"Minsan kahit isang beses lamang sa buhay ko, gusto kong makita ang mundong sinasabi niyong 'walang katulad. At nais ko rin siyang makita. Gustong-gusto ko siyang makita."
Ako si Xhian Delos Santos ordinaryo, simpleng babae. Masaya naman na ako at kuntento sa buhay ko. Ngunit sa likod ng aking masasayang ngiti ang madilim na mundong kinagisnan ko. Ipinanganak at lumaki akong bulag, natutong umasa sa pakiramdam. Oo, mahirap ang sitwasyon ko ngunit sa paglipas ng panahon natuto nakong lumaban sa buhay at gawin itong inspirasyon.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench kung saan madalas naming tambayan ng alaga kong asong si Coco. Mas maganda siguro kung nakikita ko ang nasa paligid, kung ano nga ba ang kulay, kung gaano kaganda ang maganda. Naramdaman kong gumalaw si Coco at may taong biglang umupo sa tabi ko. "Coco bakit? Halika nga rito." Ang utos ko kay Coco at hinawakan ko siya sa katawan. Ramdam ko parin ang init ng presensya ng taong nasa tabi ko.
"Ang aliwalas ng panahon ngayon. Nakakawala ng stress." Malamig niyang sabi. Alam ko na mula ito sa isang lalaki, pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko na matandaan. Tumungo lang ako at nagpatuloy sa paghihimas sa aso ko.
"Hi." Bati niya naramdaman ko rin ang paglapit niya sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at niliko sa direksyon niya. Itinitig ko ang mga patay kong mata sa kaniya. Naramdaman kong iwinasiwas niya ang kamay niya sa mukha ko. Tinignan niya siguro kung di talaga ko nakakakita. "Ah hello?" Tugon ko at ngumiti sa kaniya.
"Ay, pasensya na. Bulag ka pala." May panghihinayang niyang sabi. Napangiti ako. "Bakit ka humihingi ng tawad? Kasalanan mo bang nabulag ako?" Malugod kong binaggit. "Hahaha, hindi ganon kasi ano... Ahm ako nga pala si Leo." Pagpapakilala niya sakin. "Xhian." Tugon ko sa kaniya. Iniabot ko na ang kamay ko at kinamayan naman niya ito.
"Kauuwi ko lang dito, galing akong maynila. Andami na palang nagbago. Hindi na nga ko makilala ng mga tao rito eh." Sabi niya. Kaya siguro madaldal siya kasi taga-siyudad. "Ganon ba. Sige sulitin mo lang ang bakasyon mo rito. Masaya dito. Tahimik at mababait ang mga tao." Masaya kong sabi sa kaniya. "Alam ko yon. Pero sana maalala naman na ko ng mga tao dito." Panghihinayang naman niyang sabi. "Problema ba yon? Subukan mong magpakilala sa kanila, maalala ka nila." Sabi ko naman sa kaniya. "Psh. Ginawa ko na. Nagpakilala nako sa kaniya." Malungkot nanaman niyang tugon.
"Ah nako mauna na pala ako marami pakong gagawin sa bahay baka mapagalitan pako ng amo ko." Nagmamadali na ako at tumayo kinapitan ko na ang tali si Coco. "Sabay na tayo, tara." Naramdaman ko ang pagtayo nya at paglapit sakin. Ihahatid nya ba ko? Akala ba niya di ko kaya makauwi ng maayos kasi di ako makakita? "Wag na. Kaya ko na sarili ko salamat." Nginitian ko sya pagkatapos. "Parehas lang tayo ng uuwian. Yung sinasabi mong amo mo, lola ko yon." Kumpiyansa niyang binaggit. Lola niya? Kung ganon? Imposible. Talagang imposible dahil alam kong hindi na babalik pa ang batang yon dahil nasa poder na siya ng mama niya at kung paano siya umasta ay ibang-iba sa kaharap ko ngayon. Siguro ibang tao lang ito.
"Ah, ganon ba? Pasensya napo kayo. Hindi ko po kasi alam. Pasensya na po talaga." Sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano siya katangkad pero tumingala parin ako sa kaniya. "Yun lang?" Panghihinayang niyang sabi. Ano yun lang? Bakit may iba pa ba kong dapat sabihin? "Po?" ani ko. "Hays wala tara na nga." Nagsimula na kami maglakad pauwi. Nang bigla nalang may pumatak na tubig sa ulo ko. Huh? Umaambon ba? Kasunod nito ang malakas na buhos ng ulan. "Umulan? Ang aliwalas kanina ah. Tara dito." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila nya ang kamay ko ang sinubukang takasan ang malakas na ulan. May kakaiba sa pakiramdam ko at nararamdaman kong sobrang lamig ng kamay niya. Nakakakaba pero bakit parang tiwalang-tiwala ako sa kaniya?
