Chapter 28

4.8K 94 6
                                    

A/N: Una sa lahat, gusto kong mag sorry dahil ang tagal kong nag update huhuhu forgive me readers. Sana subaybayan niyo parin ito kahit matagal yong pacing hihihi. Pangalawa, gusto kong maglagay ng WARNING, ang susunod na kabanata ay maaaring may tema na hindi angkop sa mga bata. Kaya sa mga bata at hindi open minded diyan, paki skip lang po ito at hintayin ang susunod na kabanata. Pero alam kong may mga matitigas ang ulo diyan kaya kayo na bahala hahaha. Read at your own risk. Wag niyo ito ireport okay? Hindi ko naman kayo pinipilit, kaya nga may WARNING diba? haha. And please bear with me, first time kong magsulat ng ganito, ghaaasssh I'll probably hide in my cave after posting this. Nakakahiya! This is just an experiment guys kaya wag niyo ako i-judge haha, I just thought of having an intimate scene for them kasi nagtatampo na sila Lukas and Gail sa akin, ang tagal ko daw sila inupdate. :D Yon lang. Enjoy reading! Love you all!




Tumuloy nga kami sa hotel na inireserba ni Lukas para sa aming dalawa sa LA. Namamangha ako sa hotel kung saan kami tumutuloy. Isang beses lang ako nakapasok dito at sa hindi pa ganito ka rangyang kwarto. Seminar lang kasi iyong ipinunta ko dito at hindi naman kailangang presedential suit yong kunin ko pero ngayong nandito na ako sa isa sa mga pinakamahal na kwarto dito ay hindi ko mapigilang malula.

"Lukas, sigurado ka bang dito tayo tutuloy hanggang sa matapos ko ang mga papeles ko dito? ", tanong ko habang ginigiya sa paligid ang mga mata.

"Yes babe. Why? Hindi mo ba to gusto? ", tanong niyang nagpakunot ng noo niya.

"No, hindi naman sa ganoon, pero hindi ba masyadong mahal naman to? Hindi pa natin alam kung hanggang kailan tayo dito. You know, we can stay naman sa apartment ko.", sabi ko na may pag aalala, alam kong mayaman siya pero hindi ko lang talaga mapigilang pansinin itong naging desisyon niya.

"Wag mo ng isipin yon okay? I'll take care of everything. All you have to do is be with me, okay? I love you.", lumapit siya sa akin sabay halik sa noo ko.

"I love you too.", sabay yakap ko sa kanya. This is just too much. Being with him this close is just too much happiness for me.Damn! I love this man.


Nagligpit na ako ng mga gamit namin at inayos ko iyon sa closet. Kumain na kami kanina ni Lukas matapos ihatid dito ang dinner namin. Kasalukuyan siyang nasa shower at ako naman ay nakaupo dito sa kama habang nagtutupi ng ibang damit. Bukas na ang balik ko sa work and plano kong kausapin ang boss ko tungkol sa pag uwi ko. Ihahanda ko na rin ang resignation letter ko bukas. Sasabihan ko rin sina Jennifer tungkol sa plano ko. I need to prepare myself. Gigisahin na naman ako ng mga tanong ng mga babaeng iyon.

Napansin kong biglang umilaw ang phone ni Lukas na nakalagay sa sidetable ng kama. Hindi ko man mabuksan ang buong mensahe pero alam ko kung saan nanggaling iyon. Halos hindi ako nakagalaw ng basahin ko ang unang bahagi ng mensahe.

Tina: Lukas, I'm really sorr...

Hanggang doon lang ang mensahe. Hindi ko gustong buksan iyon dahil baka malaman ni Lukas na pinapakealaman ko ang cellphone niya. Biglang bumukas ang pinto ng cr at napatuwid ako sa pag upo. Agad kong binaling ang tingin ko sa tinutupi ko.

"Babe?", tawag niya. Nilingon ko siya. Nakita kong tanging ang puting towel lang ang saplot niya sa katawan. Nakapalibot ito sa bewang niya. Napako ang tingin ko doon.

"Babe?", tawag niya ulit. Napalingon na ako sa mukha niya. Nakatulala na pala ako sa kanya. At ang loko naman ang laki ng ngisi sa akin.

"Uhmm ye-yes?", utal kong sabi.

"What are you staring at?", panunuya niya sabay taas baba ng kilay niya.

"Wala ah. May nag text ata sayo.", pag iiba ko sa usapan.

Ang Probinsyana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon