Chapter Ten

1.3K 48 7
                                    


Chapter Ten

Nilapitan ako ni Chase at nagdikit ang mga braso namin. Simple lang ang ipinapagawa sa amin ng Professor namin. Kailangan daw namin gumawa ng isang recipe at by partner pa. Narinig ko na lang na halos lahat ng mga classmates namin ay nagpaplano ng sleep over. Napatingin ako kay Chase at wala siyang reaksyon.

"Sa bahay nyo na lang tayo mamaya," bulong niya sa akin.

"Ha?"

Napalingon ako sa kanya.

"7pm, pupuntahan kita sa inyo," sabi nya at lumabas na siya ng classroom. Wala na din pala ang professor namin.

"Now tell me na hindi ka pa din naniniwala sa destiny?"

Hinila ako ni Chloe pabalik sa upuan namin matapos akong iwan ni Chase. Tingin lang ang isinagot ko sa kanya.

"Look Shine, hindi mo ba naisip o napansin? Kung sa tabi mo umupo si Chase eh di sana hindi kayong dalawa ang magkapartner?"

"Sana nga sa tabi ko na lang siya umupo eh para hindi nangyari yon," sabi ko at bumuntong hininga.

"Asus, bakit naman?"

"Teka, sino ba ang kapartner mo?"

Sinadya kong ibahin ang topic.

"Si Iris. Buti nga siya ang naging kapartner ko. Sa bahay na lang nila kami gagawa ng project. OH MY GOD!" bigla niyang sabi at tinakpan ang bibig.

I just nodded.

"So, his place or yours?" kinikilig niyang tanong.

"Mine," walang gana kong sagot.

"Bakit ba malungkot ka? You're supposed to be happy kasi makakasama mo siya buong magdamag, diba?"

"Eh kasi naman, bakit ba kasi siya pa ang naging kapartner ko? Pwede namang iba. At tsaka magdamag? FYI, isang tumbling lang mula sa bahay namin ay bahay na nila. Kaya hindi kailangan ng overnight overnight na 'yan."

"O? Bakit? Gusto mo ba si Lyka ang kapartner ni Chase?"

Napaisip ako. Oo nga noh. Mas okay ng sa akin napapunta si Chase kesa sa iba. Umiling na lang ako.

"O siya wag ka ng mag-inarte dyan at maghanda ka na lang mamaya."

Pagkadating ko sa bahay ay naglinis ako ng bahay. Ewan ko ba, ilang beses na naman nakapunta sa bahay si Chase pero pakiramdam ko kailangang kong maglinis. Halos dito na nga siya tumira noong nandito si Kuya eh. Inihanda ko na rin ang mga gagamitin namin sa kusina.

"O basta ikaw na ang bahala dito sa bahay ha," bilin sa akin ni Mommy. Pababa siya ng hagdan at bihis na bihis siya.

"Ma, saan kayo pupunta?"

"Noong isang araw ko pa nabanggit sayo na ngayon ang highschool reunion namin diba?" sagot niya.

Ngayon ba yon? Shucks. Nakalimutan ko. Bakit naman ngayon pa?

So ibig sabihin, kami lang dalawa dito ni Chase sa bahay?

"Ma, pupunta dito si Chase kasi gagawa kami ng project," sabi ko. Hindi ko alam kung napansin niya ang tono ng pananalita ko. Napansin ba niya na ang ibig kong sabihin ay huwag na siyang umalis at samahan na lang niya ako dito sa bahay para hindi ako mailang habang nandito si Chase?

"Oh eh di mas mabuti at may kasama ka dito sa bahay habang wala ako. Mabuti naman at masasamahan ka ni Chase. Malaki naman ang tiwala ko sa batang yon. Para na ring anak ang turing ko sa batang yon. Mabuti naman at may magbabantay sayo habang wala ang Kuya mo."

Laglag ang panga ko sa mga sinabi ni Mommy.

"Ma, gagawa lang kami ng project ni Chase ngayong gabi. It's not as if he will protect me for the rest of my life."

Ngumiti ang Mommy ko. Nilapitan niya ako at hinalikan sa buhok.

"I know he will," sabi niya. Hindi na ako sumagot pa. Nagpaalam na si Mommy at lumabas na ng pinto.

