Chapter Fifteen

1.2K 52 10
                                    


Chapter Fifteen

Bigla na lang tumawa ng malakas si Chase.

"Ano po Tita? Bagay kami? Eh amazona yang si Shine eh. Ang tapang-tapang niyan eh ang bait-bait ko," sabi ni Chase.

Tumaas bigla ang isa kong kilay. Tumawa naman ang Mommy niya.

"Hoy Chase, ang kapal ng mukha mo ha! Kailan ka pa naging mabait?"

Totoo yung inis ko. Eh mga bata pa lang kami wala na siyang ibang ginawa kundi awayin ako. I rolled my eyes at him. Kainis.

Sinaway na kami ng Mommy ni Chase at baka daw magkapikunan pa kaming dalawa.

Nagpaalam na ako matapos kong isoli ang libro ni Tita Kyla. Wala kasing kasama sa bahay si Mommy. Wala naman si Daddy kasi na abroad at may business trip. Nagpadala pa nga si Tita Cyrah ng buko salad para kay Mommy. Gawa daw yun ni Tita Kristine.

Nang tumayo ako ay tumayo din bigla si Chase.

"O? San ka pupunta Chase? Huwag mong sabihin na ihahatid mo pa si Shine sa kanila eh ang lapit lang ha," pang-aasar ni Tita Kyla.

Alam naming dalawa ni Chase na iyon nga ang intension niya.

"May bibilhin lang ako sa labas, Tita," palusot niya.

Itinago ko ang tawa ko at inilabas iyon nang makalabas kami ng bahay nila.

"May bibilhin daw??? Sinungaling!" pang-aasar ko sa kanya.

Bigla siyang namula sa sinabi ko. Ganyan yan, napakagaling mang-asar pero pag siya naman ang inasar ko, namumula kapag totoo.

"Umuwi ka na, Shine. Gabi na," sabi niya.

Ayoko pang umuwi. Nag-eenjoy pa akong asarin siya eh pero kailangan na nga kasi may dala nga pala akong buko salad.

"Asus. Goodnight, Iho," sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang gate namin.

Nawala ang pagka-asar sa mukha niya at napalitan iyon ng ngiti. At dahil hindi pa ako tapos mang-asar eh inilock ko na agad ang gate namin nang makapasok ako. Bigla siyang lumapit sa gate at hinawakan ang rehas nito.

"Uy, Shine sandali," bawi niya habang naglalakad ako backward papalapit sa pinto ng bahay namin.

"Sweetdreams, Iho," pahabol ko pa.

"Ineng, ang goodnight kiss ko?" sabi niya ng mahina pero naintindihan ko.

Sa halip na lumapit ako sa kanya eh nag-flying kiss na lang ako. Kitang kita ko pa din ang asar at gusot niyang mukha kahit patuloy akong naglalakad palayo sa kanya.

Nang maisara ko ang pinto ng bahay namin ay halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa.

"Okay ka lang, anak?"

Halos mapatalon ako sa gulat.

"Ay, Ma," ang tanging nasabi ko.

"Bakit ka ba tawa ng tawa?" tanong niya.

"Ah, wala naman po Ma. Nga pala, nagdinner na po ako kina Tita Cyrah at may padala pa siyang dessert para sa inyo," pag-iiba ko ng topic.

Nagvibrate bigla ang phone ko nang makaakyat ako sa kwarto at maghanda ng matulog.

1 new message

Chase

May utang kang kiss sa akin. Tatarahan ko yon. Kapag umabot ng dalawa, may interes na.

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon