The Lost Girl

376 10 4
                                    

***********************************************************************************************************

"Jay, ano ba? You're almost thirty minutes late, don't tell me you're not coming."

"No, no.. I'm coming, on the way na'ko. Sandali nalang." Sagot ko kay Jackson na nasa kabilang linya ng telepono.

"Okay, siguraduhin mo lang, alam mo namang ikaw ang special guest ko rito.." Sagot ni Jackson na bahagyang gumaan ang boses na kanina'y halos sumabog sa inis.

Si Jackson ang isa sa pinakamalapit kong barkada, siya rin ang madalas na dumobol kapag may trabaho akong naiiwan. Madalas nga ay pinagkakamalan kaming bakla kapag magkasama because of some obvious reasons. Pareho pa kaming single o walang girlfriend, pero di naman acceptable iyon para pagkamalan kaming bakla, masyado lang talaga kaming malapit sa isa't isa. Pero minsan may time rin na naiirita akong kasama siya , ang epal na kasi eh, kung umasta daig pa nanay ko.

"Mag-ingat ka sa daan ha, tumingin ka muna sa kaliwa't kanan bago mo itawid yang minamaneho mng sasakyan." Yan! katulad na lang niyan.

"Opo mommy..!" Sagot ko kay Jackson, rolling my eyes.

Then, I ended the call.

I turned on the radio while dring my car. And then I started listening...

Nasan ka man ngayon... Sana'y mabuti ka... Magkaibang mundo... Sana maisip mo... Ako... Ako....

Nabagot ako sa kanta. So I decided to change the channel. Nagsalobong ang mga kilay ko nang marinig ang isang balita.

"Huhhhhuhuhuhuhuhu... yung anak ko po... huhuh... isang... isang linggo na siyang nawawala.... Humingi na ako ng tulong sa mga pulis ...HUHhhhhhhhhhhhhhhhh.... pero wala pa rin... silang nahahanap..huhuuuuuuuuuuuuu......." Ang narinig kong hagulhol na isang inay sa radio.

"Uh okay so ano po ba ang huling sinabi niya sa inyo, at parang napaka-misteryo naman po ng pagkawala niya?"

Muli kong narinig ang nakakairitang iyak ng inay na 'yon. Pero naiintindihan ko rin naman sya dahil masakit nga naman talagang mawalan ng isang anak.

" Ang huli niyang banggit sakin....huhuhhhhhhhhhhuhhh.... sabi niya - nay mahal kita...huhhhhuhuhh...." The mother cried.

Hearing that annoying sound of her cry makes my eardrum explode. Tanga ko talaga, nilakasan ko pa yung volume. Yan.. mahina na.

Nakakairita, feeling ko madidistruct ako anytime, ayoko ng mga gnung eksena , lalo na kung sa tv, yung makikita ko talaga. Pero kahit ayaw ko, may topak rin ang utak ko na gawin ang ayaw kong gawin.

I was about to change the channel pero narinig ko ulit yung annoying cry of the mother.

Ang kulit naman bakit parang hindi ko malipat-lipat eh isang press lang sa button, para bang may nag eenganyo sa'king pakinggan pa 'yon.

"Panganay ang anak kong yun. Siya nalang ang inaasahan namin sa pamilya, dalagang-dalaga.. uhhh... hhh'nakk... bakit mo kami iniwan...huhuhhhhhuhhh..."

I felt crazy. Ano ba 'tong nanay na 'to? Umiiyak ba siya dahil nawalan na sila ng inaasahan na bubuhay sa kanila? tss, dalaga pa, baka naman iniwan na siya dahil narealize ng anak na pera lang ang kailangan ng magulang niya sa kanya, at hindi rin malabong... nakipagtanan na. Well, di naman ako pwedeng mag-judge lang ng basta-basta dahil kapag tumapal sa mukha ko yung ganoon. ako rin ang kawawa. Masakit siguro yun.

"Nak bumalik kana... kung naririnig mo ako anak...." Parang asong-ulol na sinisigaw ng inay sa radio.

Nabibingi na talaga ako, dapat diko nalang linipat. Mas maganda naman yung Magkaibang Mundo ni Hale.

Itinapat ko ang daliri ko sa buton kung saan ililipat ang channel nang biglang.....

BOOM!!

Nakabangga ako!

Nakabangga ako!

Nakabangga ako!

Nag-echo sa tenga't isipan ko. Bigla akong nanigas ng mga sandaling iyon, nanlaki ang mga mata ko sa takot. Pero nangibabawa pa rin ang kabutihan ko dahil mas minabuti kong babain ang nabangga ko at hindi ko ninais na hayaan lang iyon roon na iba pa ang makakakitang nakabalandra.

Nang bumaba ako, agad kong pinuntahan ang nabangga ko sa harap ng sasakyan.Isang napakalaking misteryo at milagro nang wala akong madatnang duguan o tao man lang sa harap kung saan kitang-kita ng dalwang-mata ko ang aksidente.

Nangilabot akong bigla. Habang nakatingin ang mga mata ko kung saan may car lights sa pinangyarihang pagbangga, hindi ko agad magalaw ang buong katawan ko dahil sa nerbyos. Hindi naman ako lasing at hindi rin naman ako nakadrugs para magkaroon ng ganun hallucination.

Nakagalaw lang ako nang narinig ko ang ring ng phone ko na nasa bulsa. Dinukot ko ang phone at isang text message galing kay Jackson ang narecieve ko.

Damn, Jay! Where are you!?

        Sent the message...

"Para kang bakla!"

On the way na po mommy...

       I replied...

Papasok na sana ako ng sasakyan nang bigla akong may naaninag na babae, nakatayo sa likuran ng kotse ko. Napakunot-noo ako. Tiningnan ko siya ng masinsinan bago pumasok sa loob ng sasakyan. Wala siyang reaksiyon, nakatayo lang siya roon.

Habang nagtititigan kaming dalawa, nakita ko ang napakaamo niyang mukha. Napatingin tuloy ako sa wristwatch ko - 12:10 mn. Napatanong tuloy ako sa sarili, anong ginagawa ng babaeng to sa ganong oras? Gabing-gabi na nasa highway lang mag-isa. Lalapitan ko sana siya para alukin na sumabay na dahil wala na namang sasakyan pa roon at napakalayo ng mga bahay sa lugar, puro puno na kasi ang nakapaligid sa maluwang na daan at walang naninirahan sa lugar, pero paglapit ko.... bigla na lang siyang naglaho... nang parang bula.

*****************************************************************************************************

Malalaman ko pa kaya ang napakamisteryong nangyari ngayon araw na'to? Makaka-abot pa kaya ako sa bahay ni Jackson? Abangan yan sa next update ni WanderlustDalr dito lang sa - The Lost Girl.

The Lost GirlWhere stories live. Discover now