10th Bang!

90 1 2
                                    

Yeyeyyy! Early update! Early nga ba? Hahaha. Eto naaa!

Mahaba-habang update 'to. :D

Vote and Comment po! :)

FOR ADDITIONAL IMAGINARY TOOLS NAG-ADD PO AKO NG PHOTOS AND VIDEO SA MULTIMEDIA BOX, ENJOY! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alex: Talaga lang ha?

10th Bang!

Kinabukasan eh ginising ako ng pagkatok ni Ate Emily..

"Alexandra  Lynne Ordonez Villanueva!! Gisinggg!" At ayun na po. Binuo na ang pangalan ko.

"*Uhmmff*" Sabi ko habang naguunat. "Bukas yan Ate!" Sigaw ko naman kay Ate Em. Binukasan naman ni Ate yung pinto at kita sa itsura niyang nagmamadali siya.

"Bangon ka na! Andyan na si Lyle, Kanina ka pa hinihintay!" Sabi ni Ate Em sakin habang hinihila yung comforter ko palayo sakin. 

"Haaaaaa??????!!! Andyan na siya?!?" Tanong ko sabay tayo. Tinulak naman ako ni Ate Emily para pumasok ng banyo. At agad-agad kong sinindihan ang shower. 

"Bilisan mo ha! Pupunta pa kayo ng botique ng mommy mo para i check yung dress mo para mamaya tapos diretso na kayo sa venue at dun ka na aayusan. Bilisan mo Alexandra ha!!" Sabi ni Ate Emily habang nagpapaikot-ikot yung boses niya sa pintuan ng bathroom ko. Siguro eh nililigpit niya yung mga kalat ko. Oh well, binilisan ko ng maligo. After ko namang maligo eh dali-dali akong lumabas ng kwarto at naghanap ng madaling masusuot na damit. I picked my summer rompers na may floral print then pinair ko siya sa peep toe flats ko. I picked my chained shoulder bag to place my ipod, phone and dahil di ko mahanap yung make up kit ko eh dinampot ko nalang yung lipstick, blush-on at facepowder ko since sila lang yung nakita ko sa dresser ko. Halos hindi man lang ako nakapag-lotion man lang o nakapagblow-dry ng buhok o sige kahit nakapagsuklay man lang hindi. Kaya tapos kong punasan yung buhok ko eh sinuklayan ko siya agad habang pababa ng stairs.

"Sorry! Sorry!" Sabi ko habang nagmamadaling bumaba ng stairs. At ayun, kita ko si Lyle. Nakatingin lang sakin. Tulala. "Sorry, kanina ka pa ba?" Sabi ko habang sinusuklayan ko yung basa kong buhok. "Huy!" Sabi ko uli sakanya.

"Ha?-Ah.. Hindi naman. Nakakwentuhan ko na nga sina Ate Puring, Ate Celia at Yung si Kuya Jep eh. Gusto pa ata akong pag-almusalin kanina. Pero sabi ko eh hihintayin nalang kita." Grabee?! Nakakuwentuhan niya na mga kasambahay at driver namin?! Infairness. Mukhang kanina pa nga siya dito. So lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa car niyang nakapar sa harap lang ng main door ng bahay namin. 

"Ate Em!!! Pabukas na po nung gate!!!" Sigaw ko kay Ate Em. Wala kasing tao sa labas kaya tinawag ko pa siya. "Sige.Sige! Sakay ka na. Bilisan niyo at baka tanghaliin kayo." Sabi ni Ate Emily habang patakbo sa gate. Grabe 'to si Ate Em. 10 am palang naman. 6pm pa start ng Party. Hay na ko... So ako naman eh binaba na yung over head mirror sa car ni Lyle at nagstart mag-apply ng face powder, blush on then shempre yung favorite kong coral lipstick. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na lumilingon-lingon sakin si Lyle habang nag-aayos ako. 

"Hindi ka ba nahihirapan dyan sa ginagawa mo? Umaandar yung sasakyan eh." Sabi niya sakin habang diretso ang tingin sa road.

"Hindi naman. Sanay lang kasi akong ganito lalo pag nalelate." Sabi ko naman habang sinuklayan pang uli yung buhok ko. Hayyy. Grabe 'di pa nagsisimula yung araw ko eh feeling ko ang wasted ko naaa. -_-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck With A Gunner.. ♥Where stories live. Discover now