SG: 17 "Princess C and Prince J"

80 4 0
                                    

Due some circumstances pinalitan ko po iyong apelyido ng isa sa mga character ko.. Si Sai po iyon....

Thanks for Understanding :P

*********

"CHA POV"

"Nakakainis na iyang Valkyrie warriors na iyan" himutok ko. Nandito kami ngayon sa HU. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang palitan ng sagutan nila ng VW sa loob ng Death Battles. Iritang-irita talaga siya lalo na sa JC na iyon.

"Chillax ka lang Cha" sabi ni Angel sa akin. Sabay hagis sa akin ng isang coke sakto.

"Anong gagawin ko rito?" masungit na sabi ko.

"Kainin mo para massaya" pambabara sa akin ni Arge.

"Problema mo" tanong ni Hirome rito. Umiling lang ito. Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan ang mga text sa CP ko.

BZzzzttt!

Bigla akong napangiti dahil sa nagtext. Agad kong binasa iyon kahit maraming nakatambang na text na hindi ko pa nababasa.

"Ang BAGYO nga may PAG-ASA, tayo pa kaya."

palihim akong kinilig sa ipinadala sa akin ni Prince J, isa sa mga kaclan ko sa Fabulous Famous Exclusive o FFE. Alam kong pawang mayayaman ang kasali rito, kasi minsan na akong nakapunta sa EB ng mga ito kaso hindi muna ako nagpakita dahil, well gusto ko lang makasiguro na hindi manloloko ang mga ito. Hindi kasi alam ng mga kaibigan ko na kasali ako sa clan..

Kaya shhhhhh... lang kayo ah..

So iyon na nga, ilang months narin kaming naagkakatext ni Prince J, ito ung code name niya. Everytime na magtetext siya sa akin, may iba akong nararamdaman, kinikilig ako na ewan. Kasi naman iyong mga text niya.. Ah basta...

Ang code name ko naman rito ay Princess C. Ang baduy noh, corny ni Miss Author magbigay ng Code name.

(A.N: Tsk! Arte)

:P Ms. Author...

Malambing kasi si Prince J kaya napapakilig niya ako ng wala sa oras..

So may gusto kana sa kanya, - makulit na isip.

Gusto agad? diba pwedeng kinikilig lang talaga?

DQ ka pa.

"Ano iyan ha?." Nilock ko agad ang CP ko.

"Ano ka ba Tina, wag kang mangugulat!" anggil ko rito.

"Hahahaha.... P-parang kinikilig ka kasi dyan" tumawatwang sabi nito.

"Siguro may boyfriend ka na Cha, noh" nagdududang sabi ni Hirome.

"Aral muna bago boyfriend" sabi naman ni Dhel sa kanya, habang nasa libro ang tingin nito.

"Wala akong boyfriend, Okay!" tanggi ko. Nagpapasalamat ako dahil wala ngayon si Sai, dahil sa suspension nito ng isang linggo. Dahil kung nandito ang leader nilang iyon, hindi man umimik iyon, alam na niyag mag-iimbestiga ito.

"Sus, denial" nakalabing sabi ni Arge.

"Oo nga Cha, umamin ka na" ngumiti naman ng matamis si Angel.

"Wag mong gayahin si Bookworm na puro aral lang ang iniintindi" sabi naman ni Tina. Tiningnan lang ito ni Dhel ng masama.

"Wag ninyong ipagpilitan ang wala" mariing sabi ko.

Kinilabit ako ni Hirome, "Wala naman si Sai rito, kaya umamin kana." Alam kasi nila ang history ni Sai.

Sai never believe in Love, nang minsang tinanong namin ito kung ano ang Love, ang tanging sagot lang nito:

"Love? It's for idiot only." Kitams pati sa definition lang ng Love, cold pa rin.

Simula noon ay hindi na kami masiyadong nag-uusap sa mga love-love na iyan kapag nandyan si Sai, pero hindi naman siya nagagalit kahit mag-usap kami, iyon nga lang wala kang maririnig na komento rito at ang mas matindi pa ay oras na masaktan ka, humanda kana sa isang matinding sermon.

Tumayo na lang ako. "Ewan ko sa inyo." Lumabas muna ako ng room. Papunta na sana ako sa canteen ng may nahagi ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa kanya at napahinto rin ako ng lakad. siguro ay naramdaman nito na may nakatingin rito, agad itong lumingon sa gawi ko. At huli na ako para iwasan pa ang seryosong tingin nito. Nagtitigan lang kaming dalawa.

Biglang bumaba ang tingin nito at huminto sa may dibdib ko. Napasinghap ako. "Bastos!" malakas na sabi ko. Nagsmirk lang ito. Tumawa naman ang ibang kasamahan nito pero hindi ang Valkyrie Warriors ang kasama nito. Tiningnan ko sila ng masama ang mga ito at agad namang tumahimik ang mga ito.

! Bigla akong naka-isip ng kapilyahan.. Its payback time. Tumitig ako sa kanya. Maya-maya ay ibinaba ko ang tingin ko sa pantalon niya at sabay tingin ulit rito. Nagsmirk muna ako at malakas na sinabing "Your bird house is open. Baka makalabas si Birdy." Hindi ko na hinintay ang reaksiyon nito. Umalis na agad ako at alam ko na, ako ang panalo dahil sa malakas na tawanan ng mga kasama nito.

Revenge is really sweet, JC.

***

"JC POV"

"That witch!" inis na sabi ko.

"Grabe pare, epic na epic yung reaksiyon mo kanina. At naisahan ka pa ng isang babae" natatawang sabi sa akin ni JM isa sa mga basketball teammates ko.

"Shut up!" Nagtawanan lang ulit ang mga ito.

"Tado! hindi ordinaryong babae iyon JM. Si Charmaine iyon. Isa sa Lunar Judge. At alam mo naman ang grupong iyon walang kinakatakutan at isa rin silang malakas ang loob na kumalaban sa Valkyrie Warriors" tinapik siya ni John. "Diba pare."

Seryosong tiningnan ko lang ang mga ito.

"Pormahan mo kaya JC" suhestiyon sa akin ni Bren, "Tutal kahit na masungit ka, malakas pa rin ang charisma mo sa mga babae" sukat sa sinabi nitong iyon ay napaatras ako..

"Are you gay."

"Ulol!.. Gay.. Gay. Ka diyan.. HIndi lang ikaw ang gwapo noh.."

"Kasi naman Bren, pwede mo namang sabihin na malakas siya sa mga babae, hindi iyong may charis-charisma ka pang nalalaman, kaya napaghahalataan ka eh" singgit ng kakarating lang na si Gave.

"What do you want?" tanong ko rito.

"Pormahan mo ma iyong si Cha, para madali na nating makuha ang tiwala ng iba pa niyang kasamahan."

Binatukan ko ito. "Bobo, hindi sila mga tanga. Kita mo nga, sa leader nila takot ka."

"Hindi ako takot sa kanya!" anggil nito. "I just find her personlity creepy" umakto pa itong kinikilabutan.

"In short, takot ka nga" pang-aasar ni Kevin rito.

"shut up!" Gave said in gritted teeth. Binalingan naman siya nito. "Jury has something to tell us."

"Bakit hindi na lang niya ako tinawagan?."

"Kanina ka pa niya tinatawagan pero ayaw mong sagutin" kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita kong naka limang missed call na si Jury.

"Damn. Dumating na ba si Drei?" tanong ko.

"Isa rin iyong, missing in action." Nagkibit-balikat na lang ako at nagpaalam na sa mga kteammates ko.

~~~~~~

Never say its to late.. :D

HeartfiliaJean ^_^

Sorority GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon