[2] - Kung Magiging Kami, Magiging Kami

28K 692 99
                                    

[2] - Kung Magiging Kami, Magiging Kami

"Bahala na ang tadhana. Bahala na si Kupidong pumana. Kung magiging kami, magiging kami. Sige, pagpatuloy mo lang 'yan. Magugulat ka na lang isang araw na iba na ang nagmamay-ari sa kanya, dahil hindi ka gumagawa ng paraan para makuha siya." –ZD de Carpio

_..._..._

"WHERE ARE you, baby? Aldrin is already here. We won't eat dinner until you're home." Hindi ko man nakikita ang itsura ni mommy, I know, nagkakandahaba ang nguso niya ngayon.

"Mom, stop calling me baby. I just turned 22, three days ago." Nginitian ko ang babae sa counter na nag-abot ng frappe na binili ko. She smiled back at me. Hindi ko na kinuha ang sukli dahil minamadali na ako ni mommy. Kapag sinabi niyang 'di siya kakain, 'di siya kakain.

Minsan nga, mas abnormal pa siya kaysa sa 'kin.

"Bilisan mo, nagmamadali ang kuya mo. I told you yesterday that we'll having a family dinner tonight but you're late. Mabuti pa bumalik ka na lang dito sa bahay—"

"No! I want to be independent, Mom. Si Kuya nga ang daming condo kung saan-saan, okay lang sa inyo. Tapos ako, I finally hadone after 22 long years... babawiin n'yo pa? Do you think that's equitable?" Himutok ko at binaybay ang daan pabalik sa 'king sasakyan na last year lang din ako nagkaroon.

Of course, it's from their money.

"You're our only daughter, Zion Denice. Iniisip lang namin ang—"

"Zyle Aldrin is your only son, too."

Ang unfair! Porke babae ako at lalaki si Kuya?

Iniingatan nila ako? Porke ba virgin ako at si kuya gamit na gamit na?

Joke lang! Masasapak ako ni kuya 'pag nababasa niya naiisip ko ngayon. Pero 'di na talaga siya virgin.

But talking about biased treatment of our parents towards us, Kuya Zyle started to work in one of our enterprises when he was 17. I am now 22, but I never sat in an office chair even for an hour.

Si Kuya kahit 'di na umuwi sa bahay, kayang bumuhay ng sampung pamilya sa sobrang lago ng mga negosyo. Ang dami na nga niyang business na hindi galing sa pera ng mga magulang namin.

Ako? Taga-utang lang. Tapos syempre, 'di ko siya babayaran. Ultimo nga pambili ng frappe ko galing pa kay daddy. Wala akong trabaho, eh.

Dakilang tambay at its finest after graduation kasi.

Siguro kung nabebenta lang ang kadiyosahan, ang dami kong sariling pera. 'Yun lang kasi ang meron ako.

Hindi naman sa naiinggit ako kay kuya kasi ang dami na niyang achievements tapos ako... nganga at its finest.

Pagv-vlog lang talaga naipagmamalaki ko. I want to be a broadcasteror reporter. 'Yong mga nag-dodocumentary, gano'n ang mga trip ko. Gustong-gusto ko talagang nagdadaldal sa harap ng camera.

But my parents wouldn't allow me to stride myself on corporate world in my own.

I admit that I am a spoiled little lady since I was a kid. Hanggang ngayon na marunong na akong lumipad, may tali pa ring nakakabit sa 'kin kaya hindi ako makalayo sa pugad.

At nasasakal ako.

I want to see myself outside of my mother's comfortable nest; free from my father's armored wings; away from my brother's protective claws.

Not that itatakwil ko sila as my family. I just want to find myself. 'Yong gusto kong gawin sa future. Hindi naman habang buhay nandiyan sila sa tabi ko. Tumatanda rin naman sina mommy at daddy, 'yon ang 'di nila magets na noon ko pa sinasabi.

How To Love (Trese Series #2) [ON HOLD]Where stories live. Discover now