6th Bang!

60 3 3
                                    

Alex: What??--Pano???.--HA?!

6th Bang!

Babawi? Anong babawi naman ang sinasabi niya?! Dinedma ko nga yung text niya at pinatong ko nalang yung cellphone ko sa bedside table. Ugh. Bakit ba mashado shang mapapel? Kaasar talaga 'tong lalaking to. 

*Kriingg* *Kriinggg*

Yung phone ko, nagriring. At syempre, sino pa bang tatawag? Edi si Lyle. Dinedma ko pa uli yung tawag niya. Siguro binigay ni daddy yung number ko dito sa lalaking to. Galing-galing naman. -_- Mga four times pa uli siyang tumawag pero di ko parin pinansin at siguro eh nanawa narin siya dahil di naman na nagring ang phone ko. Hayy salamat. So since nga umaga palang at di pa ako naliligo eh naisipan ko ng magshower. Plano ko kasing umalis muna ng bahay para gumaan-gaan naman pakiramdam ko. Alam mo yun? Bat naman ako magmumuk-mok lang dito sa kwarto ng dahil lang kay Rob diba? I mean, oo. Malungkot talaga dahil wala na kami. Pero it doesn't mean na magsstop na mundo ko. Di ba? :) (Go Alex keri mo yan!) So after kong maligo ng 1000000000000hrs. HAHAHAHA! Eh bigla namag pumasok si Ate Emily ng kwarto ko at dala-dala niya ang wireless phone namin 

"Ate?!" Sabi ko sa tonong may konting pagkagulat. Haha.

"Lexy, may tawag ka. 'Di ko alam kung sino eh. Ayaw niya sabihin pangalan niya eh. Sagutin mo nalang. Kanina pa tawag ng tawag eh." Sabi ni Ate Emily na may pakamot-kamot pa ng ulo niya. Siguro naasar na sa caller. Hahaha. Inabot ko naman yung phone kay Ate.

"Sino 'to?" Tanung ko dun sa caller.

"Pag ba nagpakilala ako, hindi mo ako bababaan?" Tanung niya sakin.

"Ahh.. So ayaw mo magpakilala?.. Sige Bye." >:) BUAHAHAHA!

"WAAAIITTTT! SI LYLE TO!!!" Pasigaw niyang reply.

"Magpapakilala rin pala eh. Gusto mo pang tinatakot eh." Sagot ko naman sakanya.

"Sorry na oh.." Sabi niya with softness. (UY! MAY GANUN) Bat ba sya ganto? -_-

"Bayaan mo na. Nangyari na." Sabi ko naman sakanya.

"Wag ka namang ganyan. Nagsosorry na nga eh." Sabi niya. 'Bay dapat lang! F.Y.I Nanira siya ng 3 years na magjowa.

". . . ." Nanahimik lang ako nun.

"Tahimik.. Sige na nga.. Baba ko na 'to.. Mukhang na istorbo pa kita.."  Sabi ba naman? Pakadrama.

"Talaga!" Pagtapos kong sinabi yun eh binaba ko naman na yung phone. Istorbo naman talaga eh. Hindi pa nga ako bihis eh oh. Nakabath robe pa ako. So nagbihis na ako. Black tank top, White shorts at black flipflops. Pupunta lang naman kasi ako dun sa malapit na mall dito at anu pa nga ba? Magaarcades! Hehe! So ayun. Nagpahatid ako kay Kuya Jep sa mall. At nung nakarating naman ako eh wala ng paliguy-ligoy pa, pagkakuha ko ng card eh umupo ako agad sa console ng Tekken at shempre, naglaro na. Nakaka-apat na oras narin siguro ako dung naglalaro ng biglang may kumalabit sakin.

"Miss. Kami naman oh, kanina ka pa eh. Sinolo mo naman yung console." Sabi niya sakin.

"Teka lang okay? Pwede naman siguro akong umupo dito ng kahit ilang oras ko gusto customer din naman ako dito ah." Reply ko naman habang nakatingin sa nilalaro ko. 

"Talaga naman oh. Hindi lang ikaw ang customer dito. Para ikaw lang ang gumamit dyan. Sayo ba 'tong timezone?" Sabi ba naman niya?

"Yun lang ba?! Edi bibilhin k.---" Tumayo na ako at nilingon yung nagsasalita. "LYLE?!?!" 

"Yup." Sabi niya.

"What??--Pano???.--HA?!" Ang gulooooo. 

 To be continued

Vote & Comment! :)

Stuck With A Gunner.. ♥Where stories live. Discover now