CHAPTER 11: Benedict is a threat

436 6 6
                                        

Tristan

"Time-out muna tayo, p're!" sabi ko kay Jeff. Nasa court kami ngayon sa aming subdivision at kasalukuyang nagba-basketball. Nasa iisang subdivision kami ni Jeff, magkaibang street lang. Umupo muna kami sa bench at nagpahinga.

"Walangya, pare, hanep ka talaga sa basketball!" sabi sa akin ni Jeff.

"Nagtaka ka pa, MVP kaya ako no'ng high school tayo," pagmamayabang ko.

"Yabang mo, pero ang torpe mo naman." "Loko!" sabi ko sabay bato ng towel sa kanya.

"Totoo naman, eh! 'Yung lalaki na maraming fans, magaling magbasketball, guitar lord, at halimaw sa klase ay saksakan ng torpe." Tumawa siya. "Kung alam lang ng mga nagkaka-crush sa‟yo kung gaano ka katorpe, turn-off na mga 'yun sa‟yo."

Tumayo ako at kinuha ang bola. Dinribble ko 'yun habang patakbo ako sa ring sabay dunk.

"Alam mo ang dahilan kung bakit," sabi ko kay Jeff na ngayon ay nasa harap ko na at nagdi-dribble. Magkausap kami habang naglalaro.

"Dude, past is past. Paano ka mabubuhay sa present kung lagi mo na lang binabalikan ang nakaraan?" sabi niya sabay iwas sa akin, tumakbo siya habang nagdi-dribble at saka nag-lay-up.

"Pero sabi nila, malaking bahagi ng present mo ang past mo. 'Yun 'yung magiging dahilan mo kung ano ka sa present," paliwanag ko. Umupo kami pareho sa sahig ng court. Tumingala ako at pumikit habang si Jeff, nilalaro ang bola.

"Tama naman. Pero hindi ibig sabihin, eh, mabubuhay ka na ro'n. Paano naman ang taong mamahalin mo sa present at sa future, edi kawawa naman 'yun. Mawawalan ng chance ng dahil lang sa past na dapat ay matagal mo ng kinalimutan." Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng isang 'to. Gusto ko sanang matawa pero hindi ko magawa. I can't believe na ang mga lalaking tulad namin, nag-uusap din ng tungkol dito.

"May umeepal, eh. Si JB. May gusto siya sa best friend niya." Nanatili lang ako sa gano'ng pwesto habang pinapakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Tumigil siya sa pagdi-dribble at humarap sa akin na nakakunot ang noo.

"Paano mo nalaman?" pagtataka niya.

"Kita mo 'to?" sabi ko sa kanya at itinuro ang sugat ko sa may labi.

"Kaya pala may band-aid ang kilay ni JB." Tumawa siya saka ngumisi.

"Natatakot ka, dude?"

"Natatakot saan?"

"Na maagaw sa'yo si Jillian."

"Syempre, hindi."

"Wow! Lakas ng loob mong 'di matakot, eh, torpe ka!" asar ni Jeff.

Napatingin ako sa kanya saka huminga nang malalim. "Sa totoo lang, sobrang natatakot ako. Hindi ko alam kung paanong ako pa ang pipillin niya over JB. Ang tanga ko kasi."

"Oo naman, dude, ang laki mong tanga. Gago pa." Sinabi niya 'yun sabay tapik sa balikat ko.

"Salamat sa pagchi-cheer, ha? Best friend talaga kita. Sobrang salamat!" Binatukan ko siya.

"Aray! Dapat ikaw ang binabatukan, Tristan! Para magising ka sa katotohanan." This time, humiga na siya sa sahig. Ganoon din ako. Para kaming baliw rito. Isipin pa ng iba, bromance 'to. Pareho kaming napatingin sa langit.

"Ano nang gagawin ko?" tanong ko.

"Malay ko sa'yong torpe ka," sagot niya kaya sinuntok ko siya.

"Seryoso ako, Jeff. Wala ka talagang kwentang kausap."

"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Tanga ka talaga, 'no? Ako ba ang may gusto kay Jillian, ha?"

"Huwag kang magulat kung itong bola mag-landing basta sa mukha mo."

"Eh, kung umamin ka na kasi? Unti-unti mo ng iparamdam."

"Paano kung basted ako?"

"Letse, nasubukan mo na ba, ha? Mamaya, ikaw na ang masasapak ko. Putek, tumataas ang dugo ko sa‟yong lintek ka!" sabi ni Jeff sabay hilamos ng kamay sa mukha niya.

"Susubukan ko."

"Huwag mong subukan, gawin mo."

"Oo na. Daming alam."

"Ito lang ang masasabi ko, bro. Hindi laging pabor sa'yo ang pagkakataon. Minsan akala mo, sa‟yo kampi ang tadhana. Pero makikita mo na lang, nabaliktad na. Hawak na pala ng iba. Hihintayin mo pa bang mangyari 'yun?" Natigilan ako sa sinabi niya. Pero agad akong nakabawi at inasar na lang siya.

"Hanep sa payo, saan mo nahuhugot 'yan, dude?"

"Loko, seryoso ako rito tapos mang-aasar ka lang. Magdamag kong inisip 'yun. Bahala ka nga riyan!"

"Seryoso, saan nga?"

"Sa puso ko, ganyan talaga ang love, dude."

"What the fuck?! Bading ka ba?"

"Lul. Asa ka!"

"Patingin nga ng puso mo na „yan at baka makita ko rin „yang love na sinasabi mo."

"Tanga! Hindi 'yun nakikita kun‟di nararamdaman."

"Tanga ka rin! Hindi ka talaga nag-iisip. Syempre hindi naman pwedeng nararamdaman mo lang. Dapat tinitingnan mo rin. Paano pala kung mali ang tingin mo, edi nawala ang dapat ay para sa'yo?"

"Bakit ba ako ang sinasabihan mo? Sabihin mo 'yan sa sarili mo." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tumayo na siya at nag-dribble papunta sa ring. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Where stories live. Discover now