Chapter 4

16 2 1
                                    

Kabanata IV.

Nawala.

"Ate,Atee 9:30 na diba 8 pasok mo?"

Napatalon ako sa gulat. Jusq late na ko patay nanaman ako neto kay maam Terravida.
Naligo na ako ng mabilis dalawang beses na lang ako nagsabon imbis na tatlo. Paglabas ko ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napansin ko agad ang oras. 6:30 palang ng umaga. Hay nako si Mandy parang si Mama pag sinabi mong gisingin ka ng 7:00 gigisingin ka niya ng 6:30 at. Sasabihing 9:00 na!
Npansin ko rin ang isang mensahe doon.

Unknown number: Samahan mo ako mamaya ah! Please! Save this number. Denzel here.

Paano niya nakuha ang number ko? Nagtataka akong naglagay ng liptint at ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong magsuot ng isang cropped white hoodie jacket at ripped jeans. Hinawi ko ang buhok ko palikod at saka lumabas sa kwarto.

"Mandy halika na" tawag ko sa kapatid ko.

"Okay ate, tagal mo" ani niya

"Anong matagal ayan oh 7:50 palang.

"Ate magkotse na tayo tinatamad ako maglakad eh! Daanan nalang natin si ate Angel."

"Wag na maglakad nalang tayo!" Pagsalunghat ko sa desisyon niya.

"Kung gusto mo magpahatid ka kay mang Isko. Basta maglalakad ako." Dagdag ko.

"Hi besss" bati ni Angel sa likod ko na ikinagulat ko.

"Ate Angel mag car na tayo" pagsulsol ni Mandy.

"Sige be tara na" sagot ni Angel.

"Bahala kayo maglalakad ako pagalit kong maktol."

Sumakay na sina Mandy at Angel sa kotse at agad na umalis. Naglakad lakad ako ng konti dahil malapit lang talaga ang aming eskwelahan. Gustong gusto ko naglalakad dahil naikita ko ang ganda ng mga tanawin. Naglalakad lakad ako at sinisipa ang bawat bato na madadaanan ko.

Napatalon ako ng may bumusina sa likod ko. At ikinagulat ko pa lalo ang tao sa likod ng pagbaba ng bintana ng kotse.

Si Denzel.

"CJ sabay kana" ani Denzel.

"Ah hindi na gusto ko maglakad lakad eh."

"Sige na sumabay ka na! Diba sasamahan mo ako magenroll!"

Naalala ko ang pinangako ko sa kanya sasamahan ko nga pala siyang magenroll. Pero kung meron mang isang bagay na matatandaan niyo mula sa akin ay kung anong gusto ko gusto ko.

" Denzel ayoko talaga eh magkita nalang tayo sa school" pagtanggi ko.

Namalayan ko nalang ang pagkawala ng kotse. Tanaw ko na ang eskwelahan namin mga 200 metro nalang ang lalakadin ko. Napansin ko ang isang batang babae na umiiyak sa may damuhan sa tabi ng kalsada. Agad agad kong dinaluhan ang paslit na umiiyak.

"Baby girl why are you crying?" Tanong ko.

"My friends always left me cause I always forget to bring my toys." Sagot ng bata habang humihikbi.

"Don't Cry Baby Girl. You know what? me Ate CJ I also forgets. But I'll try my best to remember always. And forgeting is not bad everyone forgets, everyone will leave and anyone in this world will not be remembered." Ani ko.

Tumayo na ko at inalalayan ang bata. Tinawag ko ang grupo ng mga batang babae at pinagsabihan sila. Habang papalayo ako ay nakita ko na masaya ng naglalaro ang mga paslit sa damuhan. There's something bothering my head again. I feel like somethings are triggering my head. Sumakit nanaman ang ulo ko. Parang nangyari na ang mga eksena na to pero hindi ko maalala unti unti nag blurd ang lahat ilang segundo pa ay bumalot na ang kadiliman sa paligid.

UnforgettableWhere stories live. Discover now