Diego's POV
" Goodevening Tita", I looked up at nakita si Maris giving my mom a kiss. Tinitigan ko siya at nakaramdam ng saya ang puso ko at di mo na lang namamalayan napapangiti ka na pala.
Don't get me wrong..I mean magkaibigan kami ni Maris, siguro Three years na din. Yong three years lang na yon parang mas kilalang kilala na namin ang isat-isa. Ganoon talaga siguro pag genuine ang friendship nyo, yong super kumportable na kayo sa bawat isa.
"Sweetheart! andito ka..akala ko di ka na makakapunta.." galak n galak si mama ng makita si Maris.
"Naku! pwede po ba namang hindi ako makapunta tita, e birthday niyo po..Happy birthday nga pala..para sa'yo", sabay abot ng paper bag kay mama.
" Naks, me pa gift si bebe Maris," sambt naman ni Tita Fran na nakaupo sa tapat ni mama.
Tita Fran is a close family friend, parang second mother ko na siya dahil bata pa lang ako magkaibigan na sila ni mama. Tsaka anak na rin ang turing niya sa akin.
"Aw thanks sweetie, nag abala ka pa..sige na have a seat and eat, I know pagod ka sa biyahe mo from Davao."
"Okay tita.." then lumapit ito kay tita Fran para magbeso. " Hi Tita, na miss ko po kayo.."
"Likewise Be..uhm..sige na kumain ka na.." at saka pa lang siya umupo sa tabi ko.
"Oyy! musta ka na Jegow!," tinapik aako nito sa balikat pero hindi ko lang pinansin at nagpatuloy sa kakapindot ng cellphone ko..
Ano bang drama ko..
" Ay..Ok may ganyanan pala..di ako na inform, di bale na nga lang", tatayo na sana ito pero agad ko napigilan sa paghawak sa braso niya.
"Teka lang.."
"O bakit?, sagot ni Maris habang titig na titig sa akin.
"Umupo ka na...and eat, I know pagod ka sa biyahe mo." patuloy pa rin itong nakatingin sa akin at biglang ngumiti.
"Hasus!!! na miss mo lang ako e..", umupo na ulit ito at napayakap sa braso ko. "Aminin mo Diegs, na miss moko ng sobra kaya emote emote ka dyan..don't worry dito na ako..haha!"
"Loko!", ginulo gulo ko ang buhok niya.
"oyy, ang buhok ko." inayos ang buhok niya at agad na hinarap ako.
" Di nga.. na miss moko?, pangungulit pa ni Maris at nakaramdam ako ng pagbilis ng pintig ng puso ko.
" Ang kulit mo lang e no..kumain ka na nga para magkalaman ka naman ng konti," panunukso ko pa sa kanya.
Pinandilatan ako ng mata. " Ang sama talaga..hmp! makakain na nga lang...pero Diegs ----", humawak muli ito sa mga braso ko na pataas taas pa ang kilay.
" O..?"
" Na miss kita! loko..totoo..swear..di ko nga alam bakit e..hahaha!" at sumandal ito sa balikat ko, mas lalo ata bumilis pintig ng puso ko..
" Na miss din kita Bem!.."
Maris POV
Hmm. tama ba nadinig ko? na miss din ako ng mokong na to. Siguro naman ano..halos isang buwan din kaming di nagkita ha..at di naman kami nakakapag usap sa phone. Umuwi kasi ako ng Davao,may family gathering na need talaga yong presence ko. Dapat kasi two weeks lang ang bakasyon ko, pero sinagad ko na..na miss ko din naman kasi sina mama at papa, tsaka natapos ko naman din mga obligation ko sa school, kaya mas napaaga ang alis ko din.
" Be..Ate Payti mo?, " tanong ni Tita Fran.
"Naku Tita, dumiretso na ng bahay mula airport..me konting lagnat kasi kaya di na nakasama sa'kin."
" Aw, kawawa naman si Tin, di bale bring her some food later." pag oofer pa ni Tita Teresa.
"Thank you po..", I feel so lucky talaga at nakilala ko tong mga taong to. Three years na rin kaming magkaibigan ni Diego. Na introduce lang naman kami through a common friend sa school, ewan ko ba pero nakagaanan na namin agad yong ugali ng isat isa e. Naging kumportable ako sa kanya at ganoon din naman siya. Simula non palabas labas na kami ng grupo..hanggang sa may sarili na din kaming lakad na kami lang..Then nalaman pa namin na regular customer si Tita Teresa sa shop ni Ate kaya mas lalo pa kaming naging close, pati na rin kela Tita Teresa at Tita Fran naging malapit ako.
" Sige na..kumain ka na Bem.." at inilapit sa harap ko ang mga pagkain.
" Yes bhebhe boi!", pinigilan mo ang tawa ko at tinitigan ang reaction ni Diego.. hahaha.. hate na hate niyan kasi pag tinatawag ko ng bhebhe boi. well, nakikisali lang naman ako kila Tita..hahaha.
" Hays! kumain ka na nga..gutom lang yan..damihan mo na"
" Opo, bhebhe boi, hahaha!!", pang asar ko pa sa kanya. " Ang kulit ah..", bigla na lang niya ako kinurot sa pisngi.
" Aray! sakit ah..", pero yong totoo, hindi naman siya masakit..ginogoodtime ko lang siya.
" Ayy sorry!, kaw kasi.."
"HAhah..joke lang Diegs..ginugoodtime lang kita..haha", patuloy pa rin ako sa kakatawa.
" Pansin ko nga.. tuwang tuwa ka e. Ganyan ba pag galing bakasyon? Ano pa kaya pag isang taon ka mawala?, nagtitigan kami at sabay na tumawa kasi parang na gets na namin ang iniisip ng isa't isa.
" Ayy sorry po! ang ingay ata namin.. " Sorry", sambit din ni Diego.
"Okay lang, alam naman namin na miss niyo isa't isa.."
Nagtinginan uli kami ni Diego at bahagyang napangiti..ganyan lang kami pag magkasama, tawanan ng tawanan, yong good vibes lang palagi..walang drama. Sa panahon kasi ngayon mahirap ka na makakita ng totoong kaibigan, then sa isang lalake pa. Mabait lang kasi ang taong to kaya di rin mahirap mahalin.
I mean..mahal bilang kaibigan ah, though very ideal na nga tong maging boyfriend, parang na sa kanya na ang lahat ng hihilingin ng isang babae. Yong swak na swak ipakilala sa parents mo..kaya swerte din ang mamahalin nitong babae..Napatitig ako sa kanya, di pa rin maalis sa mga labi niya ang ngiti. Yong ngiting Diego na kinahuhumalingan daw ng girls sa kanya..
"Uhm.. Be", boses ata ni Tita Fran yon.
"Po..", bigla akong nabalik sa realidad.
"Po, Tita tawag niyo ako?, agad na tanong ko sa kanya na parang wala lang nangyari sa akin.
" Pogi??", sabay kindat sa akin.