Six thirty na at kalahating oras na lang pupunta na dito si Chase. Nagshower na ako at nagbihis. Nang matapos ako ay bumaba na ako. Nadatnan ko si Chase na nakaupo sa sofa. Halos mapatalon nga ako sa hagdan sa gulat nang makita ko siya. Malay ko ba naman na hindi na pala ako nagiisa sa bahay. Kahit mula dito sa hagdan ay naaamoy ko ang pabango niya. Kahit nakapikit ako kayang kaya ko siyang hanapin sa pamamagitan ng amoy niya.

"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong ko at tuluyan na akong nakababa ng hagdan ng safe.

"Oo and next time lock your door lalo na at mag-isa ka lang dito sa bahay," sagot niya.

Tinitigan ko siya.

"Nakita ko ang Mommy mo na umalis ng bahay kaya sigurado ako na mag-isa ka lang dito."

"You mean, pagkaalis ni Mommy nagpunta ka na kaagad dito?"

"Oo. Wala kang kasama eh. Mamaya kung ano pa ang mangyari sayo dito."

So ibig sabihin thirty minutes na siyang nandito sa loob ng bahay nang hindi ko nalalaman? Hindi ba siya marunong kumatok? Haist. Sabagay, sanay na kasi siyang labas-pasok lang sa bahay namin.

Isang mahabang oookkaaayy ang isinagot ko sa kanya. Nagdiretsto na kami sa kusina and I suggested na fried shanghai balls na lang ang lutuin namin. Ang sabi ng Professor namin dapat daw pwedeng maiulam na mabilis lang lutuin. Isa pa madali lang mahanap ang mga ingredients nun at tamang tama meron pa sa ref namin.

Inilabas ko ang mga sibuyas, bawang, carrots, itlog, karne at iba pang seasonings. Pinanood ko siya habang naggagayat siya ng sibuyas at habang naggagayat naman ako ng carrots. Does he really know how to cook? Mukha ngang hindi siya marunong humawak ng kutsilyo.

"Err... Masusugatan ka kapag ganyan ang paghawak mo sa kutsilyo," paalala ko sa kanya.

Hindi ba siya nakikinig noon sa klase? Itinuro naman sa amin ang tamang paghawak ng kutsilyo ah. Ah. Malamang absent to.

"Okay lang. Ang mahalaga nahihiwa ko naman gamit ang kutsilyo."

Napailing na lang ako at itinigil ko ang ginagawa ko.

"Here. I'll show you," sabi ko sa kanya at kinuha ko ang kutsilyo sa kamay niya. Mas pinili kong ipakita sa kanya gamit ang kutsilyong gamit niya at hind yung gamit ko para makuha ko ang atensyon niya. Mukha kasing wala siyang balak makinig sa akin eh.

Sinusulyapan ko siya habang hinihiwa ko ang carrots. Muntik ko ng mahiwa ang daliri ko nang makita kong sa mukha ko siya nakatitig at hindi sa kamay ko.

"Hindi ka naman nakikinig eh," sabi ko.

"Yah, but I am watching," sagot niya.

"You're watching me," sabi ko at tumaas ang isang kilay ko.

Tango ang isinagot niya sa sinabi ko. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto nitong si Chase. Binitawan ko ang kutsilyong hawak ko nang unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko. Mas natitigan ko ang mga mata niya. Ang ganda ganda ng pilik mata niya.

Traydor.

Yung puso ko, nagtatraydor na naman. Aatakihin na ata ako sa puso. Naririnig kaya niya ang lakas ng tibok ng puso ko? Para kasing gusto nitong tumalon palabas. Ipinikit ko ang mga mata ko nang halos ga-buhok na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na amuyin siya. Wala naman choice ang ilong ko eh. Alangan hindi ako mag-inhale ng oxygen diba? Yun nga lang kakapusin ata ako ng hininga dahil sa ginagawa niya.

Hinaplos ng kamay niya ang mukha ko. Mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napakapit ang kaliwang kamay ko sa damit ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero may sarili atang utak ang mga mata ko at pati ang labi ni Chase may sarili sigurong utak kasi unti unti itong lumapat sa mga labi ko.


...to be continued.

Chasing The SignWhere stories live. Discover now