Nang huminto siya, sumunod narin ako at huminto. Basa nako pero ngayon ay may sinisilungan na kami. "Argh." Pag-inda niya. "Anong problema?" Hinanap siya ng kamay ko at nakapa ko siyang nakayuko. "Bakit? May nararamdaman kaba?" Pag-aalala kong sabi. "Hindi wala to Xay. Pasok na tayo." Pahingal siyang sinagot at tinapik ang ulo ko. Narinig ko nalang ang pagbukas ng gate. Nandito na pala kami sa bahay ngayon ko lang din napansin. Teka, anong tinawag niya sakin? Xay? Imposible talaga baka namali lang ako ng dinig. Iisang tao lang kasi ang tumatawag sakin nyan. Ang kababata kong naging sandalan ko sa lahat ng bagay kaso wala na siya kinuha na siya ng mama niya at malayo na siya rito.
Tuluyan na kaming naghiwalay ni Leo dulot narin ng masama niyang pakiramdam. Napaisip tuloy ako kung anong meron sa kaniya. Narinig kong usap-usapan ng nga katulong dito na may sakit daw siya kaya pinadala rito. Sabi rin nila tinanggihan na raw siya ng mga doctor. Kawawa naman pala siya kaya pala sumama ang pakiramdam nya. Bakit ganito? Sobrang nalulungkot ako sa narinig ko? Siguro dahil naawa lang ako. Di ko man makita ang mundo kahit papano matatagalan ko pa siya.
"Xhian! Dalhin mo nga tong tsaa sa bagong salta sa itaas." Utos sakin ni Manang. "Opo." Agad ko namang tinugunan. Marahan akong naglakad at narating ang kwarto niya. Kumatok ako at pumasok sa loob. Sa paghahanap ko ng mapapatungang ng tsaa nakapa ko nanaman ang malaking piano. Palagi ko itong nilalapitan sa tuwing nalulungkot ako at nakakaramdam ng pag-iisa dahil dito naalala ko na may kakampi pako. Umupo ako sa harap ng piano at pinatong ang hawak kong tsaa sa ibabaw. Akmang hahawakan ko na ang piano ng marinig ko siyang sumigaw. "Sinong nagsabing pakialaman mo yan?!" Nangagalit niyang sabi. Napatayo tuloy ako sa takot sa boses niya. "So-rry iaabot ko lang tong tsaa mo. Pinapabigay nila." Sa kaba ko natabig ko ang baso at natapon ang tsaa sa piano. "Anong ginawa mo?!" Mas lalo siyang nagalit. Naiiyak nako sa takot. Bakit ba sobrang galit siya? Bigla nalang niya kong hinila papunta sa kaniya at niyakap ako. Sa sobrang higpit ng yakap niya nararamdaman ko na ang malakas na tibok ng puso niya. Nagulat ako sa ginawa niya at nagsimula na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kaso parang may mali. May mali sa tibok ng puso niya na parang nanghihina. "Ayokong masira ang pianong yan dahil yan nalang ang ala-ala ko kay papa at magsisilbing ala-ala ko sayo. Kaya sana wag mong kalimutan na ingatan yan gaya ng pagkalimot mo sakin." Kalmado at mahinahon niyang sabi. Ngayon palang pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya. Siya na nga. Siya yon. Bakit hindi ko siya agad nakilala. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya at nagumpisang umiyak.
Sobrang saya ko sa oras na ito, pero sobrang lungkot ko rin. Bakit ganto? "Sorry... Sorry," paulit-ulit kong sinabi habang umiiyak sa likod niya. Bumitiw siya sa pagkakayakap namin at hinawakan ang kamay ko. "Sssh. Sa susunod tandaan mo nako ah? Wag mo nakong kakalimutan." Pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya. Pero ramdam ko, ramdam ko ang lungkot sa boses niya na para bang lumalamon sa mga sandaling ito. Kinuha niya sakin ang hawak kong pamunas at pinunas ito sa piano. Hindi ko man makita pero alam kong ngumingiti siya. "Tara dito tutugtog ulit ako." Pag-aanyaya niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko dinala ako sa upuan sa harap ng piano. Umupo kaming dalawa at nagsimula siyang tumugtog.
Nang marinig ko ito nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang piyesang ito. Ang batang unang nagparanas sakin na ang mundo ay makikita mo gamit ang puso mo na parang musika na maiintindihan ng kahit sino. "Bumalik ka rito? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Nangingilid na ang luha ko. "Sabi ko babalikan kita diba? Pasensya na kung nahuli nga lang." Malungkot ang boses niya at pinunasan niya ulit ang mga luha ko sa pisngi. "Leonel.." Niyakap namin ulit ang isa't-isa. Ang unang kong kaibigan at kakampi dito sa mundong to. Ang taong naging sandalan ko at iniligtas ako sa maraming bagay nandito na siya ayos na ulit ako. Kampante nako ngayong nandito na siya. Iniangat niya ang ulo at nilapat ang labi niya sa labi ko. Isang matamis na una kong halik. "Mahal na mahal kita." Mahina at pabulong na lamang niyang sabi. Yumakap siyang muli at hindi ko na naramdaman ang tibok ng puso niya.
Dapat minahal ko na siya na para bang ito na ang huli.
VOUS LISEZ
We Ride Or Die, XS and OS
RomanceXhian is born blind longing for his lost friend who became his childhood sweetheart that she didn't get a chance to know more. While Leo is a sick musician who had a heart disease and dying. Suddenly, Leo decided to return to their hometown somewher...
