✴ Chapter 34

8K 349 32
                                    

Akira

"Ang aga-aga parang nalugi ka na dyan."

Hindi ko pinansin si Dein at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naiinis talaga ako kay Cathy, kasing kati niya ang pangalan niya! Bwisit siya!

"Ay oh, mas lukot pa sa damit ko ang mukha mo." Sabay tawa niya.

Sa ginawa niya ay doon ko na siya tinapunan ng tingin. "Walang nakakatawa. Baka gusto mong gawin kong mas lukot pa yang mukha mo?" Dumadagdag pa siya sa pagkairita ko sa pinsan niya.

"Hindi ka naman mabiro, ano ba kasing problema? Share naman oh?"

Huminto ako sa paglalakad at ganon din siya. Kapwa kami papunta sa gym dahil may practice kami ngayong umaga.

"Pagsabihan mo yang si Cathy na layu-layuan niya ang girlfriend ko."

"Ha? Bakit ano ba ginawa niya?" Clueless na tanong niya.

"Nilalandi lang naman niya si Harley."

The thought of someone flirting or seducing her? Sobrang nag-iinit na ang ulo ko. Gusto kong sapakin lahat ng makikita at makakasalubong ko sa daan. Ako lang ang pwedeng lumandi sa kanya dahil ako ang girlfriend niya!

Akin lang siya!

Akin lang!

Akin!

"Ano bang pinagsasabi mo?" Napakamot siya sa batok niya at halata ang pagkalito.

"Kitang-kita ng dalawang mga mata ko, Dein."

Naningkit ang mga mata ko nang maalala ang nasaksikan ko nung isang linggo. Lalo na yung naiwang lipstick stain sa jaw niya. Araw-araw ko na nga siyang sinusundo at kilala na ako ng mga guards na girlfriend ako ni Harley. Mahirap nang hindi bantayan ang pagmamay-ari ko. Baka malingat lang ako nasulot na ng ahas na 'yon. Bwisit!

Ikinuwento ko kay Dein ang nakita ko, at simula non ay hindi na ako mapakampante.

Nakahawak sa chin niya si Dein at halatang napapaisip. "Ang pagkakaalam ko malaki ang galit ng pinsan ko kay Harley at nagtataka nga ako na base sa kuwento mo ay may pagnanasa siya sa gf mo." Napakamot siya sa ulo niya at parang naguguluhan.

Tama nga malaki ang galit ng Cathy na 'yon dahil nung unang nakita ko siya? Balak niyang gawan ng scandal si Harley nung nasa bar ito.

"Bakit nga pala ang laki ng galit ng pinsan mo kay Harley?" Pag-uusisa ko. Insecure?

"Dahil kay—"

"Dein."

Sabay kaming napalingon sa likod nang may tumawag sa kanya.

"Uy! Gizelle, ikaw pala. Kanina ka pa dyan?"

"Hindi naman kararating ko lang. Bakit nandito pa kayo?"

"Ah, ito kasing si Akira nabwi-bwisit kay Cathy." Napakamot na naman siya sa batok niya bago nagpatuloy. "Nilalandi na pala ng pinsan ko si Harley. Di ba ayaw niya kay Harley? Kaya nagtataka lang ako."

"Sino yung tinutukoy mong dahilan kung bakit galit ang pinsan mo kay Harley?" Curious lang ako dahil hindi niya naituloy.

Nagkatinginan silang dalawa at parang nagdadalawang isip magsalita.

"Gizelle? Kilala mo ba yung taong tinutukoy ni Dein?"

Napabuntong hininga siya at tinitigan ako.

"I'm sorry Akira, ayaw pag-usapan ni Harley ang tungkol sa kanya and I respect her reason."

"Oo nga pala noh? Muntik na 'kong madulas."

Akira Morrin's ObsessionWhere stories live. Discover now