Chapter Sixteen

2.4K 54 51
                                    



Chapter Sixteen

CHASE'S POV

*flashback*

3rd YEAR HIGHSCHOOL

Ang init init na na nga, ang lalakas pa ng tili ng mga babae, yung iba naman panay lang ang bulong sa katabi.

"CHASE!!" sigaw nung isa.

Naglalakad kami ni Sean, bestfriend ko sa may hallway nang bigla na lang maglabasan sa mga classrooms nila ang mga babaeng to. Saan kami papunta? Sa Guidance office lang naman. Sa dulo kasi yun ng hallway.

"SEAN!!" sigaw naman nung katabi. "Shine, ang gwapo talaga ng kapatid mo!"

Tumingin ako sa bandang kaliwa at nakita ang mga first year students. Tiningnan ko ang babaeng tinawag na Shine. Nakasimangot ito at matalim ang tingin sa kanyang kapatid na si Sean. Yung tingin na nagsasabing, "lagot ka kay Mama". Tiningnan ko si Sean at nag-"ssshh" sign siya sa kapatid.

Ibinalik ko ang tingin kay Shine nang nasa tapat na kami ng classroom nila. Sa akin naman masama ang tingin niya. I looked at her and mouthed, "What?!" sabay ngiti ng nakakaasar.

Kumirot bigla ang labi ko sa pagngiti kong iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinawakan ko ang labi ko, tiningnan ko ang daliri ko at may nakita pa rin ako dugo.

"Pero Miss Hernandez, hindi po kami ang nagsimula ng gulo," sabi ni Sean.

"Enough, Mr. Go. Hindi na kayo nahiya. Gusto nyo ba talagang madungisan ang pangalan ng eskwelahan natin? Nakipagsuntukan kayo sa mga estudyante sa kabilang school. I am really disappointed. Lalo ka na Mr. Rodriguez. Isa ka sa mga top achievers pero mas pinipili mong magbulakbol? Idadamay mo pa si Sean?"

Hindi ako sumagot. Wala naman kasi akong magandang sasabihin.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong ni Mr. Hernandez.

Umiling ako.

"Ang sabi po ng Mommy ko, kapag wala kang magandang sasabihin, huwag ka na lang daw magsalita kaya wala na lang po akong sasabihin."

"Kung ganon, I want to talk with your parents."

"Miss naman. Huwag na po," pagmamakaawa ni Sean. Sigurado pagagalitan siya ng Mama niya. Sigurado isusumbong siya ni Shine. Sumbungera yun eh.

"Bukas na bukas, dalhin nyo ang magulang nyo dito sa school."

Magkakasabay kaming umuwing tatlo. Ako, si Sean at si Shine.

"Huwag mo akong isusumbong kay Mama ha," sabi ni Sean kay Shine habang naglalakad kami. Malapit lang kasi ang school namin sa aming mga bahay.

"Kuh. Isusumbong ka niyan," bulong ko.

Inirapan ako ni Shine.

"Kinakausap ka ba, ha?!" singhal niya.

Ang alam ko nasa business trip ang mga magulang nila. Tita nila ang kasama sa bahay. Sa weekend pa ata babalik ang mga ito.

Pag-uwi ko, abot-abot ang sermon ni Mommy. Magkatabi kaming dalawa ni Sean sa sofa habang nagsasalita si Mommy. Nakiusap kasi si Sean na si Mommy na lang daw ang representative ng Mama niya. Wala namang problema yon kay Mommy.

"Kayong dalawa, tigilan nyo na nga yang pakikipagupakan ha. Ang gaganda ng mga mukha nyo, ipapasapak nyo lang?!"

Concern talaga siya eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The SignWhere stories live. Discover now