Chapter 36

15.2K 639 33
                                    

We rushed toward Annex Building. We can see students and professors running everywhere. Inawat ko ang isang babaeng student. "What's happening?"

"May babaeng nagwawala sa garden!" Hinila nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko saka tumakbo patungong Main Building.

Tumakbo kami ni Rod only to find out Rose, the mean girl, possesed by one of those ghosts and carrying a knife. Napatingin siya sa akin saka lumapit. "Huwag kang humarang!" Tinabig nito si Rod nang malakas, hindi pangkaraniwang lakas ang mayroon siya. Humagis si Rod sa damuhan, ilang metro ang layo mula sa pwesto ko.

"What do you want?" Matapang kong sagot.

"We want justice. Tulungan mo kami."

"That's what we're doing, but look! How can I help you if you are possessing humans?"

"We are just helping you to act quickly." Nilingon nito ang isang female student sa gitna ng garden na nagwawala rin. Nandilat ang mga mata ko when I saw that she's also carrying a kitchen knife! "Kapag may nasaksak siya at napatay dito, hindi ba subject for investigation na 'yon?"

"No! Not this way. I already asked for help, kaya please, stop this violence. Mas lalo namin kayong hindi matutulugan kapag nakapanakit kayo ng tao."

Lumapit siya ng kaunti at bumulong. "We will fake it, don't worry." Saka ito tumalikod patungo sa nagwawalang student. Natalie? Nagpambuno slang dalawa at nagpalitan ng saksak, ilang ulit na umiwas si Rose pero tinamaan siya sa tagiliran. Bumagsak ito sa lupa, tumingin muna sa gawi ko saka ngumiti bago nawalan ng malay.

"No!" Tili ko. Nagtilian din ang ibang estudyante na nakakita sa naganap. Lumapit sa akin si Rod para pakalmahin.

Binitiwan ng estudyanteng nakasaksak ang kutsilyo saka ito tumumba at hinimatay din.

"Rod! Call for an emergency! Get a search warrant!" Habang inaalog-alog ko si Rod na tila nahimasmasan mula sa pagkakatilapon sa kanya. Dinukot niya ang phone niya saka tumawag ng back-up. Ika-ikang lumayo sa akin at kinausap ang nasa kabilang linya. Ilang minuto ang lumipas bago lumapit ulit sa akin. "Sir Rick said warrant has been issued earlier dahil hindi na mapigilan si Governor Armando, iyong tatay no'ng niligtas natin. Hindi pa sana gagamitin ngayon pero this is already an emergency case. We will do it now. They'll be here any moment."

"What are we going to do? 30 or more spirits are everywhere. Sino ang mga sinaniban?" Nilinga ko ang paligid. Nakita ko sa Annex si Sir Tony na hinahabol ng isang babaeng estudyante na may hawak na martilyo. Saan naman niya nakuha 'yon?

"Arlene!" Humahangos na lumapit sa akin si Kuya Drei, hawak sa kamay si Daisy.

"Ano 'yan?" Tiningnan ko silang dalawa saka ang kamay nila.

"Don't overthink. Iniligtas ko lang siya do'n sa nagwawalang student kanina." Binitawan nito ang kamay ni Daisy.

Namumutla ang bruha. "W-what's happening?"

"Mahirap ipaliwanag. We have to evacuate all students here. Let's go." Inakay ako ni Rod. Pinuntahan namin ang iba't ibang silid, kasunod ang mga kasamahan ni Milet. Pinalabas namin silang lahat. Nagtakbuhan na rin ang iba nang makitang sinaniban ang ibang mga kaklase nila.

"This is crazy!" In fairness, they are not harming me. I think they are doing this para masukol na rin ang mga Trinidad, pero this is so messy. I can hear screams everywhere.

Naglabasan ang lahat ng students and teachers ng CDTU, mga nag-abang sa labas ng campus. Pati kami nina Rod at Kuya Drei ay nakihalo sa kanila. Tiningnan namin ang buong campus mula sa labas. Nakabantay sa bungad ng campus ang ilang students na sinaniban ng ibang ghosts at may mga bitbit na kung ano-anong sandata, maging ang ilang spirits na nakalaya mula sa Annex ay naroon.

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Where stories live. Discover now