pa bumukas ang pinto ni althea..
Hindi agad makikita ni althea si jade dahil ang couch na inuupuan niya ay nasa isang corner at medyo tago, narining niya ang kausap ni althea
Thea thank you ha.. Alam mo ikaw na ikaw ka pa din talaga kahit matagal na tayong hindi nagkikita sweet ka pa din at mabait.. Tayo na lang ulit? Sabi nung babae
Nako ikaw bolera ka pa din..natatawang sabi ni althea
Hindi kaya.. Basta ha labas tayo minsan.. Alam mo na like the old days.. Sabay hawak sa braso ni althea
Ewan ka talaga.. Sige kapag libre ako.. Sagot ni althea
Sige na baka may gagawin ka pa.. Alis na ako thea.. Sabay halik sa pisngi ni althea na medyo paakit at may binulong pa ito.. Habang nakahawak sa braso ni althea
Ikaw talaga.. Sige na bye.. Ingat..
Umalis na yung babaeng haliparot
(ako talaga nainis sa sarili kong kwento..hahaha!!!)Papasok na sana si althea sa office
Ganyan ka ba talaga mag asekaso ng client mo?
Nagulat si althea sa boses lumingon siya dito
Jade? Sabay tingin sa secretary niya
Eh kasi maam ayaw ni maam jade ipadistorbo kayo eh..
Huwag mo na pagalitan si beth.. Sabi ni jade
Chapter 9
Começar do início