sa kanya chapter 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"cess i find her" sabi ko sabay tayo para kumuha ulit ng bote ng alak, kailangan ko kasing mag isip ng paraan para malaman ko ung ngyari kay gavin, kailngan kong malaman lahat..

"gavin?" tanong sakin ni princess tumango ako at ngumiti bilang sagot sa knya.

"wow renren am so happy for you, if you need my help am more than willing to help" napatawa ko ng marahan nung nakita ko ung reaction ni princess, nakakatawa kasi ung itchura niya para siyang babaeng babae na mangiyak ngiyak, oo nga at nakadamit pang babae si princess pero sa puso niya lalaking lalaki siya, minsan nga mas para pa siyang lalaki sakin magdisisyon.

hindi na ako nag aksaya ng panahon pag gising ko kinabukasan naligo na agad ako para puntahan si carlo, kailngan kong malaman kung saan nakatira si gavin, kailngan kong magpaliwanag sa kanya. kailngan kong mahaliln ulit niya ako para bumalik na ako sa dati, dahil kung hindi, ikamamatay ko talga.

"pare kagaya nga ng sinabi ko sayo kagabi bago lang sila, at hindi ko alam kung saan nakatira ung mga tao ko, di nman kasi required sa banda ung mag bigay ng mga personal info, tska ako lang kumuha sa kanila sa school nila" halos mabasag ko na ung baso na hawak ko dahil sa inis ko, kala ko pa nman magiging madali na lahat para samin ni gavin, akala ko pwede na namin ulit simulan ung relasyon nmin na naputol, hindi pala, maling mali ung buong akala ko.

"sino ung lalaki na sumapak sakin kagabi? ung kasama ni gavin?" seryosong tanong ko kay carlo

"alam ko rence boyfriend un ni gavin"

gavin's pov

nagmamadali akong pumasok sa classroom namin dahil 2 minutes na lang at late na ako, nakakainis kasi ung trapik na yan kung hindi nman trapik di sana hindi ko na kailngan pang tumakbo papasok, nakakahiya pa kasi ang daming tao tapos ako para akong hinahabol ng kabayo T_T.

"water?" napatingin ako bigla sa nag abot sakin ng tubig, ang galing kasi niya alam niya na kailngan ko ng tubig hahaha,,, kyahhhhhhh bat my angel sa harapan ko? hala ka bat parang nag gglow siya? >,< shakssssss nman nakakahiya nman...

"hoy gab tubig?"

"hahaha paul salamat" kinuha ko ung inaabot na tubig sakin ni paul at iniwas ko ung tingin ko sa knya, sana ganito lagi ung sumasalubong sakin pag papasok ako kasi pag nagkataon kahit linggo papasok na ako sa school.

"kilala mo ba ung lalaki kagabi? nagtataka kasi ako alam niya ung buong pangalan mo, di nman un dito nag aaral kaya nakakapagtaka" bigla na nman bumilis ung tibok ng puso ko ksi naalala ko na nman ung itchura nung lalaki kagabi, kahit kasi maga na ung mata niya at halata mo na napabayaan na niya ung sarili niya dahil mukang hindi na siya nakakapag shave ng bigote at balbas niya, alam mong gwapo siya.

sasagutin ko pa sana si paul kaso biglang dumating ung teacher namin, classmate pla kami ni paul at siya din ang aking seatmate kaya halos araw araw ko siyang kasama, siguro kaya ako nag ccrush sa kanya ksi siya lang ung nakikita ko, siya lang ung mdalas kong kasama, si danica kasi ahead sakin ng 2 years, sabi kasi ni mama sakin naaksidente daw ako dati at halos isang taon akong coma kaya nahinto ako sa pag aaral.  

nung una nga naiilang akong pumasok kasi nman halos 2ng taon ung tanda ko sa mga klasemate ko pero nung nakilala ko si paul nawala ung ilang ko, magkaedad kasi kami, pinag kaiba lang namin si paul nagshif ng course ako naman huminto.

"good morning po.. eto po ba ung class ni mrs. estrada" lahat kami napatingin dun sa babaeng asa pintuan ng classroom namin, maganda siya maputi at matangos ung ilong, ung ibang mga lalaki s classroom kala mo nakakita ng angel kasi kulang na lang mag heart shape ung mga mata nila. pero ang pinagtataka ko parang nakita ko na tong babae na to.

"ikaw ba ung bagong transfer?" tumungo na lang ung babae tpos my pinakita siyang form kay mrs. estrada, kami nman ni paul para kaming tanga na nakatitig lang dun sa babae, pero ang pinagtataka ko biglang parang nawalan ng kulay ung muka ni paul.

"paul problema?" halos pabulong kong tanong kay paul, kasi kung kanina namumulta siya ngayon nman pinag papawisan na siya, eh ang lamig lamig nga sa classroom nmin,

"aa-a-ah wala" sabi ni paul habang hindi inaalis ung tingin niya dun sa babae na kausap ni mrs. estrada, ang weird ng mga tao ngayon, kung kanina sila mama ngayon nman si paul -___-

"kay miss vitan ka na lang tumabi" inalis ko ung bag ko sa bakanteng upuan na nasa tabi ko para makaupo ung babae, nawewerduhan na ako sa sarili ko kasi bakit habang palapit siya ng palapit sakin bumibilis ung tibok ng puso ko, di nman pwedeng natitibo ak diba? sayang ganda ko -___-

"hi ako nga pla si princess perez, kyo?"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon