SG: 20 "In Love??"

80 0 0
                                    

"DHEL POV"

Andito ako ngayon sa library at hinihintay si Mikky na dumating. Kaklase namin at ka-buddy ko sa library.

Kumuha muna ako ng libro sa bag ko.

"The Liar, The Bitch and The Wardrobe, By Allie Kingsley."

Iyon ang title ng librong binigay sa akin ni Arge.

Lucy Butler, former wallflower, lands herr dream job working for her idol, world famous fashion photographer Stefaano Lepres.

Basa ko sa likod ng libro.

Catchy. Kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Nasa kalagitnaan na ako ng Chapter 1, nang naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin iyon dahil engrossed ako sa binabasa ko. Naramdaman ko na nakatitig sa akin ang katabi ko. Hindi ko pa rin ito nililingon.

"What the hell!" napatayo at napasigaw ako.

"Quiet, Miss Balase!" pagalit na sabi ng librarian.

"Sorry po" hinging paumanhin ko. Paano ba naman ay sinundot ng hinayupak na katabi ko ang tagiliran ko, kung saan malakas ang kiliti ko. Kinalma ko ang sarili ko, bago umupo.

Hindi ko muna tiningnan ang hinayupak na iyon at iniligpit ko muna ang mga gamit ko.

Sorority GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon