Chapter 6

5.8K 99 5
                                    

Halos tulala ako nang nakabalik kami sa baba galing sa opisina ng CEO. HIndi parin ako makapaniwala. Talaga bang anak siya ng CEO? At talagang inisip ko pang smuggled yong sasakyan niya diba? Ang liit liit naman ng mundo. Kung kailan gusto ko ng makalimutan yong nangyari sa akin kahapon, tsaka ko pa siya makikita!

Feeling malalagutan ako ng hininga sa mga titig niya sa akin noong nasa opisina pa kami. Mabuti nalang at pinauna na kami ni maam sa baba dahil may pag uusapan paraw sila ng CEO. Huli kong nakita ang mapanuyang ngiti sa labi ng lalaking iyon bago kami umalis ni Josh sa opisina.

"Okay ka lang ba talaga GAil? Kanina ka pa tulala?", bakas ang pag aalala sa boses ni Josh.

"Umm. Oo naman. OKay lang ako. SIguro kasi inaantok lang ako. Napuyat kasi ako kagabi, hindi ako masyado nakatulog.", palusot ko nalang. Hindi ko naman pwede sabihin na ilang beses na kaming nagkita ng lalaking yon. Hindi ko naman talaga siya kilala. Ang alam ko lang ngayon eh anak siya ng CEO at kamag anak siya ni Ms. De Guzman.

"Ganoon ba? Baka gusto mong umuwi na muna sa hotel? Hatid na kita.", he offered. Agad naman akong umiling.

"HIndi na Josh. Okay lang talaga ako. SAlamat.", pagtanggi ko.

"Sigurado ka?", pangungulit niya. Mukhang hindi kumbinsido.

"Oo naman.", sabay ngiti ko pa para maniwala siya. Pero sa loob loob ko, iniisip ko parin ang nangyari kani-kanina lang.

Nang natapos kami ay pinastay kami ng isang staff sa isang hall. Mukha siyang meeting hall. Sabi sa amin ay dito daw namin hintayin si Ms. DE Guzman.

Naupo kami sa may mga upuan.

"Students let me have your attention please.", napalingon kami sa nagsalita. Nakapasok na pala si Ms. De Guzman.

Lahat ng atensyon ay nabaling sa kanya.

"Alam niyo na siguro na the owner and the CEO of this company is my relative, I want you to meet him sana but because of some important reason, on leave siya ngayon and I talked to him awhile ago pero limited yong oras niya so he had to leave for Europe kaya unfortunately hindi niyo siya makikilala but for the meantime, his son is the acting CEO. Akala ko nga hindi ko siya madadala dito kasi nga sobrang hectic ng schedule niya but I was surprised when he insisted na ipakilala siya sa inyo. He wants to meet you.", sa sinabi ni Maam ay nag umpisa na akong kabahan.

"Please help me welcome, the acting CEO, Engr. Antonio Lukas Saavedrano.", halos napanganga ako sa nang nakita ko siya. Suot niya parin ang business suit niya kanina. Kitang kita sa itsura niya ang pagiging isang mayamang businessman. Malaki ang pangangatawan niya at matangkad siya. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng nagtama ang tingin namin. Napayuko ako sa hiya.

Narinig kong nagsinghapan sa likuran ang mga kaklase kong babae. Alam ko kung bakit sila ganyan. Hindi ko naman maipagkakailang makisig talaga siya at may hitsura. Pero mas gwapo parin ang papa niya. NOt that I like his father pero basta.

"Omg! Ang pogi niya!", narinig kong bulong ni Yassi sa tabi ko.

"Ghaaaadd! Mukha siyang inukit. I can only imagine his body inside that suit.", sabi naman ni CHarm. Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko.

"Charm!", may diin sa pagtawag ko. Ano ba kasi ang iniisip ng babaeng ito? Kahalayan naman masyado yon. Iimagine ba naman yong katawan ng tao? Diyos ko po!

"ANo ba Gail, wag ka ngang pabebe diyan. TSaka totoo naman. Ang hot niyang CEO. ", sabi ulit ni Charm sabay sundot sa tagiliran ko. ugh!

"Hello everyone! I heard that you're all third year students? I really hope that sooner, after your graduation, you'll try to apply in our company.", sabi niya pa sabay ngiti. Aba'y sinasadya niya talagang ngumiti ng ganyan. Akala niya siguro madadala niya kami sa pangiti ngiti niya. Ha! Masyado kang pa cute kuya!

Ang Probinsyana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon