At dahil nga bawal raw malaman ng mga kaklase ko kung saan nakatira si Hiro, nag-taxi na lang ako. Pinagamit na lang sa'kin nila Chelsea 'yung sukli dun sa pinambili namin ng pagkain ni Hiro. Nagpababa ako dun sa malaking gate. Ang laki nung gate nila! Tas hindi ko matanaw 'yung bahay nila! Grabe, mas mayaman talaga sila kina bespren Louie!

"Naliligaw ka ba, bata?" tanong nung mukhang inaantok na taga-bantay sa'kin.

"Ay! Hello po! Hindi po ako nawawala. Dito po ba nakatira si Hiro Ang Kwok. May ibibigay lang po ako," paliwanag ko. Itinaas ko pa 'yung dalawang paperbag na hawak ko sa magkabilang kamay.

Humikab nang malawak si Manong Guard. "Ahh, si Sir Hiro. Oo, dito nga. Pahiram na lang ng ID mo, bata." Agad-agad ko namang binigay 'yung school ID ko. Astig talaga! Kailangan pa ng ID para makapasok! "O sige, diyan ka muna. Hintayin mo nalang 'yung shuttle-"

"Hindi na po, Manong, lalakarin ko na lang po!" masigla kong sabi sa kanya. Kung ganito ba naman kalaki 'yung bakuran nina Hiro, sempre gusto kong makita ang buong paligid!

Tumaas 'yung mga kilay ni Manong Guard. "Sigurado ka? Hindi ka ba nabibigatan sa buhat mo?"

"Hindi po. Ayos lang po 'to, Kuya," paninigurado ko kaya binuksan na niya 'yung gate.

"Sige. Basta 'yung pinakamalaking bahay, sa mga Kwok na 'yon," paalala niya sa'kin bago ako tuluyang makapasok.

Hindi ko naman kasi alam na gate pa lang 'yon papasok ng village! Huhu. Pero grabe! Kitang-kita talaga 'yung pinakamalaking bahay! Parang palasyo! May malalaking bahay din naman sa tabi, pero tanaw na tanaw talaga 'yung higanteng bahay!

Habang naglalakad nga ako, nai-imagine ko 'yung sa mga Disney Princess. Naaalala ko nung Elementary ako, laging bukambibig ng mga kaklase kong gusto raw nilang maging katulad ng Disney Princess. Ang naiisip ko naman, bakit gusto nilang makatulog nang mahabang panahon? Edi hindi na nila naranasan 'yung maraming bagay kasi tulog nga? Diba, ganun 'yun sina Sleeping Beauty at Snow White? O kaya makulong sa mataas na tore tulad ni Rapunzel. O kaya, gusto kaya nilang pinagmamalupitan ng mga kapatid tulad ni Cinderella? Ako kasi ayoko.

Kaya nga ayokong tinatawag akong prinsesa. At mas lalong ayokong maging prinsesa kasi parang tingin ko sa kanila ang hina-hina naman nila. 'Yung naghihintay nalang ng tulong ni Prince Charming. Di ba nila kayang ipagtanggol ang sarili nila?

Gusto ko, parang si Merida ng Brave! Ang astig kaya niya! Diba diba? Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya? Tas wala rin siyang lablayp kahit maraming nirereto sa kanya.

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang nabuksan ko na 'yung isang kahon ng mocchi yata ang tawag dito. 'Yung bilog na malambot na malagkit tas may parang munggo sa loob? Ang sarap eh! Tsaka, nakakagutom ang paglalakad! Isipin niyo nalang, sampung minuto na akong naglalakad, hindi pa rin ako nakakarating sa bahay nila Hiro! Tapos, nauuhaw na rin ako. Hindi naman siguro siya magagalit kung kakain ako ng konti diba?

Nung sa wakas, nakarating na ako sa mas malaking gate ng bahay nila, naubos ko 'yung anim na mocchi sa loob ng isang kahon. Nainom ko rin 'yung parang Gatorade na Vitamin Boost 'yung tatak. Tas anti-stress daw. Lasang ubas. Masarap naman, hehe. Nakadalawa nga ako eh.

Pero grabe! Wala pa sa kalahati ng bahay nina Hiro 'yung bahay nina bespren Louie eh! Nakakatakot pumasok. Baka may dragon akong kalabanin. O kaya ang mas nakakatakot, baka nando'n si Tito Lorenzo tas tignan na naman ako nang masama. Hanggang ngayon, naaalala ko pa kung pa'no niya ako pinanlisikan ng mata eh.

HATBABE?! Season 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang